00:00Nadamay ang ilang sensitibong dokumento sa sunog sa opisina ng DPWH Cordillera Regional Office sa Baguio City.
00:09Nakatutok si Oscar Oida.
00:14Alas 5.30 ng hapon kahapon, nasunog ang bahagi ng DPWH Cordillera Regional Office sa Baguio City.
00:21Bantay sarado ngayon ng Baguio City Police ang gusali at walang pinapapasok sa nasunog na bahagi.
00:27Kahit pa si DPWH Assistant Secretary for Regional Operations for Luzon, Romel Tellio.
00:34Sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, utos daw ito mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon.
00:57Ayon kay Magalong, may nakita ang mga saksi na nag-spark sa posting malapit sa gusali.
01:10Kasunod niyan, nagka-flactuation ng kuryente at saka ng amoy.
01:14Ang sabi po sa initial report ay, ano yung Financial Management Records Office yung pinagmula ng sunog, tama po?
01:21Ang report naman is takro.
01:24May mga nakalap ng ebidensya ang Bureau of Fire Protection.
01:27Central Office ng BFP ang mamumuno sa imbisigasyon na posibleng tumagal ng limang araw.
01:33Pero batay sa paunang imbisigasyon ng BFP Baguio, ang bodega ng Financial Management Records ang nasunog.
01:40Nagkuha tayo ng samples and evidence for laboratory testing sa ipapadala po nila ngayon sa national headquarters for verification po.
01:48Ayon sa isa sa mga imbisigador ng BFP, nadamay ang isang malaking vault na naglalaman umano ng mga masiselang dokumento ng ahensya.
01:57Fireproof ang nasabing vault, kaya ligtas daw ang laman nito na pawang mga duplicate copy ng mga dokumentong na isumiti na sa Commission on Audit.
02:06Pero sabi ni Magalong, may mga sensitibong dokumento rin nasunog.
02:10Siguro it will take about five days. Siguro by Monday, magkakaroon na talaga ng linaw kung ano talaga nangyari.
02:17Sinusubukan namin kunan ng payag ang DPWH pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:23Pero batay sa nauna nilang payag, nakikipag-ugnayan ang ahensya sa BFP at sa Baguio City LGU para sa imbisigasyon.
02:31Wala rin nasaktang empleyado ng DPWH.
02:34Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Horas.
Comments