Skip to playerSkip to main content
Sa mata ng bayan, si Camille ay isang maswerteng dalaga, iskolar ng mayor, may allowance, at siguradong makakatapos. Pero sa likod ng ngiti at diploma, may presyong kailangang bayaran.

MOVIE TITLE: Iskolar

⚠ DISCLAIMER:
Copyright Disclaimer under Section 107 of the copyright act 1976, allowance is made for fair use for purposes such as criticism, comment, news reporting, education, scholarship, teaching and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non-profit, educational or personal use tips the balance in favor's of fair use.

⚠ This video contains based my analysis and commentary and is NOT a replacement for watching the movie. We don't plan to violate anyone's rights, and if you have any problem, query or issue feel free to message us at this channel.

I appreciate your support!

#movierecap #recaptagalog
#recap #recapvideo #tagalogmovierecaps
Transcript
00:00Hello guys! Ang video ang tatalakayin natin ngayon mula sa isang short film na pinamagatang, Eskolar.
00:12Disclaimer lang po, ang video na ito ay para lamang sa recap, review at commentary, alinsunod sa Fair Use.
00:20Wala kaming pag-aangkin na mga larawan, eksena o tunog mula sa pelikula.
00:24Ang kwento ay umiikot sa buhay ni Camille, isang dalagang Eskolar ng Mayor sa kanilang bayan.
00:31Sa mata ng lahat, isa siyang maswerteng estudyante, may allowance, may suporta, at siguradong makakapagtapos.
00:39Ngunit sa likod ng kanyang pagiging Eskolar ay isang madilim na katotohanan, ang kapalit ng tulong ng Mayor ay ang kanyang katawan at aliw.
00:47Tuwing pinapatawag si Camille ng Mayor, wala siyang karapatang tumanggi na pipilitan siyang sundin ito para lamang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
00:58Sa tuwing, maganda ang performance, dinaragdagan pa ng Mayor ang kanyang allowance, binibigyan ng mas makapal na pera, at pinapangakuan ng tulong anumang oras.
01:08Paulit-ulit niyang pinapaalala kay Camille na tama ang pinili niya, na siya ang, Best Scholar.
01:14Isang papuri na may kasamang kadena.
01:17Unti-unting natatali si Camille sa sistemang alam niyang mali, pero wala siyang lakas ng loob na tumanggi.
01:22Isang araw, sumama ang Mayor sa bahay nila Camille at doon niya nakilala ang kapatid nitong si Bella, isang bagong labing walong taong gulang na hindi na nakakapag-aaral dahil sa kahirapan.
01:35Agad napansin ng Mayor ang ganda ni Bella at inalok din itong maging Scholar, katulad ng ate niya.
01:41Tumanggi si Camille at sinabing siya na ang bahala sa kapatid, pilit itong inilalayo sa Mayor kahit hindi niya masabi ang tunay na dahilan.
01:50Ngunit dahil sa kagustuhan ni Bella na makapag-aaral at magkaroon ng mas magandang buhay, lihim niyang pinuntahan ang Mayor.
01:57Doon niya nalaman ang tunay na kapalit ng pagiging Scholar.
02:01Sa kabila nito, pumayag si Bella, kapalit ng pangakong tutulungan siya at poprotektahan si Camille.
02:07Nagsimulang umuwi si Bella na may dalang pera, na ikinabahala ni Camille.
02:14Hindi mandiretsahang sinabi ni Bella ang totoo, ramdam ni Camille na may mali.
02:20Kalaunan, nahuli ni Camille si Bella sa bahay ng Mayor.
02:24Nang kamprontahin niya ito, na uwi sa mas matinding pangyayari, si Camille mismo ay biktima rin ng pang-aabuso ng Mayor.
02:32Doon tuluyang nabunyag ang lahat, at napagtanto ni Bella kung bakit pilit siyang inilalayo ng ate niya noon.
02:38Sa halip na manatiling tahimik, nagdesisyon ang magkapatid na lumaban.
02:43Gumawa sila ng patibong, habang magkasama si Bella at ang Mayor, lihim na vanidiahan ni Camille ang mga pag-amin ng Mayor tungkol sa ginagawa niya sa lahat ng kanyang mga eskolar.
02:53Nang makuha ang ebidensya, hinarap nila ang Mayor at ipinakitang tapos na ang pananahimik nila, na ipadala na ang video at hindi na siya makakatakas.
03:03Umalis ang magkapatid na may takot ngunit may tapang, dala ang pag-asang mabubunyag ang katotohanan at hindi na sila mananatiling biktima ng kapangyarihan at kasakiman.
03:13Iniwan nilang nanginginig ang Mayor, kasama ng katotohanan hindi lahat ng eskolar ay tahimik na biktima.
03:19At dito nagtatapos ang ating recap, kung nagustuhan mo ang ating kwento, huwag maiyang mag-like sa iba ba para maganahan naman kaming gumawa ng marami pang mga video.
03:32Maraming maraming salamat po sa panunood!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended