00:00Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila.
00:04Ayon sa pag-asa, apektado rin ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
00:09Mataas po ang chance ng mga thunderstorms sa mga nasabing lugar hanggang alas G's mamayang gabi.
00:14Walang bagyo o low pressure area, shear line hanging amihan at easterlies ang nagpapaulan sa bansa ngayon pong araw.
00:21Uulanin sa mga susunod na oras ang halos buong Southern Luzon at Visayas base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
00:28Ilang panig din ng Mindanao at Northern Luzon ang makararanas ng ulan.
00:33Maging alerto po sa heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
00:38Kanina, naitala sa City of Pines, Baguio ang 14.6 degrees Celsius na minimum temperature habang 24.4 degrees Celsius dito sa Quezon City.