- 5 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Weekend Express ngayong Linggo, January 18, 2026.
-AV EJ: Tindera ng gulay, binaril sa ulo habang naka-livestream
-AV MAV: Ex-DPWH Sec. Bonoan, nasa Pilipinas na matapos ang 2 buwang pananatili sa Amerika
-VTR: BFP Region 7: Narekober na ang lahat ng 36 na labing natabunan sa gumuhong Binaliw Sanitary Landfill
-AV IAN: Bamboo bridge, winasak ng Bagyong Ada; clearing operations sa mga dinaanan ng lahar flow, puspusan
-AV NIKKO: Masaya at makulay na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu; 40 grupo, nagpakitang-gilas sa pagsayaw
>
-AV CJ: 7-anyos na babae, patay matapos mabangga at magulungan ng pickup
-AV RAFFY: Russian National na hinuli dahil sa pambabastos ng ilang Pinoy para sa kaniyang vlog, pina-deport na
-AV ATHENA: Mga ulat ng epekto sa kalusugan kaugnay sa pina-recall na mga batch ng infant formula product ng isang kompanya, natanggap ng Food and Drug Administration o FDA
-AV JONATHAN: Employer sa Hong Kong, huli sa aktong sinasaktan ang isang OFW
-AV BEA: Suspek na nanghablot ng cellphone, arestado; improvised na baril, narekober ng pulisya
-AV MAV: Alagang aso na marunong magbukas ng gate, kinaaliwan
-VTR: DPWH Sec. Dizon, literal na nauga sa kalidad ng iniinspeksyong tulay
-AV JONATHAN: MERALCO Powergen Corporation o MGE, nilinaw na hindi ang Solar Philippines New Energy Corporation na binili nila kay Rep. Leandro Leviste ang pinagmumulta ng DOE para sa mga na-terminate na kontrata ng Solar Philippines
-VTR: Malakas na ulan, posible pa rin sa ilang mga lugar na malapit sa daraanan ng Bagyong Ada
-AV RAFFY: Proficiency ng mga mag-aaral na Pinoy, pababa nang pababa sa mga nakalipas na taon
-AV NELSON: Ilang ordinaryong Pinoy at Kapuso stars, nagbahagi ng entry nila sa 10-year throwback trend
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-AV EJ: Tindera ng gulay, binaril sa ulo habang naka-livestream
-AV MAV: Ex-DPWH Sec. Bonoan, nasa Pilipinas na matapos ang 2 buwang pananatili sa Amerika
-VTR: BFP Region 7: Narekober na ang lahat ng 36 na labing natabunan sa gumuhong Binaliw Sanitary Landfill
-AV IAN: Bamboo bridge, winasak ng Bagyong Ada; clearing operations sa mga dinaanan ng lahar flow, puspusan
-AV NIKKO: Masaya at makulay na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu; 40 grupo, nagpakitang-gilas sa pagsayaw
>
-AV CJ: 7-anyos na babae, patay matapos mabangga at magulungan ng pickup
-AV RAFFY: Russian National na hinuli dahil sa pambabastos ng ilang Pinoy para sa kaniyang vlog, pina-deport na
-AV ATHENA: Mga ulat ng epekto sa kalusugan kaugnay sa pina-recall na mga batch ng infant formula product ng isang kompanya, natanggap ng Food and Drug Administration o FDA
-AV JONATHAN: Employer sa Hong Kong, huli sa aktong sinasaktan ang isang OFW
-AV BEA: Suspek na nanghablot ng cellphone, arestado; improvised na baril, narekober ng pulisya
-AV MAV: Alagang aso na marunong magbukas ng gate, kinaaliwan
-VTR: DPWH Sec. Dizon, literal na nauga sa kalidad ng iniinspeksyong tulay
-AV JONATHAN: MERALCO Powergen Corporation o MGE, nilinaw na hindi ang Solar Philippines New Energy Corporation na binili nila kay Rep. Leandro Leviste ang pinagmumulta ng DOE para sa mga na-terminate na kontrata ng Solar Philippines
-VTR: Malakas na ulan, posible pa rin sa ilang mga lugar na malapit sa daraanan ng Bagyong Ada
-AV RAFFY: Proficiency ng mga mag-aaral na Pinoy, pababa nang pababa sa mga nakalipas na taon
-AV NELSON: Ilang ordinaryong Pinoy at Kapuso stars, nagbahagi ng entry nila sa 10-year throwback trend
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00E.J. Gomez
00:30Nagla-livestream lang sa social media habang nagtitinda ng gulay ang 23-anyos na babae sa Barangay Santa Ana, Taytay Rizal nitong Biyernes.
00:39Abala ang biktima sa pagtitinda sa mahigit dalawang oras na livestream.
00:44Pagsapit ng alas 7.30 ng gabi, isang lalaking nakasuot ng sombrero at face mask ang lumapit sa babae.
00:51Bumunot siya ng baril at malapit ang pinaputukan sa ulo ang babae.
00:55Bumagsak ang babae at tumakas ang gunman.
01:00Bumabas na ako dito sa budiga na nagkita ko na lang dun sa alabas na si Ato pala yung nakaanduho sa ina dun.
01:10Tsaka maraming dugo na nakaano sa katawan niya tsaka sa ulo niya.
01:18Madalas daw mag-livestream ang biktima ng kanyang pagtitinda sa tindahan ng gulay na ito ayon sa kanyang mga katrabaho.
01:23Kwento ng isang saksi matapos ang pamamaril, tumakbo ang sospek bit bit ang kanyang baril sa eskinitang ito.
01:32Ayon sa pulisya, magkakilala ang biktima at sospek.
01:36Ito pong ating sospek ay dating karelasyon ng may-ari ng gulayan na boss ngayon po nung ating biktima.
01:49Na di umano, itong biktim po natin is nagsusumbong sa kanyang amo tungkol sa mga ginagawang pambababae nitong ating sospek.
02:06Dahilan para tumindi ang galit nitong sospek doon po sa ating biktim.
02:13Na-aresto nitong sabado ng umaga ang 31-anyos na sospek sa kanyang bahay sa Angono, Rizal.
02:21Aminado siya sa pambababae niya na naging dahilan daw ng hiwalayan nilang mag-asawa.
02:26Pero di naman daw siya naggalit sa biktima na nagsumbong umano sa kanyang asawa.
02:31Umamin din ang sospek na nasa Taytay Rizal siya ilang oras bago ang insidente.
02:36Pero itinanggi niya ang pamamaril.
02:38Nung tanghali, pumunta ko doon sa asawa niya. Nagbayad ako ng pera. Ang layo po ma'am ng mukha ko doon.
02:52Di ko man magagawa mo gano'n noon ma'am. Napamahal na sa akin yung bata na yun.
02:56Nasa ligtas na kondisyon ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
03:01Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kuna ng pahayag ang kaanak ng biktima.
03:05Sa Taytay Police Custodial Facility, nakakulong ang sospek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.
03:12Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:26Nakauwi na po ng Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan na isinasangkod sa maanamaliang flood control projects.
03:33Kasama si Bonoan sa mga pinatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagginig bukas.
03:40Nakatutok si Mav Gonzalez.
03:41Matapos ng dalawang buwan sa Amerika, umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan kaninang umaga.
03:52May Immigration Lookout Bulletin Order para kay Bonoan dahil sa imbestigasyon sa maanamaliang flood control project.
03:58Dating sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na umabot sa mahigit 30 billion pesos ang alokable ni Bonoan sa national budget.
04:08Sinadya rin anya nitong magbigay ng mali-maling coordinates ng flood control project sa Malacanang.
04:13Lumipad pa Amerika si Bonoan noong Nobyembre para samahan ang asawa na magpa-opera.
04:19December 17 dapat ang uwi niya.
04:21Pero ayon sa kanyang abogado, na-delay ang operasyon kaya hindi agad nakauwi.
04:25Sa former Secretary Manny Bonoan po ay dumating ngayong umaga, limbo po ng umaga, January 18.
04:34Nanggaling po siya from Taipei.
04:36Sa po ay nasa immigration lookout buletin natin.
04:39Kaya po ang kanyang pagdating ay nireport po natin sa agad sa Department of Justice.
04:44So far po doon sa ating tala, wala po siyang reported companion na kasama po niyang umuwi na po.
04:52Kasama niya po ang kanyang south na umalis.
04:54Pero ngayon po, nung siya po ay bumalik, wala pong declared at deported na kasama po paawin.
05:02Kasama si Bonoan sa labing dalawang sinagpina ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagdinigbukas.
05:08Kabilang din dyan, sinadating Congressman Zaldico, COA Commissioner Mario Lipana,
05:13at dating Deped Yusek Trigiv Olaivar na mga tumanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
05:18Ayon kay Committee Member, Sen. Kiko Pangilinan, malaki ang papel ng Blue Ribbon.
05:24Ngayong hindi makapagpatuloy sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure dahil sa kawalan ng quorum.
05:30Matapos magbitiw ni na dating Public Works Secretary Babe Simpson at Executive ng SGV na si Rosana Fajardo.
05:36Tip of the iceberg pa lang dahil, di ba, Bulacan.
05:41Pero habang hinihiring kasi natin, marami ang mga nagpapadala ng mga text messages.
05:48Tingnan din ninyo yung Cavite, tingnan din ninyo yung Pangasinan.
05:54Parang nasa transition tayo.
05:57Wala nang ICI, wala nang quorum.
05:59At hindi naman naipapasa pa itong Independent People's Commission.
06:05Although of course, ang sinasabi ng ibang mga legal experts, nandyan naman talaga yung ombudsman which is in the DOJ.
06:13Kahit daw for later release o hindi kaagad nabigyan ng pondo ang ilang proyekto sa Cabral Files,
06:19kailangan pa rin investigahan.
06:21Lalo't may down payment na umano kahit nasa National Expenditure Program pa lang.
06:25Saan galing yung pera? And most likely, ang ating tansya dyan galing sa mga kontraktor na nag-advance
06:34at naniniwalang makukuha nila na yung proyekto dahil rigged na.
06:39Meron pa rin katiwalian, meron pa rin komisyon at kickback.
06:45Sagot naman ni Pangilinan kay Sen. Amy Marcos na nagsabing puro senador ang pinupuntirya sa mga anomalya pero walang kongresista.
06:53Inimbitahan silang lahat. I think 17 ang inimbitahan nung huring hearing.
07:00So we can tackle that again bukas.
07:03Hindi dahil nga, well sinasabing hindi namin, hindi binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag itong mga sangkot na kongresista.
07:17Hindi naman din totoo yun dahil nga inimbitahan sila. Hindi sila kumarap.
07:21Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
07:27Nahanap ng lahat ng naunang naiulat na natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Cebu City.
07:35Kaninang umaga, nakukuha ang pinakahuling labi sa Binali Sanitary Landfill sa tulong ng canine dogs mula sa Iloilo.
07:41Sa kabuan, 36 ang kumpirmadong namatay sa trahedya.
07:45Nakatulong din sa pagtuntun at pag-recover ng mga biktima ang Coast Guard Working Dog na si Kidlat.
07:50Nag-iwan po ng kabi-kabilang pinsala ang Bagyong Ada sa Bicol Region.
07:58At sa Albay, bukod sa Umagos na Lahar, may nasira pang tulay.
08:03Mula sa Manito Albay, nakatutokla.
08:04Pia, bumuti na nga ang panahon dito sa Albay sa paglayo ng Bagyong Ada.
08:15Pero dito sa bayan ng Manito Pia, ito yung kanilang pinoproblema ang pagkawasa ng kanilang Bamboo Bridge ng dahil daw sa Bagyo.
08:23Wasak ang bahagi ng Bamboo Bridge na yan sa bayan ng Manito Albay.
08:31Yan pa naman ang nagdurugtong sa poblasyon area ng Itba at Barangay Kawit.
08:35Nasa 20 metro ng tulay ang nasira.
08:38Kwento ng isang residente, mga trosong mula sa bundok ang puminsala sa tulay.
08:42Yung Bagyobos na dumaan, malakas yung baha dito kaya inanod ng mga kahoy na nakaharang sa ilalim.
08:55Kaya nagiba yan.
08:57Nagbabangka muna ang mga residente patungo ng poblasyon at pabalik ng Barangay Kawit.
09:025 piso ang bayad kada sakay ng bangka.
09:05Nakabantay naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Manito Substation
09:09katuwang ang mga bumbero para matiyak ang kaligtasan ng biyahe ng mga sumasakay ng bangka.
09:14Ang problema, bukas may klase na ang mga estudyante.
09:18Mayro po. Ang mga estudyante may po pag nagtatawid, maalon po tapos mahangin.
09:25Noong pandemia, nasira ang kanilang hanging bridge kung saan may mga nasaktan.
09:29Ang gusto namin sir, maanohan na ito ng tulay na konkreto.
09:34So sabi, may budget na ito. Sana magawa na itong ngayon na taon na ito.
09:39Bukas, ipapayos na ito.
09:40Pero yung pangmatagalang solusyon, yun po ang sinasabi po nila.
09:44Yun. Yun nga, sinasabi ko sa kanila na nakausap namin sa tao sa OPAPRO
09:53na magda-download sa amin ng 140 million para sa pagpaayos ng tulay.
09:59Ano po magiging tulay na ito?
10:01Concrete na ito.
10:02Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Office,
10:06nakauwi na ang mahigit 11,000 na lumikas dahil sa Bagyong Ada.
10:10Kasama na ang mga taga-money nila sa bayan ng Ginubatan.
10:14Nahihirapan daw sa pangtira sa siksikang evacuation center ang pamilya ni Don.
10:18Pero ang mahalaga ay ligtas sila sa bantanang lahar flow.
10:22Sakaling tumaas sa alert level 4 ang status ng bulkang mayon,
10:25makakasama muli sila sa mga dapat lumikas.
10:28So sunod lang tayo sa patakaran nila kasi para naman sa kaligtasan ng lahat.
10:32Narating ang barangay Manin nila dahil naayos na ang daanan sa Manin nila Masarawag Channel
10:38na nasira ng umagos ang lahar doon dahil sa kasagsaganan lakas ang ulan,
10:43dulot ng Bagyong Ada.
10:45Sa barangay Masarawag, uspusan din ang clearing operation para sa mas mabilis na biyahe
10:49ng mga motorista sa Ginubatan Mayon Road.
10:57Sa bayan ng Owas Albay, binhana ang mga low-lying areas.
11:01Umapaw na rin ang tubig sa mga palayan.
11:03Nasa 38 pamilya na ang nailikas.
11:07Sa barangay San Andres, halos nasa tatundang individual na ang nailikas.
11:11Habang lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa lalawigan.
11:15Pinasok na rin ang baha ang isang paralan sa lalawigan.
11:18Isang aso naman ang nasagip ng PCG na inanod sa gitna ng baha.
11:23Kinailangan na rin sagipin ang ilang residente sa Virac Catanduanes.
11:28Binabagyuman, tuloy pa rin ang dibusyon ng mga taga-Virac para sa ikapitong dayosisan sinulog.
11:34Kabi-kabi lang pagbaha at pagguho ng lupa naman ang naitala sa ilang lugar sa Sorsogon.
11:39Sa Bagasbas Beach sa Dayat Camarines Norte, malalakas din ang hampas ng alon.
11:45Naglalakihan din ang mga alon sa Kaluwag, Quezon.
11:56Pia, maulap ngayon kaya hindi natin nakikita sa ating likuran yung Bulkang Mayon.
12:01At dahil nga lumayo na, ang Bagyong Ada, ang tututukan ngayon ng pamahalang panlalawigan ng Albay
12:07ay ang monitoring sa patuloy na nag-aalborotong Bulkang Mayon katulong siyempre ang Feebox.
12:12Yan muna ang latest mula rin sa Albay. Balik sa iyo, Pia.
12:16Maraming salamat, Ian Cruz.
12:20Dinagsana mga deboto at turista, masayang pagdiriwa ng Sinulog Festival sa Cebu.
12:25Ang makulay na selebrasyon ng Pista ng Senyor Santo Niño.
12:29Sinipin sa live na pagtutok ni Nico Sereno ng GMA Digital TV.
12:33Nico.
12:33Pit Senyor Ivan, maagang dumagsanga ang mga tao sa kalsada para saksihan ang mga dance performances ngayong Pista ni Senyor Santo Niño.
12:45Maagang nagsinatingan sa Cebu City Sports Center ang mga tao para saksihan ang Sinulog Festival.
12:51Unang isinagawa ang banal na misa bilang pagpupugay kay Senyor Santo Niño.
12:56Sumentro ang homily ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma sa pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.
13:04Nagpapasalamat siya na nailayo ang Cebu sa Bagyong Ada.
13:08Si Cebu City Mayor Nestor Archival kasama si Governor Pambaricuatro ang nagbukas ng Grand Parade.
13:15Kasunod nito, umarangkada na ang Sinulog Festival Competition.
13:1840 grupo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagpakitanggila sa kanika nilang dance routine alay kay Senyor Santo Niño.
13:28Di alintana ng mga manunood ang panahon at siksikan.
13:33Sa gitna ng mainit na panahon, may ilang performers na nahilo at nawalan ng malay.
13:39Agad naman silang nirespondihan ng mga emergency personnel.
13:42Ayon sa mga opisyal, dahil daw ito sa pagod at init.
13:46Samantala, inununsyo naman ni Mayor Archival na walang pasok bukas sa mga mag-aaral sa buong Cebu City
13:54para daw makapagpahinga ang mga mag-aaral at mga residente kasunod ng pagdiriwang ng Sinulog Festival.
14:03Iban sa ngayon, nagpapatuloy pa ang performances ng nalalabing mga contingents na papasok pa dito sa Cebu City Sports Center
14:10maging sa rota ng parada.
14:13Inaabangan din mamaya ang grand finale at fireworks display.
14:17Iban?
14:19Maraming salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
14:24Nawanggat ang ulungan ng pick-up ang isang batang babaeng biglang tumawid sa Ilocosur.
14:29Nangatotok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
14:32Habang binabaybay ng pick-up na ito ang bahagi ng National Highway sa barangay Uso, Suyo, Ilocosur,
14:42pasado alas 6 ng gabi nitong biyernes, biglang tumakbo patawid ang isang batang babae.
14:50Nabanga at nagulungan siya ng pick-up. Agad siyang pinuntahan ng kanyang ina.
14:55Bumaba rin ang driver ng sasakyan at lumapit sa mag-ina.
15:00Nagtamon ang sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima na nasawi.
15:04Bali, nakasakay sila ng tricycle.
15:07Yung mother, magbibigay ng kuhan, pamasaki.
15:11Akala niya yung anak niya nasa loob pa ng tricycle.
15:14Siya tapos sa likod ng tricycle, bumaba, tapos sabay takbo.
15:19Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
15:21Posible ang maharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
15:28Sinisikap ng GMA Regional TV na makuha na ng pahayag ang driver ng pick-up na nasa kustudiya ng pulisya.
15:35Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida, nakatutok 24 oras.
15:43Pinedeport ng Russian vlogger na hinuli dahil sa pambabastos ng ilang Pilipino para sa kanyang vlog.
15:49Plano rin ipadeport ang isa namang Estonian vlogger na nanghaharas din umano ng mga Pinoy for the content.
15:57Nakatutok si Rafi Tima.
16:01Matapos makulong ng ilang buwan, dineport na kahapon pabalik sa Russia ang vlogger na si Vitaly Sadorovitsky.
16:07In-arresto si Vitaly matapos mag-viral online dahil sa panggugulo at pambabastos ng ilang Pinoy noong nakarang taon para sa kanyang vlog.
16:16Sa inquest proceedings, inamin ni Vitaly ang mga ginawa niyang pangaharas para sa kanyang vlog.
16:21Sinubukan din niyang magbayad ng piyansa pero tinanggin ito ng BI.
16:24Sa kanyang deportation order, tinawag siyang isang undesirable alien.
16:29Ayon sa BI, blacklisted na sa Pilipinas si Vitaly.
16:38Sa Dumaguete City, Negros Oriental, in-arresto naman ng isang Estonian vlogger.
16:43Inareklamo si Sim Rusipo ng harassment dahil sa pagkuao mo na niya ng video ng walang pahintulot.
16:48E diniklara ng sanggun niyang panglungsod ng Dumaguete City ang vlogger na persona non grata.
17:00Binigyang diin naman ni BI Commissioner Joel Viado na hindi content playground ng Pilipinas.
17:05Hindi raw dahilan ng pagwavlog para manggaras at manggulo ng mga Pilipino.
17:09Plano ng BI na ipadeport ang Estonian vlogger.
17:12Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima na Katutok, 24 Horas.
17:19Nakatanggap ang Food and Drug Administration o FDA ng mga ulat ng epekto sa kalusugan
17:24kaugday sa pinarecall ng mga batch ng infant formula product ng isang kumpanya.
17:29Nakatutok si Athena Imperial.
17:34As of January 15, nakatanggap ang Food and Drug Administration ng 25 ulat kaugnay
17:40sa mga pinarecall ng mga batch ng infant formula products ng Nestle Philippines
17:46na Nan-Optipro at Nan-Kid Optipro.
17:49Sa labing walong ito, may health concerns na napansin sa mga batang nakainom na mga naturang infant formula.
17:56Kabilang sa mga sintomas ay pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng tiyan at ibang kondisyon.
18:02Ilan dito, nangangailangan ng atensyong medikal.
18:06Sabi ng FDA, nare-review nila ang bawat report at kinokoordinate din sa mga kinauukulang ahensya.
18:12Nakikipag-ugnayan din sila sa Nestle Philippines Incorporated
18:16na inatasang regular na mag-ulat kaugnay sa ipinatupad na voluntary recall ng mga produkto.
18:23Bukod sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bata,
18:26hinikayat din ng FDA ang publiko na iulat sa kanila ang mga insidente kaugnay nito.
18:32Noong January 9, inanunsyo ng Nestle Philippines ang voluntary precautionary recall
18:37ng ilang batch ng Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro
18:41dahil may nadetect na posibleng issue sa kalidad ng isang ingredient mula sa kanilang leading supplier.
18:48Ayon sa website ng Nestle Global,
18:51nagpatupad sila ng recall na mga batch ng kanilang mga infant formula
18:55sa mahigit 60 bansa at territories na karamihan ay nasa Europa.
19:00Sa bagong pahayag ng Nestle Philippines,
19:03sinabi nilang nakikipag-ugnayan sila sa FDA
19:06ukol sa mga naiulat na sintomas na posibleng may kinalaman sa mga ni-recall na batch ng kanilang mga produkto.
19:14Naiintindihan daw nila ang concern ng mga magulang
19:17at prioridad daw nilang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magbigay ng tulong.
19:24Sinimulanan nila ang voluntary recall bilang pag-iingat
19:27matapos nilang ma-detect ang mababang level ng hindi nila tinukoy na substance
19:32sa isang ingredient mula sa global supplier.
19:35Paglilinaw rin ang Nestle,
19:37walang itinakdang food safety thresholds ang health authorities
19:40kaugnay ng naturang substance.
19:42Wala pa rin anilang malinaw na datos na nag-uugnay sa epekto nito sa kalusugan.
19:48Sa kabilaan nila ng kawala ng safety at regulatory limits,
19:51nagdesisyon silang magsagawa ng voluntary recall.
19:55Patuloy raw silang nakikipagtulungan sa FDA
19:58at nagbibigay ng mga kailangang update
20:00para masigurong nasusuri ang lahat ng report.
20:04Para sa GMA Integrated News,
20:06Athena Imperial nakatutok 24 oras.
20:10Nasagip ang isang OFW sa Hong Kong
20:12na nakitang sinasaktan ng kanyang employer.
20:15Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Jonathan Andal.
20:19Sa video na ito na viral online,
20:27napahiyaw na lang sa gulat ang Pinoy na ito sa Hong Kong
20:30nang biglang hilahin ang babaeng nakabistida
20:33ang buhok ng kausap nitong babae.
20:36Ang biktima, isang OFW sa Hong Kong.
20:39Mabuti na lang dito yung mga pulis talaga
20:41is ang pilis ng response.
20:44Tumawag kasi si kabayan.
20:47Agad dumating ang mga pulis at kinausap ang OFW.
20:50Ang sabi ng ating kababayan,
20:53is lagi siyang sinasaktan kahit sa bahay.
20:56So mabuti na sa labas sila
20:57at nang sinasaktan na siya,
20:59nakatawag siya ng pulis.
21:00Hindi muna pinangalanan ng OWA ang OFW
21:02na ayon kay Hong Kong Labor Attachary Attorney Cesar Chavez
21:05ay taga Bulacan.
21:06Nakalabas na ng ospital ang OFW
21:08at tumutuloy muna ngayon
21:10sa temporary shelter ng Migrants Workers Office doon.
21:13Sabi ni OWA Administrator Patricia Yvonne Kaunan,
21:15bineberipikan na nila ang impormasyon
21:17na ang nanakit sa OFW
21:19ay ang alaga nitong meron umanong mental health condition.
21:23Sabi ni Kaunan,
21:24hawak na ng Hong Kong pulis ang kaso.
21:26May abogado nang tumutulong sa OFW
21:28para masampahan ng reklamo ang employer.
21:30Of course, there's physical assault.
21:33But we're also looking at
21:34Physical abuse also is a ground for breach of contract
21:38under naman the labor laws of Hong Kong.
21:41Aalamin pa rao ng OWA sa OFW
21:43kung gusto ba niyang umuwi ng Pilipinas
21:45o patuloy na magtrabaho sa Hong Kong.
21:47Panawagan din sa ating mga kababayan
21:51na pag may ganitong nangyari sa kanila,
21:55nandito ang Philippine government,
21:56nandito ang OWA para tumulong sa kanila.
21:58Para sa GMA Integrated News,
22:00Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
22:02Arestado ang isang tricycle driver
22:05na nanghablot ng cellphone sa Quezon City.
22:08Na-recover din sa suspect
22:09ang isang improvised na baril.
22:12Nakatutok si Bea Pinlock.
22:13Hindi kaagad nabuksan ang babaeng ito
22:25ang cellphone na nina kaumano sa kanya
22:27ng lalaki na yan.
22:28Ang lumalabas sa phone,
22:30naka-disable dahil sa sunod-sunod
22:32na maling na input na password.
22:34Ayon sa pulisya,
22:36gamit ng biktima ang phone niya
22:37nang mahablot ito sa labas
22:39ng isang kainan
22:40sa barangay Sacred Heart,
22:41Quezon City,
22:42biyernes ng hapon.
22:44May kachat to.
22:47Biglang dumating itong suspect
22:49at walang sabi-sabi.
22:52Hinabot yung cellphone niya.
22:54Pero nang tumakbo ang suspect
22:56papunta sa motor
22:57na pantakas nila
22:58ng umanoy kasabot niya.
23:00Hindi na malaya ng suspect.
23:01Yung pagtakbo niya,
23:03nalaglag nito yung ID niya.
23:05Then, napulot ito ng biktima.
23:08Nakatulong din sa imbistigasyon
23:09ng app ng biktima
23:10na nakakapag-track sa phone niya
23:12at ibang mga device.
23:14Naaresto ang 35-anyos na suspect
23:17na isang tricycle driver.
23:19Pero ma'am, ito ba yung suspect?
23:20Ito talaga yung mabotan sa...
23:21Pero ma'am, ito ma'am.
23:22Pakituro niyo ka ma'am?
23:24Na-recover sa suspect
23:25ang phone ng biktima
23:26at isang improvised na baril.
23:29Tinuro ng suspect
23:30kung nasa nang umanoy kasabot niya.
23:32Pero...
23:33Nakatunog to.
23:34Pati yung motor na ginamit,
23:36wala.
23:36Identify na natin din
23:38yung kasabot niya.
23:39Patuloy pa itong tinutugis.
23:41Ang aristadong suspect
23:43dati nang nakulong
23:44dahil sa robbery
23:45at illegal possession of firearms
23:47at dangerous drugs.
23:49Aminado siya sa pagnanakaw.
23:51Ginulang ma'am.
23:52Kasi po ma'am,
23:53nasira yung motor
23:53kong nabayayin ma'am eh.
23:55Wala na ma'am.
23:55Nangyari na ma'am.
23:56Hindi ka na po maibabalik
23:57yung nangyari ma'am eh.
23:59Pero itinanggi niya
24:00na sa kanya ang baril.
24:02Sinampahan na siya
24:03ng reklamong theft
24:04at illegal possession of firearms.
24:06Para sa GMA Integrated News,
24:09Bea Pinlak,
24:10nakatutok 24 oras.
24:16Literal na makulay ang buhay
24:17ng isang orange na sisio
24:19na naging instant pet
24:20hanggang sa ito'y maging manok.
24:23Ang mga cute pets na yan
24:24sa report ni Mav Gonzales.
24:25Meet Mocha,
24:30ang literal na orange chick
24:31na alaga ni MJ.
24:33Inakala nga raw
24:34ng mga magulang ni MJ
24:35na isang linggo lang
24:37ang buhay ni Mocha.
24:38Pero kalaunan,
24:39unti-unting lumabas
24:40ang tunay nitong kulay.
24:42Raised in a stress-free environment,
24:44dahil si Mocha,
24:45hindi rin nakaranas
24:46ng isang kahig,
24:47isang tukang pamumuhay.
24:49Bawal,
24:49yun lulutoin.
24:51Pet lang,
24:52yun pag pet,
24:53hindi lulutoin.
24:54First time po namin
24:55magalaga din ng manok.
24:57May mga traits pala sila na
24:59parang katulad sa aso
25:01na malambing,
25:03na gusto niya lagi din
25:04nakadikit sa'yo.
25:06Pero ang extraordinary pet nila,
25:08na bistong
25:09hindi pala nanging itlog.
25:10Nakala po namin noong una,
25:13babae po,
25:14meron pong
25:14paming mahukuwang itlog.
25:17Yun,
25:17tapos yun po,
25:18nagulat na lang kami,
25:19nagkapanong na po siya,
25:20tapos tumitilaok na po.
25:24Sa bahay naman ng fur mom
25:26na si Joanne,
25:27tila may kumakatok.
25:28Tao po,
25:29este,
25:30aso po.
25:31Ang bisita,
25:32ang alaga niyang si Luna
25:33na hindi na kailangang pagbuksan.
25:35Nakakapagbukas na nga ng git,
25:37aba,
25:37nagyaya pa ng bisita.
25:40Sa Camarines Norte naman,
25:42may chill na chill na mga puting.
25:44Tila ginawang higaan
25:46ang likod ng kanilang amo na si JP.
25:48Perfect companion
25:49habang nagmo-movie marathon.
25:51Ang kanyang Miovi buddies,
25:53dagdag na member sa kanilang fur fam
25:55na talagang mababaitraw at malambing.
25:58Para sa GMA Integrated News,
25:59Mav Gonzalez,
26:00Nakatuto,
26:0124 oras.
26:04Literal na nauga
26:05si DPWH,
26:07Sekretary Vince Dizon
26:08habang iniinspeksyon
26:09ng isang tulay
26:10sa Camarines Sur.
26:12Oh my gosh!
26:16Tiglang yumanigang
26:17mauka bridge
26:17nang dumaan
26:18ng isang malaking truck
26:19na may kargang bakal
26:20papuntang Bicol.
26:22Ipinag-utos naman niya
26:23kaagad na
26:24pag-aralan
26:24at ipaayos ang tulay
26:25para maiwasan
26:26ng posibleng aksidente.
26:27Nilinaw ng Meralco Power Gen Corporation
26:33na hindi ang Solar Philippines
26:35New Energy Corporation
26:36na binili nila
26:37kay Congressman Leandro Leviste
26:39ang pinagmumulta
26:40ng Energy Department
26:41para sa mga
26:42na-terminate
26:43na kontrata
26:43ng Solar Philippines.
26:45Nakatutok
26:46si Jonathan Andal.
26:47Sa isang pahayag
26:52nilinaw ng Meralco Power Gen Corporation
26:54o Mgen
26:55ang power generation arm
26:56ng Meralco
26:56na hindi
26:57ang SPNEC
26:58na binili nila
26:59kay Leviste
27:00ang pinagmumulta
27:01ng DOE
27:01para sa mga
27:02na-terminate
27:03na kontrata
27:03ng Solar Philippines.
27:05Sa 12,000 megawatts
27:07daw na halaga
27:07ng kontrata
27:08na kinansila
27:08ng DOE
27:09isa lang
27:10ang sa SPNEC
27:11ang 280 megawatts
27:13Santa Rosa project.
27:15Ang dating namamahala
27:16raw sa proyektong itong
27:17nag-offer
27:17at nabigyan ng award
27:18para sa 280 megawatts
27:20sa Green Energy Auction Program
27:21ng DOE.
27:22Nagahay na raw ito
27:23ng Notice of Force Majure
27:24noong nakaraang taon
27:25at sinabing
27:26hindi na nila
27:27makukumpleto
27:27ang proyekto
27:28sa target na
27:29December 2025.
27:31Gate ng Meralco Power Gen
27:32o Mgen
27:32maganda
27:33ang track record nila
27:34sa pagkumpleto
27:35ng mga proyekto
27:36na ang dalaway
27:37mas maaga pang araw
27:38sa schedule
27:39na itinakda
27:39ng DOE.
27:40Sa isang text message
27:42sinabi ni Leviste
27:43na wala siyang
27:44anumang natanggap
27:45na komunikasyon
27:45na naka-address
27:46sa kanya
27:47para sa 24 billion pesos
27:49na multa
27:50kaugnay ng termination
27:51ng service contract
27:52ng Solar Philippines.
27:53Sinusubukan namin
27:54kunan ng pahayag
27:55ang DOE
27:55kaugnay nito.
27:57Para sa GMA Integrated News
27:58Jonathan Andal
27:59nakatutok
28:0024 oras.
28:03Baka puso
28:04posibli pa rin po
28:05malakas sa ulan
28:06sa mga lugar
28:07na malapit
28:07sa daraanan
28:08ng Bagyong Ada
28:08kahit magyan
28:10na itong humina.
28:11Nakataas ngayon
28:12ang wind signal
28:12number 1
28:13sa Catanduanes
28:14at northeastern
28:15portion
28:15ng Camarines Sur.
28:17Huling namantaan
28:18ang bagyo
28:18sa layong
28:19205 kilometers
28:20northeast
28:21ng Virac
28:21Catanduanes.
28:22Ayos sa pag-asa
28:23posibling mula bukas
28:24unti-unting
28:25unti-unting
28:25lumiko
28:26at gagalaw
28:27sa
28:27looping
28:28o paikot
28:29na direksyon
28:30sa karagatan
28:31ng Luzon.
28:32May chance
28:32na ring humina
28:33ito bilang
28:33tropical depression
28:34martes ng hapon
28:35hanggang maging
28:36low pressure area
28:37pagsapit
28:38ng Merkules.
28:40Base sa datos
28:40ng Metro Weather
28:41posibli makaranas
28:42ang light
28:43to intense rain
28:43sa coastal area
28:44ng Catanduanes
28:45at Camarines Norte.
28:47Posibli naman
28:47ang light
28:48to moderate rain
28:48sa ilang bahagi
28:49ng Agusan del Sur,
28:50Surigao del Sur,
28:52Davao Oriental,
28:53Davao del Sur
28:54at South Cotabato.
28:56Mababa naman
28:56ang chance na ng ulan
28:57sa Metro Manila.
29:01Bumagsak daw
29:02ang proficiency
29:03ng Filipino learners
29:04batay sa pag-aaral
29:05ng 2nd Congressional Commission
29:07in Education
29:07o EDCOM-2
29:09at kabilang po
29:10sa mga dahilan niyan
29:11ang kakulangan
29:11ng masilid at libro.
29:14Nakatutok
29:14si Rafi Tima.
29:19Patuloy na dumarami
29:20ang nagtatapos
29:21ng high school sa bansa
29:22at tumutungtong
29:23sa kolehyo
29:23na walang sapat
29:24na kaalaman
29:25para sa kanilang edad.
29:27Ito ang masaklat
29:27na resulta
29:28ng pag-aaral
29:28ng 2nd Congressional
29:29Commission in Education
29:30o EDCOM-2
29:31sa datos mula
29:322023 hanggang 2025.
29:35Paliit ng paliit
29:36ang proficient
29:36o nakakamit
29:37sa kanilang dapat
29:38matutunan
29:38sa kada grade level.
29:40Sa grade 3 po,
29:4131% lang.
29:42Pagdating sa grade 6,
29:44nasa 20% tayo.
29:45Pagdating sa grade 10,
29:471.4%.
29:49Pagdating sa grade 12,
29:500.47 lang
29:52ang proficient
29:52ng mga batang
29:53Pilipino.
29:540.47%
29:56sa milyong-lilyong
29:56naka-enroll
29:57sa grade 12.
29:58Nagkapatong-patong
29:59na raw
30:00ang dahilan
30:00ng pagbagsak
30:01ng proficiency
30:01ng Filipino learners
30:02sa pagdaan
30:03ng mga taon
30:04mula sa kakulangan
30:05ng classroom,
30:06kaya siksika
30:07ng klase,
30:07kakulangan
30:08ng textbooks
30:09at kakulangan
30:10ng oras
30:10sa pagtuturo
30:11ng mga guru
30:11dahil sa ramin
30:12ng kanilang
30:13ginagawang
30:13administrative work.
30:15May mga ginawa
30:15naman dawak ba
30:16ang Department of Education
30:17o DepEd
30:18kabilang
30:19ang Transmutation
30:20of Grade
30:20kung saan
30:21niraround-off
30:21pataas
30:22ang grade
30:22ng isang learner.
30:23Ibig sabihin,
30:24kahit yung mga dating
30:25itinuturing na bagsak
30:26ipinapasa.
30:28Pero ginawa raw
30:28ito noon
30:29sa pag-asang
30:30ang mga ipinasang
30:31estudyante
30:31tututukan
30:32pagdating nila
30:33sa susunod na grado,
30:34bagay na hindi nasunod.
30:36Kung siksika
30:37ng mga estudyante
30:37sa isang klase
30:38ng guru,
30:39napakarami ding
30:40ibang trabaho pa,
30:41paano niya gagawin yun
30:42talaga ng mahusay?
30:44So, talagang siguro
30:45yung inasahan natin
30:46sa sistema,
30:47hindi ako mas
30:48sa realidad
30:48na hinaharap
30:49ng mga paarelan natin
30:50kaya medyo
30:51nagkaroon tayo
30:51ng problema.
30:52Sang-ayo
30:53ng dalawang
30:53grade 12 students
30:54na aking nakausap
30:55sa resulta
30:56ng pag-aaral.
30:57Nagpalala pa raw
30:58sa problema
30:58ang nangyaring pandemia.
31:01Yung iba talaga
31:04bumagsak
31:05yung interesse
31:07sa pag-aaral
31:08kasi naka-online
31:09lang po naman.
31:10Lalo na po
31:10sa comprehension,
31:12sa pakikinig,
31:12sa mga ganun po.
31:13Sumula noon,
31:14medyo hindi
31:14ang hirap na makabawi.
31:16Opo.
31:16May hirapan na po kami.
31:18Ang DepEd
31:18inihahanda pa lang daw
31:20ang kanilang pahiyag
31:20tungkol sa pag-aaral.
31:22Ayon sa Edcom 2,
31:23aabuti ng 10 taon
31:24para mabawi
31:25ang mga pagkukulong na ito
31:26kung matutugunan
31:27ng mga kasalukuyang problema.
31:29Pero may pag-aasa pa rin
31:30naman daw.
31:30Yung DepEd
31:31nag-launch
31:32ng Summer Literacy
31:33Remediation Program.
31:35Ang tinutukan nila
31:35is grades 1 to 3.
31:37Sa tutok na ginawa
31:38ng DepEd,
31:3996%
31:40ng lahat ng batang
31:41hirap makapagbasa
31:42nakaangat
31:43ng isang antas
31:44ng literacy.
31:45Yung mga bata
31:46sa Zamboanga,
31:47in fact,
31:4720 days lang
31:48ang natutunan nila
31:50katumbas ng
31:501.3 years
31:52ng pag-aaral.
31:53So,
31:54kaya nating humabol.
31:55Para sa GMA Integrated News,
31:58Rafi Tima
31:58nakatutok,
31:5924 oras.
32:05May entry na ba
32:06ang lahat
32:06sa nagbabiral
32:07ngayon online
32:08na 2016 trend?
32:10Hindi lang ordinaryong
32:11netizens
32:12ang nakitrowback
32:13dahil pati ilang
32:13kapuso stars
32:14ibinahagi ang kanilang
32:1610-year gap
32:17nostalgic look.
32:18Narito nga
32:1910 years na yun?
32:24Yan ang reaksyon
32:25ng netizens
32:26sa viral ngayong
32:272016 trend
32:28kung saan
32:29na pareminis
32:30ang marami
32:31sa nakalipas
32:32na isang dekada,
32:33pre-pandemic days
32:34na ibang iba
32:35sa buhay nila ngayon.
32:37Nung 2016,
32:39kahit mabutas
32:40yung bulsa ko,
32:41hindi ko siya pinapatahe
32:42kasi wala din
32:42namang laman eh.
32:43Ngayon,
32:44medyo masabi ko
32:44na okay na yung
32:45nasa better
32:46ano na ako,
32:47sa better position
32:48na ako ng buhay.
32:49Year 2016,
32:51kasi ano,
32:51natatandaan ko
32:52prime era ko po yun,
32:53dun ko kasi
32:54na-discover na
32:55hindi ko lang
32:56hilig magsulat,
32:57kung hindi,
32:57nasa puso ko talaga
32:58yung pagsusulat.
32:59Tapos ngayon,
33:00I'm happy to say
33:02na isa na rin po
33:03akong ganap na writer
33:04at kung may time,
33:06pinagpapatuloy ko pa rin
33:07yung pagpupunta
33:08sa iba't ibang lugar
33:09para magtanghal.
33:10Ang mga sikat
33:11at she meant
33:12unlocked
33:13sa isang dekadang
33:14puno ng challenges.
33:16Kaya they celebrated
33:17their winnings
33:18sa kanilang entry
33:20sa 2016
33:21trend
33:22na viral
33:23ngayon online.
33:24Apley next,
33:25diding dong dante
33:26sa ang pick
33:26ng kanyang mag-inang
33:27si Marian Rivera
33:28at Baby Sia
33:29na 10 years ago
33:31na 10 years ago pa lang
33:31mahilig
33:32ng mag-twinning.
33:34Fresh now,
33:35fresh din.
33:36Walang nagbago
33:37sa 2016 pick
33:39ni Alden Richards.
33:40Power lifter yarn?
33:43Ibang iba
33:43si Andrea Torres
33:44noong 2016,
33:46lalo't start pa lang
33:47ng projects niya
33:48as a leading lady.
33:50Believe it or not,
33:52vibing a la Britney Spears
33:54si Benjamin Alves
33:55noong 2016
33:56nang sumali siya
33:58sa lip-sync battle
33:59sa GMA.
34:00Before she was a mom,
34:02winning in life
34:03si Winwin Marquez
34:04nang piliin niya
34:05noong 2016
34:06ang personal growth
34:08na free from stress.
34:10Throwback
34:11and Cantadia days
34:12naman
34:12si Nagabi Garcia,
34:14Kylie Padilla,
34:15Sanya Lopez
34:16at Glyza De Castro
34:17ang entry nila
34:19sa 2016 trend.
34:21Sa dami ng ganap
34:22noong 2016,
34:24ang naiwan
34:24kay Bea Alonso
34:25ay ang memories
34:27of her happy travels
34:28kasama ang kanyang
34:29mga mahal sa buhay.
34:31Happy parents na ngayon,
34:33pero noong 2016,
34:35starting pa lang
34:36sa real-life adulting
34:37and their forever love story
34:40si na Megan Young
34:41at Mikael Dyer.
34:42Ang Mars na si Susie Entrata
34:44nagbalik tanaw
34:46sa kanyang fun times
34:47kasama ang unang hirit barkada.
34:49Ikaw kapuso,
34:51ano ba ang nagbago sa'yo
34:52in the last 10 years?
34:54Nasaan ka man ngayon?
34:56Trust your own pace,
34:58ika nga.
34:58Dahil ang buhay,
35:00hindi karera.
35:05And that's my Chica Distan.
35:07Inayit ako po si Nelson Canlas.
35:09Pia, Ivan.
35:11Thank you, Nelson.
35:12Salamat, Nelson.
35:13At yan po ang mga balita ngayong linggo
35:14para sa mas malaking misyon
35:16at mas malawa
35:17ng paglingkod sa bayan.
35:19Ako po si Pia Arkanghel.
35:20Ako po si Ivan Mayrina
35:21mula sa GMA Integrated News,
35:23ang News Authority
35:24ng Pilipino.
35:25Nakatuntok kami
35:2624 oras.
Comments