00:00Nagbabala ang Fibok sa posibleng Bantanang Lahar sa Bulcang Mayon dahil sa inaasahang masamang panahong dala ng Bagyong Ada.
00:06Ayon sa pag-asa, posibleng mag-landfall ang Bagyong Ada sa Bicol Region depende sa magiging kilos nito sa weekend.
00:13Live mula sa Taraga Albay, may unang balita si Ian Cruz. Ian?
00:20Yes, Susan, ngayong araw nga hanggang bukas inaasahan ang malakas sa pagulan dito sa Albay dahil nga sa paglapit ng Bagyong Ada.
00:27Pero sa mga sandali ito, Susan, mahinang ambon at makulimlim na panahon lamang at banayad na bugso ng hangin ang ating nararamdaman dito sa Albay.
00:36Pero hanggang kagabi, Susan, ay patuloy nga sa paglikas ang ating mga kabayan sa bayan ng Ginobatan.
00:42At tumuloy ang mga taga-barangay Maninila sa Ginobatan East Central School.
00:47Marami ang hinatid doon ng rescue vehicles pero may mga nagtungo rin na sakay ng sariling motorsiklo o tricycle.
00:54At maaga pakahapon ang simulan ng paglikas ng mga taga-maninila, pami-pamilya nga ang lumikas at ayaw daw nila matrap sa loob ng barangay
01:01dahil may posibilidad niyang rumagas sa ang lahar kapag malakas ang ulan.
01:04Magkakatuwang ang mga bumbero, taga-munisipyo, barangay at force multipliers sa paglikas sa mga residente.
01:11Napapagitnaan ng Maninila at masarawag gali sa ang barangay at kapag tumindi nga ang pagulan ay maaring malubog at masira ang daanan.
01:18Sa barangay masarawag naman, Susan, unang inilikas ang mga nakatira sa inaabot ng lahar na portion ng Ginobatan Mayon Road.
01:25Ang kay Mayor Ann Ong Hocon ang Ginobatan sa inisyan na bilang ay nasa 707 families o 1,773 individuals ang lumikas hanggang kagabi.
01:36Nakapailalim na sa wind signal number 1 ang buong albay kung saan patuloy pa rin ang pag-aalboroto nga ng bulkang Mayon na nasa alert level 3 pa rin.
01:44Ngayong umaga, naglabas din ang lahar advisory ang PBOX kaugnay ng pagdating ng Bagyong Ada na inaasahan daw na magdadala ng heavy to intense rainfall.
01:51Ito raw ang maaring mag-trigger ng volcanic sediment flows o lahar at muddy stream flows sa drainage areas ng bulkan.
01:59Kaya naman patuloy na pinag-iingat ang mga residente dahil sa umiiral na signal number 1, hindi na pinapayagan ng Coast Guard ang pagbiyahe ng anumang sea vessel.
02:07At bukod nga sa mga port dito sa Albay, Susan, ay apektado na rin siyempre ang port dyan sa Sorosugon na daanan o koneksyon ng Luzon patungong Bisayas.
02:18At sa inisyal nga na ulat ng Philippine Coast Guard nasa 1,800 plus na ang stranded ng mga pasahero.
02:25Mahigit 900 na rolling cargos at may sampung vessel ang stranded ngayon dito sa Bicol Region kaugnay nga ng pagdating ng Bagyong Ada.
02:33Balik sa iyo, Susan.
02:34Maraming salamat, Ied Cruz, mula po sa Albay.
02:37Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:40Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments