00:0020 ang patay kasunod na matinding pagbaha sa ilang lugar sa Santa Cruz, Bolivia.
00:05Ayon sa Deputy Civil Defense Ministry, nangyari yan matapos umapaw ang isang ilog dulot ng ilang araw na malakas na ulan.
00:12Nasa 600 pamilya ang apektado ng baha.
00:15Nabalot din ang makapal na putik ang maraming bahay at gusali.
00:19Nagsagawa na ng rescue operation sa mga stranded na residente.
00:23Patuloy naman ang paghahanap sa hindi bababa sa 20 nawawala.
00:27Patuloy rin ang clearing operation sa mga apektadong lugar.
Comments