Skip to playerSkip to main content
Nasakote sa Mandaluyong City ang 7 lalaki, kabilang ang isang menor de edad, na tumatangay umano ng mga kable ng telco!
Nakatutok si EJ Gomez, exclusive!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa kote sa Mandaluyong City ang 7 lalaki kabilang ang isang menor de edad na tumatangay umano ng mga kable ng telco.
00:10Nakatutok si EJ Gomez, Exclusive!
00:16Nakaparada ang dalawang closed van sa Arayad Street, Barangay Malamig sa Mandaluyong City.
00:22Makikita sa gilid ng mga ito ang ilang metrong haba ng cable wires na tinangkang nakawin umano ng 7 lalaki madaling araw noong miyerkules bisperas ng bagong taon.
00:33Ayon sa pulisya, cable wires ng isang telecommunications company ang ninakaw ng mga sospek.
00:40Una raw napansin ng mga security guard ng kumpanya ang krimen.
00:44Nang lapitan nila, nakita nila na nagpuputol nga ng cable wire doon sa loob ng manhole.
00:49At yung iba naman ay may hinihilang mga cable wires na rin po.
00:54Ito yung manhole na binuksan at pinagkuhanan ng mga sospek ng cable wires na kanilang ninakaw.
01:01Dito rin sa bahagi ng kalsadang ito, pinark na mga sospek ang dalawang closed van na kanilang ginamit sa krimen.
01:08Matapos isumbong ng mga sikyo sa pulisya, naaktuhan ang mga sospek na nagpuputol ng cable wires at isinakay ang mga ito sa dalan nilang closed vans.
01:17Wala po silang papeles na may pakita, kagaya po ng job order at coordination sa barangay.
01:25So agad po, nagtakbuhan po itong mga sospek.
01:29Pero mabilis naman po silang nahuli ng ating kapulisan sa tulong na rin po ng mga security guard na nag-report sa atin.
01:36Arestado ang pitong lalaki, kabilang ang isang minor de edad.
01:41Abot sa 90 meters na underground copper cable wires ang narecover ng pulisya, na mahigit kalahating milyong piso ang halaga.
01:49Nakumpis ka rin ang safety reflective vest na sinuot ng mga sospek.
01:54At ilang tools na kanilang ginamit, kabilang ang bolt cutter, hakso, sledgehammer at kadena.
02:00Depensa ng mga sospek, nirekrut lang sila para maghakot ng gamit para sa lipat bahay.
02:07Di raw nila alam na kable pala ang ikakarga sa closed van.
02:30Paglabas po namin, yun pala po haakotin po namin ka-apply, hindi po namin po nalapitan yun.
02:37Sa kami lang po napagbintangan.
02:40Di lang po namin nahawakan yun, napagbintangan lang po talaga kami.
02:43Hindi po namin alam na nakakaw po yun.
02:46Pagdating po namin sa area, nakalabas na po yung cable.
02:49Doon na po kami nul.
02:50Sinampahan ang mga sospek ng reklamong paglabag sa Republic Act 10515
02:57o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.
03:01Ang driver ng isa sa mga closed van, nakapagpiansa na.
03:05Ang menor de edad naman, na i-turnover na sa bahay pag-asa.
03:09Sa investigasyon ng pulisya, residente ng Tondo at Santa Mesa sa Maynila ang mga sospek.
03:15Ilan sa kanila, dati nang na-aresto dahil sa kasong robbery at illegal gambling.
03:21Binavalidate po namin kung anong nabibilang ang grupo ito.
03:24Nakikipag-coordinate kami po doon sa mga police station nga po ma'am na may mga pangyayaring ganito na rin na modus.
03:31Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended