00:00Namatala, aabot sa 2,000 pamilya sa Santo Domingo Albay ang posibleng ilikas kung sakaling lumala pa ang nagiging aktividad ng Bulkang Mayon.
00:08Kahit dito, pinayigting pa ng lokal na pamahalaan ang ginagawang pag-ahanda para tugunan ang pangangailangan ng mga residente.
00:15Si Gary Carillo ng Radio Pilipinas Albay sa detalye.
00:19Puskusan ang ginagawang pagtatayo ng isang maliit na kubo ni Tatay Leonel gamit lamang ang mga materyales na nakuha niya sa paligid ng kanilang tahanan sa loob ng 7-kilometer extended danger zone ng Bulkang Mayon.
00:36Ang kubo na yan, gagamitin nila bilang pansamantalang tirahan sakaling itaas sa alert level 4 ang bulkan.
00:43Kailangan mong malis para just in case sumabog ang tuloy na sumabog ang Mayon, yung kaligtasan ng tao, ang iniisip.
00:55So yan ang gusto ng LGO, so kailangan natin sumulog.
00:59Batay sa tala ng lokal na pamahalaan ng Santo Domingo Albay, tinatayang 2,000 pamilya o nasa 10,000 residente ang kinakailangang ilika sakaling lumala pa ang pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
01:12Dahil dito, pinaigting pa ang paghahanda ng LGU sa mga evacuation center at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga posibleng maapektuhan.
01:22We're preparing also doon sa mga logistics, yung mga vehicle natin, yung mga foods and mga non-foods natin, we're already preparing for it.
01:32And yung bigas natin, sa tingin ko, sapat naman with the help of DSWD and yung NFA, fully supported po sila sa aksyon na ginagawa natin.
01:45Patuloy namang pinaghahanda ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, katuwang ang iba't ibang ahensya, ang mga lokal na pamahalaan na may mga residenteng naninirahan sa loob ng 7-kilometer extended danger zone.
01:59Samantala, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga polis sa mga border control point, lalo na sa mga papasok sa 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon.
02:11Mula rito sa Albay, para sa Integrated State Media, Gary Carrillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments