00:00Traffic at siksikan ang sinuong ng ilang mamimili para makahanap ng murang panregalo sa Divisoria sa Maynila.
00:07At saksi live si Katrina Soar.
00:10Katrina, may namimili pa rin?
00:15Pia, dalawang araw nga bago ang Pasko, mas matindi ngayon ang dagsa ng mga mamimili ng mga gifts para sa mga mahal nila sa buhay dito yan sa Divisoria sa Maynila.
00:30Gabi na, dagsa pa rin ng mga mamimili dito sa Divisoria sa Maynila.
00:35Mga panregalo na pasok sa budget ang dinarayo ng karamihan dito.
00:40Si Maylin, dumayo pa mula sa Nueva Ecija kasama ang asawa at mga anak.
00:44Pwede raw silang makipagsiksikan dito sa Divisoria.
00:48Dito raw kasi niya pipilhan ang Pasko ang kanyang mga anak.
00:51Kasi alam ko po na magiging masaya po sila.
00:54Yun naman po yung para po sa isang magulang, yung makita po masaya yung mga anak.
01:01Ang Pasko po ay para sa mga bata.
01:02So, ang panahon po na tayo para sa kanila.
01:06Tsaga at pasensya naman ang baon ng mga mamimili.
01:09Hindi raw pa si basta-basta ang traffic na susungin makapunta lang dito.
01:14Maging ang siksikan.
01:16Sulit naman daw makabili lang ng regalo para sa mga mahal sa buhay.
01:19Mas kapansin-pansin din ngayon ang pagtuon ng mga pamimili sa mga regalong magagamit o naisusot sa araw-araw.
01:27Gaya ng pangregalong damit.
01:28Makakabili na ng ternong damit na pambata sa halagang 70 pesos hanggang 150 pesos.
01:34Ang mga shorts naman ay mabibili ng 2 for 150 pesos.
01:38Di rin mawawala ang mga regalong pambata tulad ng mga laruan na mabibili sa halagang 25 pesos pataas.
01:45Mga kikai bags na 150 pesos ang isa.
01:48At mga party dresses for kids na 200-250 pesos ang halaga.
01:54Ang mga personalized gifts, mabibili naman ng 100 pesos pataas.
01:59Mas magagamit kasi ng regaluan ko.
02:02Kasi po kung pera po, parang wala lang din naman po.
02:05And then pag ganito po, halos araw-araw nila pang trabaho, pang ano, pang gamit po talaga pang araw-araw nila.
02:10Kahit maliit lang na nabili mo siya, pag binigay mo, at least naalala mo sila.
02:17Ang mga nagtitinda naman dito, may kanya-kanyang discarte rin para makabenta.
02:22Ang ilan, may mga pa last-minute discount at promo pa.
02:26Nagbabawas din po ma'am, ganun din po.
02:28Kasi parang ano na sa kanila yun eh, parang masaya na sila kahit konti na babawasan.
02:33Parang handog, pamas kung handog mo na sa kanila yun ma'am.
02:36Naglilis talaga kami, pag halimbawa maramihan, less 10, less 15, ganyan, depende po.
02:42Ngayong gabi, pabili na rin ang mga gulay at butas na gagamitin sa handaan.
02:47Busy ka na, ngayon na ganoon ang time na familiar.
02:50Pisa pag ganun, pag malapit na yung ano, sempre, takataka sila.
02:57By 25, baka wala na magtitinda kasi mag-espend sila na Christmas na family nila.
03:01Para mag-agaga kasi maraming tao ngayon pag galing.
03:04Kaya inagana namin maganda.
03:07Maganda.
03:07Pia, mula naman na kaninang hapon hanggang sa mga oras na ito ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko rito.
03:23Lalong-lalo na sa may One Luna Street hanggang palabas na yan ng Recto Avenue dito sa Maynila.
03:30At live mula dito sa Divisorya para sa GMA Integrated News.
03:34Ako si Katrina Zorn, ang inyong saksi.
03:38Blacklisted na sa Pilipinas ang dalawang Chinese national na inaresto ng Bureau of Immigration.
03:43Isa po sa kanila wanted sa China para sa kasong kidnapping.
03:47Saksi si John Consulta.
03:49Pagkakuha ng senyas sa aset, sumalakay na ang operatiba ng BI Fugitive Search Unit.
04:00Una nilang pinusasan ang Chinese national na inabutan sa labas ng bahay.
04:11Inabutan namang natutulog sa sala, ang Chinese ding pangunahing target ng operasyon.
04:15Meron po siyang kinakaharap na kaso sa kanilang bansa.
04:19Ayon po sa kanila, ito pong si Xi ay wanted ng Chinese police for kidnapping.
04:25At meron pong standing warrant of arrest issued po ng Public Security Bureau of Jinjang City noong 2024.
04:32Ito yung isa sa mga kwarto ng bahay na pinasok ng Bureau of Immigration and Fugitive Search Unit.
