Skip to playerSkip to main content
Ipon goals na sana, pero inanay ang tig-P500 perang papel ng isang lalaki na aabot sana sa P25,000.


Pwede pa bang papalitan ang mga sirang pera? Panoorin ang video.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipon goals na sana, pero inanay ang tigli 500 pisong perang papel ng isang lalaki na aabot sana sa 25,000 pesos.
00:13Pwede pa bang papalitan ang mga sirang pera? Alamin sa pagtutok ni Mav Gonzalez.
00:22Pera na inanay pa. Lumong-lumo ang uploader ng video na ito dahil magpapasko siyang walang ipon.
00:29Ang itinabi kasi niyang tigli 500 pisong perang papel, nagkasira-sira dahil sa anay.
00:35Kwento ni Cirilo Bitang, isang taon niyang inipon ang 25,000 pesos.
00:40Itinago niya ito sa isang tipbox na gawa sa kahoy at iniligay sa locker.
00:45Chinek pa niya ito noong huling linggo ng November, maayos naman ang pera.
00:49Pero nang tingnan niya ulit noong December 19, inanay na ang ipon niya.
00:54May anay rin daw pala kasi ang dibisyon ng kwarto kaya hindi na ito naagapan.
00:58Sa 25,000 pesos, isang pirasong 500 peso polymer bill lang ang natira sa kanya.
01:05Itinuturing ng Banko Sentral ng Pilipinas na mutilated banknotes ang perang gaya kay Cirilo.
01:11Ang mga mutilated banknotes ay ang mga klase ng pera na sira-sira katulad ng nasunog, inanay o ginatngat ng aso.
01:20Pero pwede pang maisalba ang ilang nasirang pera.
01:23Ayon sa BSP, kailangan lang pasok ito sa tatlong requirement na S, size, signature, at security thread.
01:30Ang size ay kailangang may natirang 60% o 60% ng nasirang pera.
01:38Pangalawa, signature.
01:41Ang signature ay kailangang may natirang alinmang porsyon o parte ng signature ng BSP Governor o ng President ng Pilipinas.
01:53At pangatlo ay ang security thread na kailangang nakikita sa sirang pera.
01:58Pwede indalhin sa otorizadong banko ang nasirang pera para masuri ng BSP.
02:04Kung pasado, makuha mo pa ang halaga ng pera mo.
02:07Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended