Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
DOH, nagpaalala sa publiko na tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ngayong holiday season; Publiko, hinimok na umiwas na sa pagpapaputok | ulat ni Joyce Salamatin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng kasiyahan ngayong holiday season, may paalala ang Department of Health para matiyak na malusog at ligtas pa rin nating ipinagdiriwang ang kapaskuhan at sasalubumin ang bagong taon.
00:11Yan ang report ni Joyce Salamatin.
00:16Panahon ng pagsasaya at pagsasama-sama, yan ang holiday season para sa atin.
00:21Party doon, party dito, at syempre, hindi mawawala ang pagsasalo-salo ng pamilya.
00:27Pero sa kabila ng kasiyahan na iyan na inaabangan kada taon, nagpaalala ang Department of Health sa ating mga kababayan na huwag pa rin kakalimutan ang kaligtasan at kalusugan.
00:40Para sa mga out-of-town trip o kahit na staycation lang, ugaliing tandaan na maging biya-healthy.
00:47Una dyan ang pagsusuot ng seatbelt, gayon din ang pagsusuot ng DTI-approved na helmet.
00:52Pero higit sa lahat, paalala ng DOH, maging kalmado lang sa kalsada.
00:58Ang traffic po ngayon, ayusin po yan ng ating MMDA at ng ating DPWH sa mga daan.
01:05Pero importante na tayo bilang mga nagmamaneho, kulang po tayo sa daan, iwasan po natin yung banggaan.
01:11So yan po yung mga road traffic injuries ating iwasan.
01:14Dagdag pa ng DOH, planuhin mabuti ang mga biyahe ngayong kapaskuhan para iwas stress sa daan.
01:21Huwag tayo nga, kumbaga, pabalik-balik sa mga tindahan or mall.
01:24Mas maganda kung isang biyahehan na lang at lahat ng kailangan bilhin ay puntahan na po.
01:29Magkaroon tayo ng mga listahan para hindi tayo nagmamadili at hindi tayo na sa stress.
01:34Siyempre, pagdating sa kainan, hindi naman spoiler dyan ang DOH.
01:39Dahil ayon sa kagawaran, maaari naman kumain ang masarap.
01:43Pero tandaan, hinay-hinay lang at tiyakin pa rin ang disiplina.
01:48Ayon sa ahensya, tandaan na limitahan ang tinatawag na 4Ms.
01:53Matamis, maalat, matabak at mamantiga.
01:57Wala akong sinasabi ang DOH sa bawal kumain.
01:59Ang sinasabi natin, dapat po yung tamang pagkain.
02:03Umiwas tayo or bawas-bawasin yung mga pagkain ma, yung mga mataba, matamis at maalat.
02:09Pwede tumikindikimu, huwag nang sobra-sobra.
02:11Paliwanag ng health department, kabilang kasi sa mga kadalasang health-related issues
02:16tuwing holiday season ay high blood at stroke, dahil na rin sa hindi tamang pagkain.
02:22Sa isang upuan, huwag naman pong sunod-sunod yung mga plato.
02:26Dapat po sa pinggang Pinoy, one-fourth lamang nung ating pinggan yung nasa protina at taba.
02:32Ang mas marami, asekweng yung kalahati, ay doon sa gulay at prutas, tapos yung ating carbohydrates, yung mga pansit.
02:40Kasama po yun, pansit, pasta, kanin, dapat one-fourth lam po.
02:45Pagdating naman sa alak, ayon sa DOH, maiging iwasan na lang.
02:49Pero kung hindi talaga mapipigilan, may paalala ang kagawaran para hindi ito mauwi sa binge drinking
02:56o sobrang pag-inom sa maikling oras lamang.
02:59Para hindi tayo masabihang binge drinking, one standard drink per hour.
03:04Asekweng, ano yung one standard drink?
03:06Isang bote ng beer o kaya isang baso ng alak, kupita, o kaya isang shot nung sinasabi na hard liquor.
03:14Yun po, dapat hindi lumalampas per hour para hindi ka mabibinge drinking.
03:18Pero kung pwedeng iwasan, huwag na lang.
03:20Kung maaari din anya ay iwasan na ang pag-yoyosi o di kaya'y pag-vivate.
03:25At para mas maging healthy pa, syempre, isa sa mga susi niyan ay gumalaw-galaw at mag-ehersisyo.
03:32Ayon sa DOH, ang pwedeng gawin dyan ay ang pagsayaw ng TikTok challenges o trends
03:39o di naman kaya'y performances sa Christmas party.
03:42Mahalaga po dito ang physical activity, no?
03:45Dahil as much as possible, sa isang linggo, dapat 150 minutes.
03:50Eh, paano natin bibilangin yun?
03:52Sa araw-araw, dapat meron tayong 30 minutes na tayo ay kumikilos na medyo yung tibok ng ating puso ay tumataas.
04:00Hindi naman kailangan na hinihingal tayo, pero dapat medyo may pawis kang mararamdaman ng konti.
04:0530 minutes per day, 5 days per week.
04:08Kaya yung mga sumasayaw ng mga latest TikTok dance trends nila, magandang i-practice yan.
04:13Pati yung mga sasayaw para sa Christmas party, kasama na rin po yan sa physical activity.
04:18At para siyempre, kumpleto ang ating bahagi ng katawan sa Pasko at pagsalubong sa bagong taon,
04:25hinimok din ang DOH ang ating mga kababayan na umiwas na gumamit ng paputok.
04:31Maigi umanong gumamit na lang ng ligtas at alternatibong pampaingay at pailaw
04:36o di naman kaya'y manood na lang ng community fireworks.
04:40Huwag na ho tayong magsindi.
04:42Maganda ho sana kung yung mga professional nilang
04:44at huwag nang pahawakin ang mga bata at ang mga nakainom sa paputok.
04:49Sa nalalapit na pagtatapos ng isa na namang bagong taon,
04:53mahalagang maipagdiwang natin kasama ng ating mga mahal sa buhay
04:57ang ating mga napagtagumpayan sa loob ng ilang buwan.
05:01Pero huwag kakalimutan, mahalagang magsimula tayo ng panibagong taon
05:06ng kumpleto at maayos ang kalusugan.
05:10Joy Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended