00:00Sa December 29, planong ipadala kay Pangulong Bombo Marcos ang panukalang 2026 National Budget na inaprubahan na ng BICAM.
00:08Saksi si Bea Pinlak.
00:13Sa ilalim ng National Expenditure Program o ang panukalang budget na isinusumiti ng Ehekutibo sa Kongreso sa pagsisimula ng budget cycle,
00:21mahigit 880 billion pesos ang budget ng DPWH para sa 2026.
00:27Pero matapos bumutok ang eskandalo sa mga flood control project, tinapyasa ng mga proyektong locally funded.
00:35Kaya naging mahigit 624 billion pesos na lang ang ipinasan ng Kamara.
00:40At sa Senate version, bumaba pa yan sa mahigit 570 billion pesos.
00:45Na uwi pa sa deadlock ang usapin ng budget ng DPWH sa BICAM.
00:50Matapos umapila si DPWH sekretary Vince Dizon na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas ng Senado.
00:58Sa huli, 529.59 billion pesos ang ipinasang budget ng BICAM para sa DPWH.
01:05Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Wyn Gatchalian, 20.7 billion pesos ang nakompute na savings
01:12nang i-apply ang Construction Materials Price Data o CMPD na ibinigay ni Secretary Vince Dizon.
01:18Ang CMPD ay batayan sa pagtaya kung magkano ang materyales na gagamitin sa mga proyekto gaya ng bakal, asparto at iba pa.
01:27Confident po ako sabihin na wala nang overpriced na materyales sa loob po nitong budget na ito.
01:33Indeed, malaki ang dapat tapyasin.
01:38At nung kinompute nila, sinama na rin yung hauling, ibig sabihin yung tracking, logistics ng materyales na kasama dapat sa costing.
01:52And ayon, lumalabas, hindi 45, kung hindi 20.7 ang overpriced.
02:01Sa 20.7 billion pesos na savings, 16.5 billion pesos ang inilipat sa PhilHealth.
02:08At 4.25 billion ang napunta sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund na ginagamit tuwing panahon ng kalamidad.
02:16Every year, ang remittance to PhilHealth from Syntax kulang yan.
02:21So, this year will be the first time na kompleto siya. At 63 billion, if I'm not mistaken.
02:29Tapos yung additional pang 60 billion na ibinalik dahil sa Supreme Court ruling.
02:35So, ang trabaho ngayon ng PhilHealth, siguraduhin na yung case rates, taasan.
02:41Sabi noon ni Dizon, magkukulang ang pondo para sa halos 10,000 proyekto kung hindi ibinalik ang 45 billion pesos.
02:49Pero sabi niya ngayon, pagkakasahin na lang ang pondo.
02:53Okay lang yun. Kasi naniniwala ako, naniniwala ang Pangulo at naniniwala din ang Kongreso na ang importante sa budget ay magini siya at ma-implement siya ng tama.
03:12Kabilang naman sa nadagdagan ng pondo ang farm-to-market roads sa ilalim ng Department of Agriculture.
03:18Mula 16 billion pesos na orihinal na proposal, itinaas yan sa 33 billion pesos sa BICAM.
03:25Nung una, kinwestiyon ni Sen. Ping Lakson ang listahan ng farm-to-market roads na kulang daw sa detalye tulad ng coordinates at plano.
03:33Mag-i-inspeksyon daw ang Senado para mabantayan ang implementasyon nito.
03:37Pasado rin sa BICAM ang pinataas na pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AIX na nasa 63.9 billion pesos.
03:46Tinaasan ito para hindi na raw kumuha sa unprogrammed budget tulad ng mga nakaraang taon.
03:52Isasama na rin kasi sa AIX sa mga benepisyaryo ng ACAP o ayuda para sa kapos ang kita program na tatanggalin na at hindi na pupondohan.
03:59Kahit sa MAIFIP o Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients, aalisin na ang paggamit ng guarantee letter mula sa mga politiko para maka-avail sa programa.
04:11Target na maratipika ang BICAM report sa plenaryo ng Kamara at Senado at ma-transmit ito sa Pangulo sa December 29, dalawang araw bago matapos ang taon.
04:21Kung hindi mapirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang budget bago matapos ang taon, posibleng mauwi ito sa re-enacted budget.
04:28Pero pag titiyak ng Senate Finance at House Appropriations Committee, synchronized na ang ginagawang review ng DBM para umabot sa 2025 ang pagpirma ng Pangulo sa budget.
04:39Nauna nang sinabi ng palasyo na ayaw ng Pangulo na magkaroon ng re-enacted budget.
04:43We just want to give the assurance that the executive has enough time to review.
04:49As we finish the agencies, we already start sending to the DBM.
04:54We can now confidently say, ngayon natapos na po yung BICAM. There will be no re-enacted budget.
05:00Para sa GMA Integrated News, ako si Bea Pinlak, ang inyong saksi.