00:00Nagsampa na ng mga reklamo ang negosyanteng si Enrique Razon
00:03laban kay Suspended Congressman Kiko Barazaga dahil umano sa mga maling paratang nito.
00:09Si Vel Custodio sa report.
00:13Nagsampa ng reklamong two counts of cyber libel ang kampo ng negosyanteng si Enrique Razon
00:19laban kay Cavite 4th District Representative Kiko Barazaga
00:22sa Office of the Prosecutor sa Makati kahapon.
00:25Kaugnay ito ng social media post ni Barazaga noong January 9
00:29kung saan nakasaad na tumanggap umano ng bribe o suhol
00:33ang ilang mga miyembro ng National Unity Party o NUP mula kay Razon
00:37bago mag-2025 elections.
00:40Bilang suporta kay dating House Speaker Martin Romualdes
00:44burado na ang nasabing social media post.
00:46The basis was the Facebook posts which Congressman Barazaga made on his Facebook
00:55account last January 9, what we consider to be the defamatory statements.
01:00We haven't seen the evidence and the basis of this complaint of ours is precisely
01:05our position that what he said was false in Malaysia.
01:10Nauna ng sinabi ni House Deputy Speaker at NUP Chairman Ronaldo Puno
01:16na walang basihan at malisyoso ang mga paratang sa post ni Representative Barazaga.
01:21Sa kanyang statement, binigyang tiin ni Deputy Speaker Puno
01:25na walang laging katunggali sa pagiging House Speaker si Romualdes
01:29sa pagsisimula ng 20th Congress noong nakraang Hulyo.
01:33Ani Puno, handa siya at ang ilang miyembro ng NUP
01:37na magsampan ng reklamo laban kay Barazaga.
01:40Sa social media post naman ni Barazaga noong Martes,
01:43sinabi niya na handa siyang maglatag ng ebidensya patungkol sa
01:47umano'y bribery case sa pagbabalik niya sa Kongreso sa Pebrero.
01:51Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments