Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bumoon ng barikada ang mga polis at ihos del Nazareno sa Quirino Grandstand kanina para mapanatili ang kaayusan sa mga debotong sumama sa traslasyon.
00:10At live mula sa Maynila, may unang balita si Jomer Apresto. Jomer!
00:19Maurice, good morning. Mula kagabi, nasaksihan naman natin ang dami ng mga deboto dito sa Quirino Grandstand.
00:25Ilang segundo lang mula ng gumalawang andas kanina, maraming deboto ang nakalagpas mula sa harang ng Philippine Coast Guard.
00:31May kita niyo sa screen ang dami ng mga deboto na hindi na napigilan ang otoridad na makasunod sa likuran ng andas.
00:36Pero bago yan, marami na ring deboto ang sumalubong kanina sa pila. Narito ang aki-report.
00:46Pasado alas dos ng madaling araw kanina nang magsimulang gumalaw palapit sa unahan ng andas sa mga deboto na yan sa bahagi ng Ross Boulevard sa Maynila.
00:53Sila yung mga sasalubong at nagbabakas sakaling mapunta sa unahan ng prosesyon.
00:58Tulad ng 19 years old na si Allen nakasama ang kanyang mga kaibigan.
01:01Taon-taon po kasi kami ngani. Talagang salubong talaga po namin.
01:05Pero ang hindi nila alam, mayroon ng mga nakaposting balangay at mga ihos sa harapan na haharang sa mga sasalubong na deboto.
01:12Bukod pa dyan ang mga pulis na nakabantay din sa harapan.
01:15Tulad sa bahaging ito ng Katigbak Drive kung saan mismong mga pulis nang naging barikada para hindi makapasok ang mga deboto at maging maayos ang sistema.
01:22Ang ihos na si Zoren, alas 7 pa rin ng gabi nakapwesto sa unahan.
01:26Magbabantay lang po kami dito sa mga kapaligiran para po tuloy-tuloy yung diretso ng daloy ng andas po.
01:32Para po hindi po mabalaw at maganda po ang agos na.
01:35Sa bahaging ito naman ng Kalaw Extension, napakahaba pa rin ang pila para sa pahalik sa Nazareno.
01:40Ang 55 years old na si Emma, pasado alas 2 na ng madaling araw pero nasa dulo pa rin ang pila.
01:46Yan ay kahit alas 8 pa sila dumating at nagsimulang pumila.
01:49Pasalamat lang po ako sa lahat na blessings na binigay niya for the whole year, last year.
01:54At saka panata po namin na every year, nandito po talaga kami.
01:59Una namang sinabi ng pamunuan ng Simbakan ng Quiapo na palalawigin hanggang sa January 10 ang pahalik sa Nazareno.
02:05Dahil naman sa sobrang daming deboto, tila nagkulang na rin ang mga portalet na nakakalat sa paligid ng Quirino Grandstand.
02:10Marami rin mga basura na nakakalat sa paligid ng lugar kaya ang Manila LGU walang patid ang paglilinis sa kalsada mula pa kagabi.
02:17Ayon naman sa National Capital Region Police Office sa abot sa mahigit 18,000 polis ang ipakakalat sa paligid ng andas.
02:24Para masigurong kaligtasan ng mga deboto, mayroon din umanong mga polis na nakasibilya na sasama sa traslasyon.
02:29Wala naman po tayong report or na-monitor na direktang basta or report dito sa ating kagalanap dito sa ating Transpasyon Bridge 36.
02:39Gayunpap patuloy yung ating pinatawang pag-monitor at koordinasyon sa ating mga counterpart ng HGCCC.
02:45Sabi pa ng NCRPO, efektibo na mula kaninang hating gabi ang liquor ban na mahigpit na ipatutupad sa lungsod, lalo na sa daraanan ng andas.
02:53Maris Pasado, alas ayos na ng umaga pero may kita niyo sa aking likuran na mahaba pa rin ang pila ng mga deboto na nais makalik sa replika ng Nazareno.
03:06At yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
03:10Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended