00:00Umakyat na sa 31 ang bila ng patay sa paguho sa landfill sa Cebu City at lima ang hinahanap pa.
00:07Balakit po sa search operations ang ulang dala ng Bagyong Ada.
00:11At mula sa Cebu City, saksila si Marise Umali.
00:17Marise?
00:19Pia, hindi nagpatinag ang mga responders sa buong araw na pagulan dito sa Binaliw, Cebu City.
00:27Sa kabila ng posibleng peligro, ay buong pag-iingat na itinuloy ng mga responder ang search, rescue and retrieval operations sa Ground Zero.
00:37Kaya nakahanap pa sila ng limang nawawala ngayong araw.
00:44Hindi na halos tumigil ang buhos ng ulan sa Binaliw Landfill, alas 12 pa lang ng hating gabi.
00:50Kaya sandaling ipinatigil ng incident commander ang operasyon para i-assess ang sitwasyon, baga matuloy raw sa pagsuyod ang mga backhoe at heavy equipment.
01:01Pag ganito kasi na umuulan yung site, dangerous yun para sa amin sa mga rescuers at other responders.
01:12Minsan, unpredictable yung tubig, lalo na we're dealing with gabundok na basura.
01:17Nang masiguro raw ng mga field engineer na ligtas ang sitwasyon, tuloy ang operasyon.
01:22Ayon sa Bureau of Fire Protection, may sinusunod na raw silang pattern para mapadali ang paghahanap.
01:27We were hoping sana kahapon na we could wrap this up faster, kung hindi lang bulan.
01:36Kasi mayroon namang, pinaplot kasi namin sa board kung saan namin nakukuha yung mga kadaber.
01:42And then we make guesses and predictions kung saan pwede namin mahanap yung iba pa.
01:49Kasi parang may pattern yun eh.
01:50Humingi naman ng pasensya ang BFT sa mga pamilya sa mga pagkakataong na aantala sila.
01:55I would like to emphasize na highly technical yung ginagawa namin yung rescue.
01:59We are trying to save lives.
02:00Of course, we were careful also not to destroy the bodies na pwede makuha namin.
02:06Pero hindi na lang ang mga pamilya nang natabunan ang namumroblema.
02:10Nag-aalala na rin kasi ang ilang residenteng nakatira malapit sa landfill area sa kanilang kalusugan.
02:16Gaya ng residenteng ito na may iba't ibang iniimdang karamdaman na raw.
02:19Simula nung gumuho ng basura, doon kami marami naman dito, doon kami nagkaubo, nagkaubo.
02:31Kaya sa akin, nahirap akong magsalita.
02:37Nang gumuho na, parang nagkagrabe.
02:44Lumalala yung amoy.
02:46May lalunas mga bata, yung kalusugan ng mga bata, kung maamoy nila.
02:52Kasi may mga bata, yung immune system nila, mahina pa.
02:57Panawagan nila sa lokal na pamahalaan.
02:59Dapat lang kasi malayo ang landfill sa mga tao dito.
03:06Kasi hindi mo naman alam talaga kung anong basura ang itatampak nila.
03:09Ang amoy, hindi natin alam kung anong amoy mayroon doon sa basura na mahalanghap ng mga tao.
03:16Sana malayo sa bahay, malayo sa walang tao sana para walang magkasakit at hindi ganito maramdaman ng mga itagarito.
03:28Sinusubukan pa namin punan ang pahayagang lokal na pamahalaan dito at kung ano ang plano nila sa mga tambak ng basura sa lugar.
03:36Kinunan din namin ang pahayagang Primeway Solutions pero wala pa raw silang pahayag sa ngayon.
03:41Pia sa mga sandaling ito ay hindi na umuulan pero talagang ramdam na ramdam na natin yung lakas ng ihip ng hangin.
03:51Katunayan, habang tayo ay ume-ere pati yung mga kagamitan natin ay talagang pinatumba ng bugso ng hangin ito.
03:58Pero ang pagniniguro naman ng mga kinauukulan kahit na anuman ang maging lagay ng panahon ay tuloy-tuloy nilang hahanapin ang lima pang mga nawawala sa Ground Zero.
04:11Para sa GMA Integrated News, live pa rin mula rito sa Cebu City. Ako, si Mariz Umali, ang inyo, Saksi.
04:20Mga kapuso, maging una sa Saksi. Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.