00:00Patuloy ang delivery ng Bureau of Customs sa mga balikbayan boxes ng overseas Filipino workers na inabandona ng freight forwarders.
00:09Ayon sa BOC, 15 containers na ng abandoned balikbayan boxes ang kanilang na-release at patuloy na inihahatid sa kanikanilang mga may-ari.
00:20May 21 paaniang nakaschedule na i-pull out at itroseso ngayong linggo.
00:25Kaugnay niyan, nilinaw ng BOC na ang mahabang delay sa delivery ng balikbayan boxes ay dahil sa kabiguan ng deconsolidators at freight forwarders na tapusin ang kanilang obligasyon kahit na nabayaran na ito ng OFWs.
00:42At para mapanagot ang mga nasa likod nito, sinamahan ng BOC ang ilang OFW na magsampa ng kaso sa National Bureau of Investigation nitong December 4.
00:53Muli namang tinayak ng BOC ang patuloy na aksyon dito, kasunod na rin ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:02na nagpaalala din ang BOC na libre ang kaniyang door-to-door delivery ng abandoned balikbayan boxes.
Comments