- 10 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00The police are killed in San Pablo City, Laguna.
00:09The victim is killed in San Pablo City.
00:12Ating saksihan.
00:17Puto lang mga daliri, taddad ng saksak sa katawan,
00:21may hiwa sa tenga, leeg, tiyan, at sa ilang bahagi ng braso at kamay.
00:26Sa ganyang kalunos-lunos na kalagayan na tagpuan ang walong taong gulang na lalaki sa San Pablo City, Laguna.
00:33Sa history po dito sa lugar namin,
00:36ngayon lang po may ganitong nangyari.
00:38Kaya po talagang palaisipan po sa lahat, lalo na po wala naman po talagang kaaway.
00:43Ayon sa mga kaanak ng biktima, papasok na sana ang bata sa eskwelahan nang bigla na lang nawala.
00:50Pag pumasakit po, makakit po, mabait ito pagka nakakita ng matanda, nabilis siya.
00:57May sayaw daw po sila sa eskwel.
00:59Nadoon pa po sa bagyong kostyum na isusuniya.
01:02Ang suspect sa krimen, kapitbahay ng biktima at pinsa ng kanyang tatay.
01:07Tiniting ng motibo ang umunay pambubuli ng biktima sa apo ng suspect.
01:12Dinala na ang suspect sa tanggapan ng Department of Justice sa Laguna.
01:28Ayon sa kanyang asawa, isang taon nang hindi nakakalaro ng kanilang apo ang biktima.
01:33Walang katuhanan nyo na yun sila sabi.
01:35Anong bully? Anong bully?
01:37Sabi nanay, anong bully nanay?
01:39Hindi ko mo nakakalaro yun.
01:40Sabi nung aking apo, hindi po.
01:43Pero nanlumo ang kaanak ng biktima nang sabihin sa kanila sa inquest
01:48na palalayain ang suspect dahil kulang umuno ang ebidensya.
01:52Testimonyo lang ng saksi ang meron, pero wala ang dinamit umanong gulok at damit na may dugo.
01:58Ayon sa mga polis, wala pang ibinaba ba ang release paper kaya nananatili ang suspect sa kulungan.
02:05Sana po, mabigyan po ng hostisya yung ginawa sa kapatid ko
02:09dahil wala po kung nakikitang dahilan para gawin po yung sabata.
02:13Oo, so makakulang po ng habang kuhay o kung ano ko eh, gusto dapat dapat wag ganyan din po yung gawin sa kanina.
02:20Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
02:26Sa tulong po ng GPS, naaresto ng mga otoridad ang anim na suspect sa panuloob sa mga gasolinahan sa Quezon City at convenience stores sa Nueva Ecija.
02:35Saksi si Mark Salazar.
02:37Kuha ito ng CCTV sa loob ng opisina ng isang gasolinahan sa Katipunan, Quezon City noong January 2.
02:48Isang lalaki ang nanloob para kunin ang nakadepositong kita ng gasolinahan.
02:53Nagsususpet siya ng inside job ang mga investigador dahil sa napakaswabing pagnanakaw.
02:59Alam niya kaagad kaan doon eh. Alam niya ang lalagyan na ng pera eh.
03:03Nagkita ang pansin mo sir. Diretso siya sa pera.
03:08So excepting empleyado niyan. Kung sinong nakakalam dyan.
03:15P70,000 pesos ang nakuha.
03:17Tinapatan nila yung main office. Tapos binuksan yung grills.
03:24Pasok doon. Merong maliit na open ano doon.
03:27Uhulog mo. Parang ATM machine na improvised.
03:29Bubuksan mo. Ihulog mo ngayon doon yung pera.
03:32Para walang kasa doon sa may boot. Para safe ba?
03:40Kasunod nito, isa pang gasolinahan sa Congressional Avenue ang nilooban ng parehong grupo.
03:46Diretso rin daw sa kaha ang magnanakaw.
03:49At nakakuha naman ng 300,000 pesos.
03:53Hinahunting na raw ng Quezon City Police ang grupong ito.
03:56Hanggang sa isang alarma ang inilabas sa Jaen, Nueva Ecija, kanina.
04:01May grupo ng mga holdupper na umatake sa isang convenience store sa Jaen
04:05at tinangay ang mismong vault ng tindahan.
04:09Isang pagkakamali ng mga suspect na ikinabagsak nila.
04:13It so happened na dito po sa vault, merong GPS na kung saan nandun yung isang cellphone.
04:21Anim ang arestado sa bahay na ito sa Lagro, Quezon City.
04:25Itong grupo na ito, marami na silang record ng robbery sa different areas ng NCR at Region 3.
04:33Kaya ngayon din po, dadali ng HNPNP para kasuhan sila sa robbery.
04:39At kami naman, irregular piling natin yung dalawang robbery incident.
04:43Tumating din ang kinatawa ng isa sa mga gasoline station at positibong kinilala ang suspect.
04:49Lahat ng nakatira sa bahay na naging hideout ng mga suspect ay iimbestigahan din.
05:09Aalamin din kung may iba pa bang kasabuat ang anim na arestado.
05:13Sa mag-anak ng isang grupo yung nakatira dito, siguro, dito mo pwedeng safe house, pwedeng hideout, inimbestigan pa natin.
05:27Itinatanggi naman ang may-ari ng bahay na kilala niya ang limang iba pang suspect.
05:31Bagamat, aminadong anak niya ang isang naaresto.
05:35Ay, hindi nga po namin alam eh, hindi ko po alam kasi tulog po ako eh.
05:39Yung isang po yung anak ko doon na nag-ano lang po yun eh.
05:42Sino anak niyo doon?
05:44Nakaputi po.
05:46Pagkatapos iproseso ang mga ebidensya, ibabiyahe muli sa Haen, Webay Siha,
05:50ang mga suspect para ma-inquest sa kasong robbery.
05:54Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
06:01Dalawang patay sa magkahiwalay na aksidente sa Muntinupa at Bacolod City.
06:05Ilang bahay at karinder yan naman ang sinalpok na isang truck sa Antipolo City.
06:09Saksi, si EJ Gomez.
06:11Alas 12.11 ng ating gabi kanina nang magbanggaan ang bus at truck sa southbounding ng South Luzona Expressway
06:22sa bahagi ng Susana Heights, barangay Tunasan, Muntinupa.
06:26Sa tindi ng salpukan, wasak ang harapang bahagi ng bus.
06:30Patay ang truck driver habang labing pitong iba pa ang sugatan.
06:34Agad rumisponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa pinangyarihan ng disgrasya.
06:39Inaalam pa ang dahilan ng salpukan.
06:44Ten-wheeler naman ang sumalpok sa ilang bahay at karinder yan sa barangay Mambugan, Antipolo City, kahapon.
06:51Sa isang video, kita ang mga natapong lupa na karga ng truck sa bahagi ng Sumulong Highway.
06:57Nadamay rin sa aksidente ang poste at mga linya ng kuryente.
07:01Nabasag ang windshield.
07:03Nagkayupi-upi ang unahang bahagi ng truck at nasira ang unahang mga gulong nito.
07:08Ito po yung itsura nung lugar na pinagsalpukan ng Ten-wheeler.
07:11Nagkawasak-posak ang bahay at karinder yan sa unahan.
07:14Nagkasalasalapat naman po ang mga kawan matapos ting mabangga at tumagilid ang poste ng kuryente.
07:20Mabuti na lang po at walang nasaktan o nasawi sa insidente.
07:25Ayon sa may-ari ng karinder yan, kasasara lang nila nang mangyari ang aksidente.
07:30Ako po yung natitindad dyan. Ngayon po, pagtawid ko, may narinig na lang kami may parang pumotok.
07:36Pagtingin ko po, yun po yung tindahan na yung bangga.
07:41Kung makita ko yung tindahan, talagang durog na eh.
07:44Ayon sa barangay, base sa pahayag ng mga saksi sa insidente,
07:48may hinahabol o anong isa pang truck ang sumalpok na ten-wheeler.
07:52Alos na kakarira daw silang dalaw eh.
07:55Pagkatapos yung isa na wala ng kontrol, bumangga dyan sa poste,
07:59siguro sa takot kung pahay natin tsaka driver, tumalot, sumakay dun sa kasama nila, tumakas na.
08:08Humarap naman sa mga otoridad at mga apektadong residente ang ilang representative ng kumpanya ng naaksidenteng truck.
08:15Galing daw sa Pampanga ang truck at nagdeliver ng buhangin sa Maynila.
08:19Saka ito bumiyahin sa antipolo para magkarga ng lupang panambak na inideliver naman sana sa Bulacan.
08:25Hindi po namin makontakt yung pahinante tsaka driver.
08:28Nakita lang po namin sa social media na ganun nga po.
08:32Kaya late na po kami nagpunta rito.
08:35Kaya hindi naman po namin mangkatalikuran yan eh.
08:37Sakutin po namin yung mga nasira.
08:39Patuloy na pinaghanap ng antipolo polis ang 37-anyos na truck driver at kasama nitong pahinante.
08:47Sa Bacolod City, patay ang isang delivery rider ng aksidenteng bumanga sa truck ang kanyang minamanihong motorsiklo sa barangay Pahanokoy.
08:57Ayon sa polisya, posibling mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya dumiretsyo at bumanga sa likurang bahagi ng truck.
09:05Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez ang inyong saksi.
09:11Magitapat na libong residente na ang inilikas dahil sa aktibidad ng Bulcang Mayon ayon po sa National Disaster Risk Production and Management Council o NDRRMC.
09:21At saksi live, si Ian Cruz.
09:25Ian?
09:27Pia, paglilikas ng nasa 70,000 katao ang maaring maganap sa kasakaling ang iakyat sa Alert Level 4 ang status ng Bulcang Mayon.
09:38Kaya naman, Pia, ngayon pa lang pinahanda na talaga ng pamahalang pandalawigan ang mga kakailanganing sasakyan.
09:44Ito ang border control point ng pulisya sa bayan ng Santo Domingo Albay sa extended danger zone na 7 to 8 kilometers mula sa Bulcang Mayon.
09:57Naglatag ng checkpoint para mabilis masabihan at may alis ang mga nakatira rito sakaling iakyat sa Alert Level 4 ang status ng Bulcang Mayon.
10:07Kapag nasa Alert Level 4, posibleng ang pagputok ng bulkan anumang oras at maaring palawigin ang danger zone sa 10 km o mahigit pa mula sa Summit Crater.
10:18Ang 72 anyo sa Sinilda na nakatira malapit sa border control point, handa raw sakaling palikasin.
10:26Siyempre, tanggap. Nakakatakot naman niyan. Maraming namaday na siya Mayon na yun. Siyempre, aalis kami.
10:34Nagabisong ang FIVOX kahapon na wala dis oras ng gabi ng Sabado hanggang bago magtanghali kahapon, tumaas pa ang seismic energy ng Bulcang Mayon.
10:43Sabi ni FIVOX Director Teresito Makulkol, posibleng may episode daw ng magma-recharge ang Mayon.
10:49Pagamat tumigil na ang naobserbahang pagtaas ng seismic energy, posibleng pa rin na maglulot ito ng pagpapatuloy ng eruptive activity ng bulkan,
11:01gaya ng madalas na rockfalls at pagdaloy ng uzon.
11:05Nasa 70,000 residente ang kailangang ilikas kapag inakyat sa Alert Level 4 ang bulkan.
11:11We have to prepare, number one, yung mobility. So we need trucks or any form of vehicle na pwede sa maramihan or sa mga pamilya.
11:24Ang bayan ng malilipot na nasa 6-kilometer danger zone, mayroong 406 families o mahigit 1,500 na individual na evacuees.
11:33Sa Sanose Elementary School, nasa 200 pamilya ang nananatili. Sapat daw ang pangilangan pero may mga evacuee ng nagkakasakit.
11:43Ang tatlong taong gulang na si Ninyo, nilalagnat at sinisipon, kaya nagpa-check up na sa clinic ng evacuation center.
11:49Sa ano siguro po sa ulan, naaambunan kasi lumalabas. Galing kami sa kalbayog nung nag-evacuation, maulan na gabi.
12:02Sa DOH namin, may mga ano naman sila. Naglalagay sila ng rooms dapat na medyo dapat hindi makahalo dun sa mga karamihan na mga bata.
12:13Dapat mga gano'ng.
12:15Ina-isolate sila?
12:16Oo, oo, oo.
12:17May pagkakataong nawala ng kuryente sa evacuation center.
12:20Mayinit kasi simpulay maraming evacuate. Mayinit yung ano. Kuryente lang talaga ang problema dito.
12:28May mga bata o pag mayinit, nag-iiyakan sila.
12:33May inaayos sa tent city, sa bakanting lote sa San Jose, para hindi na sana gamitin ng mga evacuee ang paralan.
12:39Wala kaming trabaho ngayon. Binigyan kami ng trabaho.
12:42Kaya paano magdagdagay ang income, magkakakulong pa kami sa mga ibang evacuees na malipat dito.
12:49Pero sabi ng alkalde na malipot, dahil sa banta ng LPA, baka hindi pa nila palipatan ang mga tent kahit mabuo na ito.
12:58Kanina lang, malakas ang ulan dito sa Albay.
13:02Huwag na muna naming ilipat. Doon na muna sila sa mga schools.
13:07Dahil pag nandyan sila sa tent, mahirapan naman sila pag umulan.
13:13Pia, ngayong nasa alert level 3.
13:19Ang status ng vulkan ay nasa mahigit 4,000 nga.
13:23Ano ang mga residenteng inilikas mula dun sa 6-kilometer permanent danger zone?
13:27Kaya naman, patuloy na humahanap ng permanenteng solusyon ang mga LGU
13:31para wala nang kailangang tumira at wala nang kailangang ilikas mula nga doon sa loob ng permanent danger zone.
13:38Live mula rin sa Albay para sa GMA Integrated News.
13:41Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
13:44Mga kapuso, maging una sa saksi.
13:47Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.