Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinigpita na rin ang pagbabantay sa Tinaguriang Fireworks Capital na Bansa
00:04para tiyaking ligtas ang mga nagtitinda at namimili ng mga paputok at pailaw.
00:09Mula po sa Bokawe sa Bulacan, nakatutok live si Chino Gaston.
00:14Chino!
00:18Emil, hindi lang 1,000 pesos kundi 40,000 pesos pa at mahigit
00:23ang ginagastos ng ilang mamimili ng paputok dito sa Bokawe, Bulacan.
00:27Pero kasabay niya ang pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection
00:30ng mga gagamit ng pailaw at paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
00:40Sa kabila ng taon-taong paalala ng Department of Health at iba pang ahensya sa panganib ng mga paputok,
00:49dagsapa rin ang namimili ng paputok dito sa Bokawe, Bulacan,
00:53ang Tinaguriang Fireworks Capital ng Bansa.
00:55Sabi ng ilang kong nakausap, naglalaan talaga sila ng budget para rito.
01:06Mahigpit namang nagbabantay ang Bureau of Fire Protection at Philippine National Police
01:10sa mga tindahan ng paputok sa Bokawe.
01:12Lalo na at base sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research,
01:17labing-anim na sunog na ang nangyari sa mga tindahan ng paputok sa Bokawe mula 2004.
01:22Sa mga yan, umabot na sa labimpito ang namatay.
01:26Kaya bawat tindahan dito ay may fire extinguisher.
01:29Tama ang pagkakakabit ng electrical wiring, may nakaibak na tubig at buhangin,
01:34at nakabukod ang bodega sa mismong tindahan.
01:38Bawal din ang paninigarilyo o pag-testing ng paputok sa lugar.
01:41Nagpaalala rin ang mga nagbebenta, lalo sa mga nagkakarga na mga pinamiling paputok at pailaw sa sasakyan.
02:01Basa, huwag lang ko siya nabasa tapos nainitan.
02:04Masabinigad ko na magkaroon ng sariling apoy po yun.
02:07Dagdag pa ng BFP, yaking may PS mark at aprobado ng Department of Trade and Industry ang gagamiting paputok.
02:15Huwag na rin daw gumamit ng mga paputok na sobrang lakas at sindihan lang ito sa lupa o simento.
02:20Sindihan lang din daw ang mga paputok sa hindi mataong lugar at malayo sa mga kabahayan.
02:25At ihanda ang first aid kit at fire extinguishers sakaling kailanganin.
02:31Huwag na ding damputin o hawakan ang mga hindi sumabog na paputok o pumaliang mga pailaw.
02:37Yung mga na-miss fire, mas maganda po basahin na lang natin kaysa pulutin natin na i-reuse natin.
02:44Sadyang may panganib sa bawat sindi pero hindi umano may tatanggi ang ambag ng fireworks manufacturers sa ekonomiya ng lalawigan ng Bulacan.
02:52Sa datos ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry noong 2021, aabot sa 500 ang kabuang bilang ng fireworks manufacturers sa probinsya at nage-employ ng nasa 20,000 magagawa.
03:06Aabot rin daw sa 1.5 billion pesos ang revenue na nakukuha ng gobyerno mula sa fireworks industry sa buong bansa.
03:14Emil, patuloy na dumarating ang mga tao para mamili ng paputok dito sa pamilya ng paputok sa Bukawi, Bulacan.
03:25At kung titignan natin, halos parehas lang ang dami ng mga tao sa kaparehong oras dito na nagpupuntahan o kung ikukumpara dun sa mga nagdaang araw.
03:35At inaasahan daw ng mga retailers dito na lalong dadami pa ang mga tao habang paparating ang bagong taon.
03:42Emil, maraming salamat, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended