Skip to playerSkip to main content
Kabi-kabilang trahedya sa paputok ang naitala ilang araw bago ang Salubong 2026.
Sa Tondo, isa ang patay habang kritikal ang kalaro nito na parehong nasabugan matapos sindihan ang napulot umano nilang paputok.
May report si Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kabi-kabilang trahedya sa paputok ang naitala ilang araw bago ang salubong 2026.
00:06Sa tondo, isa ang patay habang kritikal ang kaluro nito ng parehong nasabugan matapos hindihan ng napulot-umanon nilang paputok.
00:14May report si Sandra Aguinaldo.
00:30Magbabagong taon na hindi kompleto ang pamilya ni Maricel at Cesar Sarmiento.
00:44Ang anak nilang si Cesar Rozelle, nakaka-12 years old lang noong biyernes,
00:49ay isa sa dalawang nasabugan ng paputok kagabi, December 28 sa tondo, Maynila.
00:54Na hulikam silang dalawa na naglalakad at pagdating sa bangketa sa A. Lorenzo Street,
01:00malapit sa Abad Santos, umupo sila at sinindihan ang napulot-umanon nilang paputok.
01:06Hanggang bigla itong sumabog at nagpayanig sa paligid.
01:10Sobrang lakas talaga eh, asin malakas.
01:12Then may lumapit po sa amin na isang residente na may nasabugan nga daw pong bata.
01:18Tumakbo ka agad kami papunta ron.
01:19Ilang hakbang mula doon sa lugar kung saan pumanaw yung isa sa mga bata,
01:25matatagpuan ang crater na ito dahil dito raw sumabog yung paputok.
01:30At dito sa gilid naman, nayupi yung mga yero sa lakas ng pagsabog.
01:36Yung impact niyan, naramdaman hanggang doon sa pagtawid sa kalsada
01:40dahil yung bintana po doon nagkabasag-basag.
01:45Batay sa paon ng investigasyon ng Malila Police District,
01:48nagsindi ang mga bata ng pinagbabawal na pikulo pero hawak din umano ni Razel
01:54ang isa pang malakas na uri ng paputok na nagdulot ng pagsabog.
01:59Lumalabas doon sa report ng IOD natin, sila yung isa sa mga remesponde doon.
02:04Nakita nga nila yung kahalintulad itong paputok na ito,
02:10yung description nga nito, ito ay cylinder type ng container
02:14kung saan kahalintulad daw ito nung Goodbye Philippines o Goodbye Bin Laden na paputok.
02:20Base na rin sa kanila, ito ay napulot nung mga bata
02:23at pagdating dito sa corner ng Jose Abad Santos,
02:27sinindihan yung isa sa mga napulot nung victim 2, yung pikulo.
02:31Pagsindi niya, nag-ignite din ito at nadamay itong hawak-hawak naman
02:35nung victim 1 natin na namatay.
02:37Dalawa raw po yun, yung isa pumutok, then yung isang yun,
02:41hindi daw pumutok, binasa.
02:43Hanggang sa napulot siguro ng mga bata po,
02:46tapos pinaputok nila kanina.
02:48Nakremate na si Cesar Russell,
02:50pero bago ito ay binigyan ng pagkakataon ang pamilya
02:53na makita siya sa huling pagkakataon.
02:57Ang kaibigan niyang 12 anyos din na matindi ang tinamong pinsala,
03:01inoperahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
03:04Sabi niya po, lalabas lang daw po, sabi may bibilin daw po siya.
03:08Biglang, yun po, may narinig kami malakas na ano dun eh, sumabog.
03:13Tapos yun nga daw po yung anak ko.
03:14Sabi ng anak ko, awa ko may kamay ko eh,
03:17kasi ang lamig po, nanginginig nga po siya dun.
03:21Sige, sabi ko, nak, dito lang ako, hindi kita iiwan.
03:24Hindi ko kaya talaga na makita ng ganun anak ko siya.
03:27May isa pang naputula naman ang daliri
03:29na inoperahan din sa naturang ospital.
03:32Muling nagbabala ang mga otoridad na huwag magpaputok
03:35at ang mga firecracker na nasindihan na,
03:38pabutok man o hindi, huwag nang galawin at pilitin pang paputokin.
03:42Kaya po ang punto ng DOH, mapa, iligal o legal,
03:47hindi po dapat pinapahawak ng paputok ang mga bata.
03:51Pero sa Divisorya, talamak ang bintahan ng mga paputok,
03:54legal o iligal, palihiman.
03:56Ma'am, paano niyo po bininipatago, segreto,
03:58o nakadisplay lang po?
04:00Patago.
04:01O, lantaran.
04:03Sa marami pa rin naghahanap yung people, o?
04:05O, marami pa rin po, ma'am.
04:06Pero kawal po yan, eh.
04:08Eh, wala ko tayong magagawa sa hirap ng buhay mo.
04:10Kailangan kumain.
04:11Nagkaroon sila ng intrapment sa may pinoto area,
04:15at pag nanguwi din sila ng sanya na nagbibeta,
04:18nang iligal na paputok.
04:19Tapos kanina naman, may nalawa silang na-resto
04:21at ako, biskali sila siguro mga left at 200,000 mga mga ganyan.
04:26Kahit sa pagbili at pagbibit-bit pa lang ng paputok,
04:29dapat talaga magdoble at triple ingat.
04:32Sa Barili, Cebu, siyang natindahan ng paputok
04:35ang nasunog at nagdulot ng mala fireworks display.
04:42Ayon sa BFP,
04:43ang triangle na nasindihan ng isa sa dalawang lalaking bumili ron
04:48na itapon sa nakadisplay na Judas Belt.
04:51Nalitratuhan ang plaka ng motorsiklo ng dalawa
04:54na tumakas at inaalam pa ang pagkakakilanlat.
04:57Iginiit naman ng mga nagtitinda
04:59na sumunod sila sa alitong tunin ng pagbibenta ng paputok.
05:06Sa Santa Barbara, Pangasinat,
05:09may shockwave ng pagsabog
05:10na nahulikam din
05:12galing daw sa mga paputok na binili
05:14ng nakabotorsiklong mag-ama
05:16na dumayo roon
05:18para silang sugatan.
05:19Sumayad na yung hawak niya
05:21na paputok doon sa kalsada
05:23or dito sa may stambucho
05:26ng kanilang motor.
05:28Kaya siguro,
05:28yun na naging sanhi,
05:30nagkaroon ng friksyon,
05:32pumutok yung kwitis.
05:35Sa buong bansa,
05:37ayon sa DOH,
05:38125 na ang fireworks-related injuries
05:41mula nitong December 21.
05:4327% daw itong mas mababa
05:46kumpara sa 171
05:47na naitala sa parehong panahon
05:49noong 2024.
05:51Kabilang sa mga pinakamapinsala
05:53ang kwitis na hindi naman iligal.
05:56Ang mga paputok
05:57na nagiging sanhi ng pinsala
05:58ay ang 5-star,
06:00BOGA,
06:01kwitis,
06:01ang mga unlabeled
06:03or imported fireworks
06:04at whistle bomb.
06:05Sandra Aguinaldo
06:06nagbabalita
06:07para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended