00:00Nakaipon ang isang lalaki sa tip box ng 25,000 piso.
00:05Pero ang mga tingli-500 pisong perang papel na inipon, inanay.
00:11Pwede pa kaya yang maisalba at mapakinabangan?
00:14Ang sagot ng Baco Sentral ng Pilipinas sa unang balita ni Mav Gonzalez.
00:21Pera na inanay pa.
00:23Lumong-lumo ang uploader ng video na ito dahil magpapasko siyang walang ipon.
00:28Ang itinabi kasi niyang tigli-500 pisong perang papel, nagkasira-sira dahil sa anay.
00:34Kwento ni Sirilo Bitang, isang taon niyang inipon ang 25,000 pesos.
00:39Itinago niya ito sa isang tip box na gawa sa kahoy at iniligay sa locker.
00:44Chinek pa niya ito noong huling linggo ng November, maayos naman ang pera.
00:48Pero nang tingnan niya ulit noong December 19, inanay na ang ipon niya.
00:53May anay rin daw pala kasi ang dibisyon ng kwarto kaya hindi na ito naagapan.
00:57Sa 25,000 pesos, isang pirasong 500 peso polymer bill lang ang natira sa kanya.
01:04Itinuturing ng Banko Sentral ng Pilipinas na mutilated banknotes ang perang gaya kay Sirilo.
01:10Ang mga mutilated banknotes ay ang mga klase ng pera na sira-sira katulad ng nasunog, inanay o ginatngat ng aso.
01:19Pero pwede pang maisalba ang ilang nasirang pera.
01:22Ayon sa BSP, kailangan lang pasok ito sa tatlong requirement na S, size, signature, at security thread.
01:30Ang size ay kailangan may natirang 60% o 60% ng nasirang pera.
01:38Pangalawa, signature.
01:40Ang signature ay kailangang may natirang alinmang porsyon o parte ng signature ng BSP Governor o ng President ng Pilipinas.
01:52At pangatlo ay ang security thread na kailangang nakikita sa sirang pera.
01:58Pwede indalhin sa otorizadong banko ang nasirang pera para masuri ng BSP.
02:03Kung pasado, makuha mo pa ang halaga ng pera mo.
02:05Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Comments