00:00Magpapatupad ng Department of Transportation ng Accessible Travel Policy sa lahat ng railway operations sa bansa.
00:07Ito'y para sa mas pinabuting servisyo at mas komportabling piyahe, lalo na ng mga nasa vulnerable sector.
00:14Si Bernard Ferrer sa Sanko ng Balita.
00:19Senior citizen na si Susan, ngunit masipag pa rin siyang mag-commute upang matapos ang kanyang magawain.
00:25Malaki ang kanyang pasalamat dahil may segregation scheme para sa mga pasahero ng MRT, lalo na para sa mga senior citizen at babaeng pasahero.
00:34Ito ang isa sa mga layunin ng Accessible Travel Policy.
00:38May patutupan ng Department of Transportation sa lahat ng railway operations at maintenance providers sa buong bansa upang matiyak ang mas accessible at inklusibong servisyo para sa lahat ng mananakay.
00:49Okay po yun kasi magaan po sa aming mga senior. Hindi na po kami nahihirapan.
00:56Samantala, umaasa naman si Arnel na mas magiging accessible pa ang ilang MRT stations, lalo na ang mga konektado sa Elsa Busway,
01:03dahil aminado siyang mas nagiging mahirap ang pag-commute habang tumatanda.
01:08Hindi kong senior na kami, ala na kami, hindi na kami productive. Pwede pa naman kami, dahil nga lang siyempre, may tulong ang government, may assistant ang agency, pwede ka pa kami maka-roam around.
01:22Ang Accessible Travel Policy na ayon sa Direktiba ni Paulong Ferdinand R. Marcus Jr. na isulong ang inklusivity sa lahat ng linyo ng tren, lalo na para sa PWDs, senior citizens at mga buntis sa pasahero.
01:34Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez ng pag-adapt ng ATP guidelines ay mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, maasahan at inklusibong sistema ng transportasyon para sa lahat ng pasahero.
01:47Batay sa Department Order No. 2025-024, inaatasan ang mga railway operators na magsagawa ng regular na pagsasanay sa kanilang mga tauhan hinggil sa disability awareness at gender sensitivity, magbigay ng tulong sa wheelchair boardings at magtalaga ng mga help points sa mga sasyon.
02:05Bukod dito, kailangan din nilang maglaan ng accessible information formats, gaya ng mas malino na audio at visual announcements, magkaroon ng malino na feedback channels para sa mga pasahero at magsagawa ng regular na accessibility audits.
02:17Ang kasalukuyang railway operators ay naatasan din maghanda ng transition at compliance plans para sa unti-unting pagpapatupad ng mga nasabing improvements sa mga susunod na taon.
02:27Isasama rin ang ATP guidelines sa North-South Commuter Railway o NSER at Metro Manila Subway Project upang matiyak na accessible ang mga bagong rail projects mula sa disenyo hanggang sa operasyon.
02:39Bernard Ferrer, para sa Pambalsang TV sa Bagong Pilipinas.