Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bisperas ng bagong taon, nakatutok ang GMA Integrated News sa pinakasariwang sitwasyon sa ilang bilihan ng mga paputok at pailaw, ospital at pamilihan.
00:11Nasa Bukawi, Bulacan, si Chino Gaston.
00:14Si Bernadette Reyes ang nakabantay sa East Avenue Medical Center para sa paghahanda nila sa posibleng dagsa ng mga biktima ng paputok.
00:22Alamin din natin kung magkano na ba ang mga bilog na prutas sa Divisoria sa Maynila kasama si Oscar Oida.
00:28Nasa mauapasay naman ang ating marina si Aubrey Carampel para sa paghahanda sa Kapuso Countdown to 2026.
00:35Binabantayan din natin ang iba pang malalaking balita sa loob at labas ng bansa.
00:42Unayin natin silipin ang sitwasyon sa bilihan ng mga paputok at pailaw sa Bukawi, Bulacan.
00:46May ulat on the spot si Chino Gaston.
00:49Chino!
00:49Raffi, ilang oras na lang bago magbagong taon ay unti-unting nagsisidatingan pa rin ang mga mamimilin ng paputok dito sa mga puwestuhan ng firework retailer sa Bukawi, Bulacan.
01:04Pero pansin natin na, Raffi, na mas kaunti ang taong narito ngayon kuwikukumpara sa kaparehong oras kahapon.
01:11Tila last-minute shopping, hindi para sa mga regalo kundi para sa mga paputok, ang pakay ng mga taong narito ngayon sa Bukawi, Bulacan.
01:20Halos puno ang mga parking space ng mga sasakyan ng mga namamimili.
01:24Walang patid ang pagbabantay ng PNP at Bureau of Fire Protection sa lugar at maging sa ilang parte ng bayan kung saan may mga pwesto ng fireworks retailers.
01:33Kahapon, namunmud ang mga taga-PNP ng mga pulyetos na nagpapaalala ng ligtas na paggamit ng pailaw at paputok ngayong bagong taon.
01:42At dahil paubos na raw ang supply ng ilang in-demand na pyrotechnics, tumaas na rin ang presyo ng mga ito.
01:48Ayon sa mga nagtitinda sa lugar, malakas ang pintahan ngayon kung ikukumpara sa nakaraang taon.
01:54Muling paalala ng BFP sa gagamit ng pailaw at paputok.
01:57Gumamit lang ng pailaw at paputok na aprobado ng Department of Trade and Industry.
02:01Huwag hawakan ng mga pailaw at paputok kung sisindihan at yaking malayo sa tao at kabahayan ang pagsisindihan ng mga ito.
02:09Narito ang pahayag ng ilang nagtitinda at mamimili.
02:16Ito po ang mga 16 shots, luces po pang bata, mga aerial po, yan po.
02:21Mga hanap po kasi ng tao, mga pasabog po sa taas.
02:25Ngayon lang kami may time, busy po kami palagi kaya yun.
02:28Katatawas ang Christmas party namin.
02:31Raffi, paalala rin ng mga otoridad sa mga mamimili ng paputok ngayong araw dito sa Bukawe, Bulacan.
02:42Dahil napaka-sensitive ng sangkap na mga paputok,
02:45ay yaking sapat ang packaging, pagkabalot at hindi naiinitan o nauulanan ang mga biniling paputok.
02:51Kung ito ay ikakarga sa sasakyan man o sa motorsiklo para hindi ito magliyap ng kusa.
02:58At yan ang latest mula rito sa Bukawe, Bulacan. Balik sa inyo, Raffi.
03:01Sino may napansin ka ba kung dumami o kumonti yung budget ng mga namimili dyan sa Bukawe, Bulacan?
03:07Ay, nako Raffi, nitong mga nagdaang araw tayo nagbabantay dito at nagugula tayo sa kabila ng mga sakuna at mga pagsubok na kinaharap ng bansa
03:21gaya ng Bagyo, Lindol at economic downturn nga.
03:24Meron tayong nga nakausap na 1,000 pesos ang kanilang budget hanggang 5,000 pesos.
03:29Pero meron namang labis-labis ang budget na umaabot pa ng 100,000 pesos mahigit ang isang bilihan ng paputok.
03:36Kaya hindi nga mag-gasya ang mga biniling paputok doon sa isang sasakyan na nakausap natin kahapon
03:41at kinailangan pang balikan para ligtas itong maibalik sa kanilang bayan.
Be the first to comment