04:39Pero ang isa sa mga nakaagaw pansin ay itong weighing scale.
04:46Electronic weighing scale na nandito, mayroong mga maleta, at ito medyo highlight mga kapuso.
04:56Mayroong tatlong volt na nandito sa sulok.
05:00Mayroong small, medium, at large.
05:05So, di pa natin toko kung ano naman yan ay nakuha sa pag-iingat itong na-arrestong Chinese fugitive dito sa bahagi ng Taytay Rizal.
05:21Bukod sa mga gadgets, Wi-Fi radios, at cellphones, nakumpis ka rin ng reading team ang LTO driver's license ng isa sa mga Chinese fugitive na merong litrato niya.
05:31Pero Pilipino ang nakalagay na pangalan.
05:33Tuluyan ng naipa-deport pabalik niya ang China, ang primary target na Chinese fugitive.
05:39Habang ang kapwa niya Chino na unang inaresto, nakapila na rin for deportation.
05:43Blacklisted na rin ang dalawa rito sa Pilipinas.
05:46Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, ang inyong saksi!
05:53Kasabay na uwian na marami para sa Kapaskuhan ang simula ng matagal na hinihintay na rehabilitasyon sa EDSA.
05:59Binabantayan din ang mga PUV na namamasada kahit kolorong.
06:04Saksila, si Bam Alegre.
06:07Bam?
06:08Pia tatlong kolorong na van na biyahe ang probinsya na na-intercept ng mga otoridad dito sa Cuba o Quesa City.
06:18Nahuli ang ilang van na ito na bibiyahe sana pa-probinsya isang araw bago ang bispiras ng Pasko.
06:27Papunda sana ng Isabela at Camarines Sur ang mga van, pero wala may pakitang kaukulang dokumento ng sitahin ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
06:37Kumpiskado ang kanila mga plaka at for impounding ang mga sasakyan.
06:40Kukunin din ang mga lisensya ng mga driver at kitikitan.
06:43Kailangan itong tubusin mismo sa LTO.
06:45Depensa ng driver ng mga van, mga kamag-anak lang daw ang sakay sana ng sasakyan.
06:49Pero sa pagsisiyasad ng SAIC, may ilang pasahero na hindi nila kakilala o kaano-ano.
06:54Ito po'y napaka-delikado para po sa ating mga kababayan sapagkat hindi po sila covered ng mga insurance ng mga sasakyan po ito at yung ika nga, yung pagiging koloro may iligal at yung mga pamasahe ay hindi nare-regulate.
07:08Yung mga sakay po namin sir, alos mga konektado lang din po sa pamilya po na mga gusto pong makauwi ngayong Pasko.
07:15Kanina abala na rin ang provincial bus station sa Edsa Cubaw ng pasyalan namin.
07:19Patuloy ang pagdating ng mga pasahero, bit-bit ang kanilang mga bagahe, pauwi sa kanilang kanilang prominsya bago ang Pasko.
07:27Sa PITX, nagdagdag na ng mga bus.
07:30Bandang tanghali, nagkaroon ng ilang segundong power interruption, pero hindi naman naka-apekto sa operasyon.
07:36Mula December 19 hanggang kahapon, nasa 800,000 pasahero na ang dumaan sa PITX.
07:41Inaasahan po natin na 23 po ang pinakamaraming mga babyahe dahil ito na po yung last day bago po yung start ng ating Christmas holiday.
07:49190,000 to 200,000 po nakita natin for today.
07:54Nasa 1,600 special permits ang inisyo ng LTFRB para sa dagdag na bus.
07:58Meron pong congestion ngayon sa Port of Matnog dahil sa volume lang talaga.
08:04So yung turnaround time ng ibang bus, medyo tumatagal more than usual.
08:10So yun ang ating binomonitor kung kailangan pa talaga mag-issue ng additional special permits.
08:16Kasabay ng Exodus ng mga sasakyang biyaheng probinsya, ang simula ng rehabilitasyon ng EDSA bukas alas 11 ng gabi.
08:23Naglabas ng schedule ng DPWH para sa 24 oras na pagkukumpuni hanggang December 27.
08:29Sa southbound, may concrete re-blocking sa ilang bahagi ng P. Celia Street hanggang Rojas Boulevard at Tramo Flyover hanggang P. Celia Street.
08:38Gayun din sa northbound ng Rojas Boulevard hanggang Park Avenue at Park Avenue hanggang Taft Avenue.
08:43Asphalt overlay naman ang gagawin sa ilang bahagi ng EDSA Orense hanggang Ordaneta Village southbound.
08:49EDSA Orense hanggang Magallanes Interchange at Tramo hanggang Loring Street.
08:54Magbibigay ang DPWH ng panibagong schedule ng pagkukumpuni para sa December 28 hanggang January 5.
09:00Wala rin coding mula ngayong araw hanggang December 25 at mula December 29 hanggang January 2.
09:06Sakanto naman ang EDSA at Scout Borromeo sa Quezon City.
09:09Tumagilid ng isang van matapos sumalpok sa concrete barriers ng EDSA southbound.
09:13Pasado alas 10.30 ng umaga, nagtulungan ng mga motorista para mailabas ang mga naipit na pasahero.
09:19Ayon sa MMDA, isang sugatan.
09:21Wala namang indikasyon na nakainom ang driver.
09:28Pia, makikita ninyo sa ang likuran, ganito karami yung mga pasahero rito na naghihintay ng masasakyan.
09:34At patuloy naman ang pag-ikot ng DOTR Saig para tiyaking walang biyaheng color room.
09:39Mula rito sa Cubao, Quezon City para sa GMA Integrated News.
09:42Ako si Bam Alegre, ang inyong saksi.
09:45Inaasak ang magpapasko habang nakadetine sa Senado.
09:49Ang mga dating DPWH engineer na sinahin ni Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
09:55Gayun din ang kontratistang si Curly Descaya.
09:57Tinanggihan kasi ng Senado ang hiling lang makalabas pa ang samantala ngayong kapaskuhan.
10:02Ito ang 15 milyong pisong ibinalik ng kontratistang si Sally Santos kahapon
10:11bilang bahagi ng proseso ng restitution o pagbabalik ng pera sa gobyerno.
10:15Si Santos ang may-ari ng SYMS Construction Trading
10:18na dawit sa mga ghost at substandard na flood control projects sa Bulacan.
10:23Nadawid din ang kumpanya sa hiraman ng lisensya ng mga kontratista ng gobyerno
10:27para umano sa mga proyekto ng DPWH.
10:29Ayon sa DOJ, sa kabuuan, 20 milyong piso na na ibalik ni Santos.
10:34Kabila nga 5 milyong pisong na ibalik niya noong December 4.
10:37Ang kabuuan halaga ibabatay raw sa royalty fees na nakuha umano ni Santos
10:41sa hiraman ng lisensya.
10:43Nabigyan na raw ng provisional admission sa WPP si Santos.
10:46Gaya ni na dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
10:51at dating DPWH NCR Director Gerard Opulencia
10:55na nauna na rin magsauli ng pera sa DOJ.
10:58Nanatiling nakakulong si Alcantara sa Senado
11:00matapos siyang makontempt noong mga pagdinig.
11:03Kasama niya roon ang mga dati rin DPWH Engineer
11:06na sina Bryce Hernandez at JP Mendoza
11:08gayon din ang kontraktor na si Curly Diskaya.
11:11Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfil Alacson
11:14pumiling ang apat na pansamantalang makalabas ng Senado para sa Pasko.
11:18Pero inaprubahan daw ni Senate President Tito Soto
11:20ang rekomendasyon ni Lacson na huwag silang pagbigyan.
11:23Ilang beses kasing nagbabalasin na Ombudsman Jesus Crispin Remulia
11:26at Pangulong Bombo Marcos na maglalabas ng warrant
11:29laban sa kanila bago magpasko.
11:31Kaya may security risk daw na tumaka sila.
11:33Papayagan lang daw silang dumalo sa misa sa Senado
11:35at mabisita ng kanika nilang mga pamilya.
11:38Ang asawa naman ni Curly Diskaya na si Sarah
11:40nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail
11:42dahil sa mga kasong graft at malversation
11:44para sa Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
11:48Nananatili namang at large si dating Congressman Saldico
11:51na may warrant pa rin sa graft at malversation
11:53dahil sa anomalya sa proyekto sa Oriental Mindoro.
11:57Ayon kay Interior Secretary John Vicrimulia
11:59may ginagawang limang palapag na basement
12:01sa bahay ni Co sa Forbes Park.
12:03Base raw yan sa informasyon mula sa
12:04Homeowners Association at Construction Plan.
12:07We always assume that it is for parking
12:09but it is to our knowledge that it was going to be used
12:13for storage of money
12:15because fire goes upwards
12:19so they put the money below
12:21in the lowest point of the house
12:22so that it won't be handed there sa fire.
12:24Pinabulaanan na yan ng abogado ni Co.
12:27Espekulasyon lang daw ang sinasabi ni Rimulia
12:29na sa basement iimbakiin ang pera
12:31para di madamay kapag nagkasunog.
12:33Ilabas daw dapat ni Rimulia
12:35ang pinagmula ng informasyon
12:36na wala raw sa building o construction plan.
12:38Pang sasakyan lang daw ang disenyo ng basement.
12:41Para sa GMA Integrated News,
12:42ako si Bam Alegre, ang inyong saksi.
12:45Mga kapuso, maging una sa saksi.
12:48Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
12:50para sa ibat-ibang balita.
12:54Mga kapuso, maging una sa saksi.