00:00Handa na ba ang inyong New Year's Resolutions?
00:03Ang mas mahalagang tanong, natupad na ba ang Resolutions at Goals ngayong 2025?
00:08May unang balita si Athena Imperial.
00:13Noong umbisa ng taong 2025, kanya-kanya tayong Resolutions at Goals na gustong gawin at matupad sa loob ng 365 days ng kasalukuyang taon.
00:24Ngayong magtatapos na ang 2025, may mga natupad ba?
00:29Sa mga pangarap natin, pinulusuhan ng aming team ang ilang Pinoy.
00:33Si Evelyn, tuwang-tuwa sa natanggap mula sa asawa.
00:37Nasa isang taon na rin daw kasi ito sa kanyang wish list.
00:40Malaking tulong daw ito sa kanya bilang housewife.
00:43E-bike lang masaya na ako.
00:45Kasi kapag nag-ahatid ako sa anak ko sa school, naglalakad lang kami.
00:50Minsan walang pamasahe. Kaya naglalakad kami pa uwi.
00:53Oo, so malaking tulong yung e-bike.
00:5513-month pay niya sa trabaho, binili niya ng e-bike.
00:58Si Jafet, nakapagpundar ng motorsiklo para sa kanyang munting negosyo.
01:04Dumami rin ang binibenta niya sa kanyang food cart.
01:06Yung unang gamit po namin is cart lang po na bike.
01:10So ngayon 2025 po, eto na po yung naipundar.
01:15Ulang-ulang lang po noon, eh ngayon nagdagdag ako ng paris at saka lugaw.
01:20Si Dennis, katas ng kaliwat kaan ng trabaho ang naipundar ngayong taon para sa pamilya.
01:26Natarang po kami ng sariling bahay.
01:28Wow, saan kayo nakatira ngayon?
01:30Diyan po kami pero may bahay po kami sa Bulacan.
01:32Ayun po yung sariling bahay po namin.
01:33Hindi man direkt ang nangyayari kay Gemma,
01:36pero masaya siyang nabigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na maging Philippine representative ngayong taon.
01:42Nakarating na rin siya ng Malaysia.
01:47Malaysia.
01:48Representative siya ng school?
01:49Opo.
01:50Contest ba yung sinalihan niya o conference?
01:52Hindi po. Sports.
01:54Wushu.
01:55Ang greatest blessing naman ni William ngayong taon,
01:59hindi raw planado pero nagpapasalamat sila dahil ipinagkaloob ito.
02:04Binigyan kami ng baby boy.
02:07Dumakas ba yung benta mo nung dumating si baby boy?
02:09Ang dami mong panindaw.
02:10Oo kasi ano eh, kailangan ko siyang paghandahan kasi pagkatapos ng taon na ito, magbe-birthday siya.
02:18Pinagsikapan, ibinigay o hindi inaasahang nangyayari o dumating,
02:23ang mahalaga, positibo pa rin haharapin ang susunod na taon.
02:28Ito ang unang balita, Athena Imperial para sa GMA Integrated News.
02:34Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:39para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments