Skip to playerSkip to main content
  • 9 months ago
Pag-angkat ng bigas, lilimitahan hanggang sa susunod na taon; P43/kg MSRP, mananatili | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam na ang paggalaw ng tarifa sa imported rice habang mananatili ang maximum suggested retail price nito hanggang sa susunod na taon.
00:08Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:12Pansamantalang mapapako muna sa 43 pesos kada kilo ang maximum suggested retail price o MSRP ng 5% premium imported rice
00:22habang pinaplan siya pa ng pamahalaan ng mga kinakailangang proseso para sa ipapatupad ng 20% rice tariff sa Enero.
00:30Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.,
00:34anumang pagbabago sa MSRP ay ikokonsidera lamang matapos ipatupad ang mas mataas sa tarifa.
00:40Kapag natapos ang importation ban sa December 31,
00:44papayagan na ang paunang imported rice volume na 500,000 metrikong tonelada,
00:49kung saan kabilang dito ang 50,000 metrik tons para sa Food Terminal Incorporated.
00:55Makatutulong ang kontroladong pagpasok ng dami o volume ng bigas sa bansa upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.
01:03Nagkasundo na rin ang Department of Agriculture at mga industry stakeholders
01:07para sa mas mahigpit na pamamahala sa importation, partikular sa panahon ng anihan.
01:13While the tariff matter helps, ang kailangan makontrol is yung quantity ng imported rice.
01:21So as long as we can control the quantity kung ilan lang ang kailangan,
01:25mayroon pang konti for buffer stocking, then the pallet prices should be stable.
01:33Tuwing harvest season nila, dapat konti ang importe.
01:37Lilimitahan lamang sa 3.6 hanggang 3.8 million metric tons ang volume na imported rice para sa susunod na taon.
01:46Kapag naipatupad na ang Rice Industry and Consumer Empowerment Act o Rice Act sa susunod na taon,
01:52magkakaroon na ng regulatory powers ang National Food Authority para i-regulate ang dami ng imported rice.
01:58Plano ng NFA na bumili ng basang palay sa 17 pesos per kilo at tuyong palay sa 21 pesos sa panahon na anihan na magsisimula sa Marso.
02:09Inaasahan nito na mag-aalok ng mas mataas sa presyo ang mga pribadong negosyante,
02:14suportado ng mas mataas sa taripa at kontroladong import volumes.
02:19Magtatatag din ang kumite para sa pagmonitor ng supply at demand ng bigas sa lokal at pandaigdigang merkado.
02:26Meron tayong hinahabong na retail price na dapat ang retail price natin is about from 42 to 47 pesos.
02:38Kasi kung masyadong mababa ang presyo ng bigas sa merkado, malunugi ang farmer.
02:45So there has to be a rice price na acceptable to the consumer and to the farmer. Doon tayo.
02:55Matatanda ang 4.8 million metric tons ang inimport na bigas soong nakalipas na taon na naging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka ng palay,
03:04matapos bumagsak sa 8 piso kada kilo ang presyo ng palay sa ilang mga lugar bago ipatupad ang importation ban.
03:11Simula ng ipatupad ang import ban, tumaas ang presyo ng palay ng hanggang 17 pesos per kilo para sa basang palay at hanggang 23 pesos naman sa tuyong palay na siyang tamang presyo para sa pagbili ng palay sa mga magsasaka.
03:27Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended