00:00Sa ibang balita, mahigit 92 billion pesos ang dinito ni Pangulong Bongbong Marcos na items sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 National Budget.
00:11Sa kabila niyan, kinwestyo ng ilang mambabatas kung bakit meron pa rin ito sa budget na tinawag ng ilan na Shadow Pork.
00:18Balita ng hatid ni Ivan Mayrina.
00:22Dinito ng Pangulo ang 7 items sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations na mahigit 92 billion pesos ang halaga.
00:29Kabila naman sa itinira, sa ilalim niyan, ang pondo para sa AFP modernization, pondo para sa obligasyon ng gobyerno sa mga foreign assisted project, at pondo para sa risk management.
00:39We will not allow the Unprogrammed Appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending.
00:48Its utilization is provided with safeguards and is only available when clearly defined triggers and tests are met and will be released only after careful validation.
01:00Kailangan natin ma-meet yung requirements or even triggers.
01:05One is when we have an excess revenue, that's the time that we can also unlock the Unprogrammed Appropriations.
01:11Approved kay Sen. Pink Lacson at tatlong natira sa Unprogrammed Appropriations.
01:16Pero si ACT Teachers Partialist Rep. Antonio Teño naniniwalang posible pa rin ang katiwalian hanggat may natitirang Unprogrammed Appropriations.
01:26Tinawag naman niyang Shadow Pork ni ML Partialist Rep. Laila de Lima.
01:30Ngayon pa lang, balak na yung questioning ni Calaocan 2nd District Rep. Edgar Arise sa Korte Suprema.
01:37Ang aking position, all Unprogrammed funds in any form are unconstitutional.
01:44We're already drafting the petition.
01:47Mahalaga din na matulduan na ito, na ma-define na talaga ng Korte Suprema kung talaga bang ang ganitong puri ng pagbabadget na walang katapat na source of financing
01:59ay labag sa ating konstitusyon.
02:04Pero nanindigan sa Sen. President Dito Soto na isa ang 2026 budget sa pinakamalin sa budget na napirmahan.
02:11Tinawag naman itong People's Budget ni House Speaker Bo G.D.
02:16Pinakamalaking bahagi ng budget ay napunta sa sektor na edukasyon.
02:20Kabilang sa 1.345 trillion peso budget ito,
02:23ang pag-hire ng mas maraming guru at non-teaching personnel at pagpapatayo ng halos 25,000 na classroom.
02:29Pinakamalaking health budget naman sa kasaysayan ng bansa,
02:32ang 448 billion pesos para sa taong ito.
02:36Pasok na dyan ang 60 billion na pinapasauli ng Korte Suprema.
02:40297 billion pesos naman ang inilaan para sa agrikultura.
02:44At kasama na dyan ang pondo para sa farm-to-market roads,
02:48na dating nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways.
02:52270 billion pesos naman ang pondo para sa social services,
02:55kabilang ang para sa mga ayuda.
02:57Ang ilan sa mga yan, tulad ng AICS, MAIFIP at TUPAD,
03:01nagagamit umano sa vote-buying at pamumulitika,
03:04ayon sa ilang mambabatas ng makabayan bloc.
03:07Pero sabi ng Ehecutivo,
03:09naglagay naman ang probisyon na hindi pwedeng makialam
03:11o mamagitan ng mga politiko sa pamahagi ng mga ayuda.
03:14Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid
03:20and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage.
03:26Walang bawas, walang kulang.
03:29So susundan natin yung guidelines sa yan
03:31under the General Appropriations Act of 2026.
03:35Wala yan dati.
03:37So ngayon, nandiyan yan.
03:38Malaking bagay ang paghihigpit sa paggaso sa gobyerno
03:41sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya noong nakaraang taon.
03:44Ibinaba na ng Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev
03:48ang mga growth targets ng bansa.
03:50Pero positibong makakabawi ang ekonomiya sa ikalawang bahagi ng 2026.
03:54Inaasaan ding maaabot ang target na single-digit poverty rate sa 2028.
04:00Kaisan ninyo ako sa pagnanais na masiguro ang bawat pisong buwis
04:05ay mapupunta sa tamang proyekto at sa tunay na pangangailangan ng ating taong bayan.
04:11Magiging mas masino, mas maingat, mas responsable kami sa paggastos ng pondo ng bayan.
04:19Mahigit 5 triliyong piso ng halos 6.8 triliyon peso budget.
04:22Popondohan ng buwis at ibabang koleksyon o kita ng gobyerno.
04:271.6 triliyon peso sa manito ang kailangang utangin.
04:31Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments