00:00Nauwi sa disgrasya ang manoy pakikipagkarerehan ng isang 10-wheeler sa isa pang truck sa pakurbang daan sa Antipolo.
00:09Ang 10-wheeler sumalpok at ng araro ng mga bahay, karinderia at poste.
00:13Tinutugis ang driver at pahinanting tinakasan ang aksidente. Nakatutok si E.J. Gomez.
00:22Sumalpok ang 10-wheeler na yan sa ilang bahay at karinderia sa barangay Mambugan, Antipolo City kahapon.
00:30Sa isa pang video, kita ang mga natapong lupa na karga ng truck sa bahagi ng Sumulong Highway.
00:36Nadamay rin sa aksidente ang poste at mga linya ng kuryente.
00:41Nabasag ang windshield. Nagkayupi-upi ang unahang bahagi ng truck at nasira ang unahang mga gulong nito.
00:47Ito po yung itsura nung lugar na pinagsalpokan ng 10-wheeler.
00:51Nagkawasak-wasak ang bahay at karinderia sa unahan.
00:54Nagkasala sa labat naman po ang mga kawad matapos ding mabangga at tumagili ng poste ng kuryente.
01:00Mabuti na lang po at walang nasaktan o nasawi sa insidente.
01:05Ayon sa may-ari ng karinderia, kasasara lang nila nang mangyari ang insidente.
01:10Maswerte rin daw at wala siya roon at ang kanyang anim na apo na nakipag-birthday sa tapat ng kanyang tindahan.
01:16Ako po yung titindahan dyan. Ngayon po, pagtawid ko, may narinig na lang kami may parang pumotok.
01:22Pagtingin ko po, yun na po yung tindahan na yung naano na bangga.
01:27Makita ko yung tindahan eh, talagang durog na eh.
01:31Dalawang palapag na bahay naman ni Zanayda ang napuruhan din ang pagsalpok ng truck.
01:36As in, durog po talaga yung bahay at yung truck ay talagang bumangga doon sa pinaka ano doon.
01:44Pagano'n kasi yung style nung ano niya eh, from there, tapos pagano'n siya, pa-islanting, nakakalungkot, tingnan yung bahay, diba?
01:53Ayon sa barangay, base sa pahayag ng mga saksi sa insidente, may hinahabon umanong isa pang truck ang sumalpok na 10-wheeler.
02:01Alos na kakarera daw silang dalaw eh. Pagkatapos yung isa, nawala ng kontrol, bumangga dyan sa post eh.
02:07Siguro sa takot nung pay natin tsaka driver, tumalon, sumakay doon sa kasama nila, tumakas na.
02:17Pasado alas 10 kagabi nang humarap sa mga otoridad at mga apektadong residente ang ilang representative ng kumpanya ng naaksidenteng truck.
02:26Galing daw sa Pampanga ang truck at nag-deliver ng buhangin sa Maynila.
02:30Saka itong bumiyahe sa antipolo para magkaga ng lupang panambak na i-deliver naman sana sa Bulacan.
02:36Hindi po namin makontak yung pahinante tsaka driver. Nakita lang po namin sa social media na gano'n nga po.
02:43Kaya late na po kami nagpunta rito. Kasi hindi naman po namin mam tatalikuran yan eh.
02:48Saka ko din po namin yung mga nasira.
02:50Patuloy na pinaghanap ng antipolo police ang 37-anyos na truck driver at kasama nitong pahinante ng mga residente ng Pampanga.
02:58Hindi naman daw magsasampan ng reklamo ang mga apektadong residente basta't makipag-ugnayan daw sa kanila ang driver at ang pahinante.
03:07Sa driver ng truck tsaka pahinante, sungukong na kayo. Harapin nyo yung problema na nagawa nyo dahil hindi naman kayo makakaligtas sa batas.
03:19Nagdunot ng bahagyang traffic ang insidente. Alas 6 kagabi ng lilisin ng barangay ang mga nagkalat na lupa sa kalsada.
03:27Pansamantala namang tinukuran ng tumagilid na poste. Ilang bahay ang nananatiling walang kuryente.
03:34Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments