Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Dagsa ng mga biyahero sa NLEX, inaasahan ngayong araw hanggang bukas ng umaga; dagsa ng mga biyahero papuntang Metro Manila, pinaghandaan din

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Issa sa mga nagpakabit ng RFID sticker kaninang umaga, ang magulang ni Steven na bibiyahi pa uwi ng Quezon Province ngayong araw.
00:08Ngayon lang sila makakauwi para mag-celebrate ng Christmas dahil katatapos lamang nampasok sa trabaho at eskwela.
00:15Typical lang, celebration for Christmas, then konting swimming, then family banding na rin.
00:21Ganito rin ang plano ni Carlo na uuwi naman ng Zambales.
00:24To be with the family lang, ganon simple ng Noche Buena, makasama lang yung mga family.
00:31Ilan lamang sila sa mga kababayan natin na dadaan ng North Luzon Expressway para umuwi sa kanilang mga probinsya ngayong Kapaskuhan.
00:38Ayon sa Enlex Corporation, nananatiling mataas ang volume ng mga sasakyan mula pa noong Biyernes.
00:44Inaasahan nila na marami pa rin ang mga motorista na uuwi sa kanilang mga probinsya ngayong araw hanggang bukas ng umaga.
00:50Since marami mga kabiyahe, maaaring today, later this afternoon, dadami pa rin po yung ating mga motorista hanggang gabi po siguro.
01:04Kung meron man pong hahabol na bibiyahe ng 24, maaaring sa umaga po.
01:10Pero pandang hapon po siguro, hindi na po ganon karami. Lighter traffic na po tayo siguro hanggang gabi.
01:17Naka-deploy ang kanilang dagdag na traffic toll at emergency and medical response teams
01:22at mananatili rin bukas ang lahat ng lane sa mga major toll plaza ng Enlex, SCTEX at Enlex Connector.
01:29Bagamat nakapagtala rin ang Enlex ng mga minor road incidents, agad nilang narerespondehan.
01:34May libreng towing service ang Enlex patungo sa pinakamalapit na exit para sa mga Class 1 vehicles.
01:39Nagsimula yan ganinang alas 6 ng umaga at magtatagal hanggang alas 6 ng umaga ng December 25, araw ng Pasko.
01:46At magbabalik ito sa December 30, ganap na alas 6 ng umaga hanggang December 31 ng alas 6 ng umaga.
01:52At mula January 3, ganap na alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng umaga ng January 5.
01:57Libre rin makakadaan ang mga sasakyan sa kahabaan ng Enlex, SCTEX at Enlex Connector simula bukas,
02:03Desember 24, ganap na alas 6 ng gabi hanggang December 25 ng alas 6 ng umaga.
02:08At Desember 31, ganap na alas 6 ng gabi hanggang January 1 ng alas 6 ng umaga.
02:13Pinagahandaan rin ang Enlex ang dagsari ng mga motorista na pupunta naman ng Metro Manila para ipagdiwang ang bagong taon.
02:20Kasi usually during holiday season, sana po, hindi po kagaya ito ng parang holy week na meron yung araw na pa-norte,
02:29halos lahat yung motorista, ganun din po yung balikan.
02:31Pero ito, during holiday seasons, marami pong balik-balikan meron po nag-co-observe or nag-selebrate ng Christmas sa probinsya
02:42and then sa New Year dito naman po sa Manila or baliktad naman po.
02:47So, kami po ay nakahanda na maaaring may volume po tayong babalik ng 26, pa-northbound man o pa-southbound.
02:56At lalo-lalo na po siguro yung December 29, pagkamat wala pong pasok sa gobyerno, maaaring yung mga private na empleyado ay
03:07bibiyahe din po ng 29 ng gabi hanggang 30 po yan.
03:12Inaasahan naman na muling magbabalik Metro Manila ang mga omalis patungo sa kanila mga probinsya sa January 3.
03:18Yung ina-expect natin na balikan talaga ng mga motorista, whether ito yung palik ng Metro Manila or yung pauwi naman ng probinsya,
03:28ay yung January 3 ng hapon.
03:31Pero mas dagsap pa rin po siguro yung January 4 ng hapon hanggang gabi.
03:36At maging yung early morning po ng Monday, January 5, yung first office day na po ng 2026.
03:44May paalala rin ang pamunuan ng LX para sa mga motorista.
03:48Hindi po sana dahilan po kahit meron po tayo mga ganitong mas maraming deployment na mag-a-assist po sa ating motorista,
03:55may free-towing po tayo, ay sana po hindi dahilan para hindi na po maganda na mas maayos yung ating mga kababayan na bibiyahe.
04:03Sana po i-check nila na nasa tamang kondisyon pa rin po yung natin ang mga sasakyan.
04:07Ganun din po yung magdadrive. Sana po nasa tamang kondisyon, may sabat na pahinga.
04:11At yun po, pagka hindi po sila kaagad-agad nakita ng aming mga uwiikot ng mga personnel
04:17or hindi po sila naisputan ng aming mga CCTVs dito sa aming control at sila po ay nagka-problema,
04:25maari lang po tumawag sa 1,000, 3,000, 5,000 at agad-agad silang padalahan ng assistance.
04:30Para naman po dun sa mga wala pa pong RFID, kung may pagkakataon na magpakabit pa rin po ng RFID
04:35kasi mas maayos at mas madilis pa rin po yung daloy ng ating traffic dito sa dedicated RFID lanes po natin.
04:44At yun po, lalong-lalong na meron na po tayo yung one RFID na pwedeng gamitin sa lahat ng expressway dito sa Luzon.
04:52Mas madali na po i-manage po yun.
04:54So, sana po magpakabit na at i-ensure lang po na mayroong sapat na load balance yung kanilang RFID.
05:03Dav Villadas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended