Skip to playerSkip to main content
No Atong Ang was found at his alleged residence in Mandaluyong.


Meanwhile, the businessman's camp pushes back at authorities labeling him "armed and dangerous."


Darlene Cay reports.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Biguring matagpuan si Atong Ang sa umunoy bahay niya sa Mandaluyong.
00:05Sa gitna naman ng pagtuturing sa kanya bilang armado at mapanganib,
00:09pumalag ang kampo ng negosyante.
00:12Nakatutok si Darlene Kai.
00:17Bitbit ang hindi bababa sa apat na arrest warrant.
00:20Hinalughog ng Mandaluyong Police at PNPC IDG
00:23ang umunoy bahay ni Atong Ang sa barangay Mauay, Mandaluyong City.
00:30Pero bigong matagpuan si Ang.
00:32Tanging nagpakilalang abogado ni Ang ang humarap sa pulisya.
00:35Kaya patuloy na imomonitor ang address sakaling bumalik doon si Ang
00:38na pina-aaresto ng Santa Cruz Laguna RTC Branch 26
00:42para sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.
00:48Kaugnayan ang labing siyam na sabongerong hindi na nakita
00:51matapos magsabong sa sabungan ng pagmamayari ni Ang sa Santa Cruz Laguna.
00:56Sabi ni Interior Secretary John Vic Remulia,
00:58gagawin ang mga pulisang lahat para mahanap si Ang
01:01na tinawag niyang armed and dangerous.
01:04Pagpalag ng kampo ni Ang, padalos-dalos daw at walang basihan ng pahayag.
01:08Tumanggi muna ang abogado ni Ang sa mga bagong panayam
01:11at palilimita muna sa unang pahayag
01:13na premature ang desisyon ng korte na ipa-aresto si Ang.
01:16Yan ay habang inaasikaso ang pleadings na ihahain niya sa korte
01:19para hindi niya maapektuhan ng judicial remedies
01:22o mga legal na hakbang ni Ang.
01:24Ayon naman sa DOJ,
01:27ang tanging remedy ng kampo ni Ang na pwedeng maaaksyonan ng korte
01:31ay motion to quash.
01:33Yung motion to quash, pwede niyang i-file
01:35even before the arraignment is set
01:38or before even the court acquires jurisdiction over the person.
01:41Pero all other pleadings na ipafind nila
01:43kung hihingi sila ng kahit na anong affirmative relief
01:46galing sa husgado
01:47ay hindi nila pwedeng gawin
01:50at hindi a-aksyonan ang husgado
01:52dahil sa wala pa itong restriksyon
01:54doon sa katauhan ng akusadong humihingi ng affirmative relief.
01:58Itinuturing na nilang fugitive o pugante si Ang.
02:01Yes, he is already considered a fugitive from justice
02:05because a case has been filed against him
02:07and there is already a warrant for his arrest.
02:09Para sa GMA Integrated News,
02:11Darlene Kay nakatutok 24 oras.
02:16Darlene Kay nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended