00:00Bumulusok sa negative 3 ang net trust rating ni Pangulong Bongbong Marcos
00:04base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS.
00:09Tumaas naman ang kay Vice President Sara Duterte.
00:12Saksi si Darlene Kai.
00:18Sumadsad sa negative 3 ang net trust rating ni Pangulong Bongbong Marcos
00:22base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS nitong Nobyembre.
00:26Mas mababa yan sa positive 7 net trust rating noong Setiembre at sa positive 18 noong Kunyo.
00:33Bagamat may 38% na may malaking tiwala sa Pangulo, nahila yan ng 41% na may maliit na tiwala sa kanya.
00:42Ang survey na kinomisyon ng Strat-Based Consultancy ay isinagawa noong November 24 to 30.
00:48Sabi ng Strat-Based Consultancy, panahon nga ng matinding pagbatikos ng publiko sa kontrobersiya sa flood control projects,
00:53partikularang malawak ang kilus-protesa laban sa katiwalian noong November 30.
00:58Corruption is on the top of mind ng ating tao.
01:02Araw-araw pinag-uusapan, galit ang tao at humihingi na may managut, may panagutin ng Pangulo.
01:08And it's towards the end of December, wala pang pinananagut.
01:12And that captured, I feel, the frustrations ng tao on this issue of corruption.
01:18Sabi ni Strat-Based Group founder and CEO Victor Andres Manhit,
01:22posibleng naapektuhan ang trust rating ng Pangulo sa takbo ng aksyon ng gobyerno laban sa katiwalian.
01:28Pinangako ng ating Pangulo na may mananagot.
01:31Remember na siya ang nagumpisan itong issue ng flood control.
01:35Tama nga naman, makakahiya.
01:37Sabi nga niya, mahiya naman.
01:39Kaya makakahiya at makalulungkot habang nahihirapan ng taong bayan.
01:42Pero meron na bang napanagot?
01:44Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng negative net trust rating ang Pangulo.
01:49Noong Marso hanggang Mayo, nakakuha na rin siya ng negative rating.
01:52Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng palasyo ukol sa risulta ng survey.
01:58Samantala, nagtala naman ang positive 31 net trust rating si Vice President Sara Duterte sa kaparehong survey.
02:0456% na nagsabing may malaking kiwala sila kay Duterte,
02:08habang 26% na nagsabing may maliit silang kiwala sa kanya.
02:11Ang net trust rating ni Duterte noong Nobyembre, mas mataas ng 6 na puntos na nakuha niya noong Setiembre.
02:18Sabi ni Manhit, nang isinagawa ang survey ay hindi pa raw isinasampanoon ng reklamong plunder at iba pa laban kay Duterte sa Office of the Ombudsman.
02:27Matatandaang nitong Disyembre inihain niya ng ilang civil society groups.
02:32Maari pa raw makaapekto sa opinion ng publiko kung may susunod bang legal actions na sangkot si Duterte.
02:36Hindi na pag-uusapan ngayon yung issue laban sa Vice Presidente.
02:42Tandaan natin ay this is the end of November at may nag-file ng kaso sa kanya I think two weeks ago.
02:49So hindi na-capture, di ba may nag-file sa Ombudsman.
02:53So noong mga panahon nagsasurvey,
02:55ang nasa taas ng pananaw ng taong bayan ay yung malaking mga rally, mobilisasyon,
03:03ang inihingi ay may panagutin tungkol sa fraud control.
03:07Malayo sa issue nito ang ating Vice Pangulo.
03:10Sinisikap din ang GMA Integrated News sa makuha ang pahayag ng Vice Presidente ukol dito.
03:15Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
03:18Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.