00:00Marami ang humabol na bumili ng mga paputok at pailaw sa Bukawe, Bulacan ngayong besperas na ng bagong taon.
00:07Ang iba pa nga sa kanila, dumayo pa mula sa Karatig, Provincia.
00:12Si Velco Storjo sa Sentro ng Balita.
00:17Sa unang pagkakataon, sa Pilipinas magdiriwang ng bagong taon ng pamilya ni Jeffrey na galing pang Hawaii.
00:24Dumayo sila sa Bukawe, Bulacan para mamili ng paputok para sa pagsalubong ng bagong taon.
00:30First time with my family here. Mag-New Year dito. Nag-Christmas kami dito and New Year kami dito.
00:36So first time for everything with my family.
00:39Kaya nanggaling kami sa Manila, papunta sa Provincia na.
00:44So pumunta kami dito para bumili ng mga fireworks for tonight.
00:50Tradisyon na ng mga Pilipino ang maingay na pagsalubong sa bagong taon.
00:54Mula pampanga, dinarayo pa ni Ana ang bilihan ng paputok sa Bukawe para sa mas maraming opsyon ng fireworks.
01:02Every year nandito kami bumibili.
01:03Para sa akin, tradisyon yun. Para naman bigyan ng kasi yan, buong taon, blessing, ganyan.
01:11Basta importante, wala yung mga pinagbabawal na mga paputok.
01:14Ang importante yung mga fountain, fireworks, tapos mga lucis para lang mapasaya yung pamilya.
01:23Sa amin kasi yung paniniwala namin. Pag ano, maingay. Parang tanggal malas sa bahay.
01:30Ayon sa nagtitinda ng paputok, kagabi at ngayong araw ang peak ng dagsa ng mga mami midi.
01:36Kasi yung iba, umaasa ng mga promo. Gano'n. Kaya ginagawa namin, nagbabandel kami.
01:44Kagaya po ng mga fountain na ganyan. Pag kaya bigay sa tawad namin, binibigay na lang namin.
01:53Kagaya ng 1K, 5. Gano'n. Ina-assorted po namin para maano po. Hindi naman lugi.
02:00Pinaka-mabenta ang fountain na 1,000 hanggang 1,500 pesos.
02:06Ang sawa na 1,000 pesos.
02:0816 shots sa 1,500 hanggang 1,800 pesos.
02:12At kwiti sa 1,000 pesos.
02:15Lagi namang paalala ng Philippine National Police sa publiko
02:18na mag-ingat sa paggamit ng mga paputok
02:20at iwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok.
02:24Ilan dito ay ang Super Yolanda, Watusi, Boga, Goodbye Philippines, Piccolo, Five Star at Giant Whistle Bomb.
02:34Para sa alternatibong opsyon at mas ligtas sa pangpaingay sa pagsalubong sa bagong taon,
02:39ay maaari rin kayong mubili ng Torotot dito sa Bukawe, Bulacan
02:43na mabibili lamang ng 50 hanggang 150 pesos.
02:47Pwede rin kayong makadiscount ng 3 for 100.
02:49Hindi kagaya noong mga nakaraang araw,
02:54kung saan 24 hours bukas ang mga tindahan na paputok sa Bukawe,
02:58para sa kaalaman ng mga nais pang bumili,
03:01ayon sa mga nagtitinda ng paputok,
03:03karamihan sa mga tindahan ay magsasara bago mag-alas 5 ng hapon.
03:08Ang iba naman ay hanggang alas 9 ng gabi bukas.
03:11Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.