Skip to playerSkip to main content
  • 2 minutes ago
DOH, nagpaalala sa publiko para sa healthy at safe na holiday season; publiko, pinaalalahan na limitahan ang pagkain ng tinatawag na '4Ms'

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng kasiyahan ngayong holiday season, may paalala ang Department of Health para matiyak na malusog pa rin,
00:08natin ipagdiriwang ang kapaskuhan at sasalubungin ang bagong taon.
00:13Ang mga yan, alamin natin sa sentro ng balita ni Joyce Salamatid.
00:19Panahon ng pagsasaya at pagsasama-sama, iyan ang holiday season para sa atin.
00:25Party doon, party dito, at syempre, hindi mawawala ang pagsasalo-salo ng pamilya.
00:31Pero sa kabila ng kasiyahan na iyan na inaabangan kada taon,
00:36nagpaalala ang Department of Health sa ating mga kababayan na huwag pa rin kakalimutan ang kaligtasan at kalusugan.
00:43Para sa mga out-of-town trip o kahit na staycation lang, ugaliing tandaan na maging biyahelty.
00:50Una dyan ang pagsusot ng seatbelt, gayon din ang pagsusot ng DTI-approved na helmet.
00:56Pero higit sa lahat, paalala ng DOH, maging kalmado lang sa kalsada.
01:02Ang traffic po ngayon, ayusin po yan ng ating MMDA at ng ating DPWH sa mga daan.
01:08Pero importante na tayo bilang mga nagmamaneho, kulang po tayo sa daan, iwasan po natin yung banggaan.
01:14So yan po yung mga road traffic injuries ating iwasan.
01:17Dagdag pa ng DOH, planuhin mabuti ang mga biyahe ngayong Kapaskuhan para iwas stress sa daan.
01:24Huwag tayo nga, kumbaga, pabalik-balik sa mga tindahan or mall.
01:28Mas maganda kung isang biyahehan na lang at lahat ng kailangan bilhin ay puntahan na po.
01:33Magkaroon tayo ng mga listahan para hindi tayo nagmamandelay at hindi tayo na sa stress.
01:37Siyempre, pagdating sa kainan, hindi naman spoiler dyan ang DOH.
01:42Dahil ayon sa kagawran, maaari namang kumain ang masarap.
01:47Pero tandaan, hinay-hinay lang at tiyakin pa rin ang disiplina.
01:52Ayon sa ahensya, tandaan na limitahan ang tinatawag na 4Ms.
01:57Matamis, maalat, mataba at mamantiga.
02:00Wala akong sinasabi ang DOH sa bawal kumain.
02:03Ang sinasabi natin, dapat po, yung tamang pagkain.
02:06Umiwas tayo o bawas-bawasan yung mga pagkain ma, yung mga mataba, matamis at maalat.
02:12Pwede tumikindi kayo, huwag nang sobra-sobra.
02:15Paliwanag ng Health Department, kabilang kasi sa mga kadalasang health-related issues tuwing holiday season,
02:21ay high blood at stroke dahil na rin sa hindi tamang pagkain.
02:25Sa isang upuan, huwag naman pong sunod-sunod yung mga plato.
02:29Dapat po sa pinggang Pinoy, one-fourth lamang nung ating pinggan yung nasa protina at taba.
02:35Ang mas marami, asekwen yung kalahati, ay dun sa gulay at prutas,
02:40tapos yung ating carbohydrates, yung mga pansit.
02:43Kasama po yun, pansit, pasta, kanin, dapat one-fourth lam po.
02:48Pagdating naman sa alak, ayon sa DOH, maiging iwasan na lang.
02:53Pero kung hindi talaga mapipigilan, may paalala ang kagawaran para hindi ito mauwi sa binge drinking
03:00o sobrang pag-inom sa maikling oras lamang.
03:03Para hindi tayo masabihang binge drinking, one standard drink per hour, asekwen, ano yung one standard drink?
03:09Isang bote ng beer o kaya isang baso ng alak, kupita, o kaya isang shot nung sinasabi na hard liquor.
03:18Yun po, dapat hindi lumalampas per hour para hindi ka mabibinge drinking.
03:21Pero kung pwedeng iwasan, huwag na lang.
03:24Kung maaari din anya ay iwasan na ang pag-yoyosi o di kaya'y pag-vivate.
03:29At para mas maging healthy pa, syempre, isa sa mga susi niyan ay gumalaw-galaw at mag-ehersisyo.
03:36Ayon sa DOH, ang pwedeng gawin dyan ay ang pagsayaw ng TikTok challenges o trends
03:42o di naman kaya'y performances sa Christmas party.
03:46Mahalaga po dito ang physical activity, no?
03:48Dahil as much as possible, sa isang bingo, dapat 150 minutes.
03:54E paano natin bibilangin yun?
03:55Sa araw-araw, dapat meron tayong 30 minutes na tayo ay kumikilos
04:00na medyo yung tibok ng ating puso ay tuwataas.
04:04Hindi naman kailangan na hihingal tayo, pero dapat medyo may pawis kang mararamdaman ng konti.
04:0830 minutes per day, 5 days per week.
04:11Kaya yung mga sumasayaw ng mga latest TikTok dance trends nila, magandang i-practice yan.
04:17Pati yung mga sasayaw para sa Christmas party, kasama na rin po yan sa physical activity.
04:22At para syempre, kumpleto ang ating bahagi ng katawan sa Pasko at pagsalubong sa bagong taon,
04:28hinimok din ang DOH ang ating mga kababayan na umiwas na gumamit ng paputok.
04:34Maigi umanong gumamit na lang ng ligtas at alternatibong pampaingay at pailaw,
04:40o din naman kaya'y manood na lang ng community fireworks.
04:43Huwag na ho tayong magsindi.
04:45Maganda ho sana kung yung mga professional nilang.
04:48At huwag nang pahawakin ang mga bata at ang mga nakainom sa paputok.
04:53Sa nalalapit na pagtatapos ng isa na namang bagong taon,
04:57mahalagang maipagdiwang natin kasama ng ating mga mahal sa buhay,
05:01ang ating mga napagtagumpayan sa loob ng ilang buwan.
05:04Pero huwag kakalimutan, mahalagang magsimula tayo ng panibagong taon
05:10ng kumpleto at maayos ang kalusugan.
05:14Joy, salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended