Skip to playerSkip to main content
Kinuyog ang isang SUV driver matapos magtangkang takasan ang tatlong motorsiklong binangga nito sa Pasay City.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinuyog ang isang SUV driver matapos magtangkang takasan ang tatlong motorsiklong binanggan nito sa Pasay City.
00:09Nakatutok si Bon Aquino.
00:14Duguan ang driver na ito ng SUV matapos bugbugin ng mga tao sa Rojas Boulevard at sa extension Pasay City kaninang alas 7 na umaga.
00:23Naggalat pa ang kanyang dugo sa kalsada.
00:26Ayon sa rider na si John Paul Dangcalan, siya ang unang nabangga ng SUV sa southbound lane ng flyover.
00:44Tinangkaan niyang tumakas ng driver ng SUV pero hinarang ito ng nagmalasakit ng taxi driver.
00:56Nabugbug siya sir ng mga taong bayan. Sobrang galit din kasi hindi siya pang tumakas.
00:59Kapansin-pansin ang tama sa kanang bahagi ng SUV.
01:03Habang ang motorsiklo ng biktima, tanggal ang gulong sa likod at basag ang rim.
01:08Sa inisyal na investigasyon ng mga polis, may dalawa pang motorsiklo na muntik mabunggo ang SUV.
01:13May muntik siyang mabunggo ulit na dalawang motorista according sa aking investigador.
01:20Hindi naman tumungo ba yung dalawang motorista, hinabol siya.
01:24Pagkahabol sa kanya, doon yata nagkaroon ng kumosyon.
01:28Naawat lang anila ang mga nambugbug sa driver nang dumating ang mga tauhan ng MMDA at mga polis.
01:34Isinugod sa ospital ang mga nasugatang biktima, kabila nga rider ng motor, ang kanyang angkas at ang driver ng SUV.
01:41Lahat naman sila conscious. Nasa stable naman na yata yung mga lagay nila as of now.
01:47Posibleng maharap ang SUV driver sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property with physical injury.
01:54Pero maaari rin anilang magreklamo ang SUV driver dahil sa pananakit sa kanya.
01:59Paalala ng mga otoridad kapag nakahuli ng traffic violator, anuman ang galit,
02:04idaan sa tamang proseso ang pagsasampa ng reklamo sa kanila.
02:07Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended