00:00Egan, madaling araw na natapos ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa 6.793 trillion pesos na parukalang budget para sa 2026.
00:10Ang pondo para sa DPWH na ilang araw ipinagpaliban ng pagtalakay, nabawasan at inilipas sa PhilHealth at NDRRMC.
00:20May una balita live si Bea Pinla.
00:23Bea!
00:24Egan, makalipas nga ang limang araw, tapos na po ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa panukalang 2026 national budget.
00:39Halos buong linggong hinimay at tinalakay ng Bicameral Conference Committee ang panukalang 2026 national budget na makasaysayan dahil unang beses itong binuksan sa publiko.
00:50Mag-aalas doon si media ng madaling araw nang tuluyan itong natapos.
00:53On the part of the Senate, this Bicameral Conference Committee meeting is hereby adjourned.
00:59On the part of the House, this Bicameral Conference Committee hearing is hereby adjourned.
01:07Bagamat dumaan sa butas ng karayom, aprobado na ang nasa P529.6 billion peso budget ng Department of Public Works and Highways na unang sumalang sa Bicam noong linggo.
01:19Masa limuot ang naging talakayan ng Bicam dito, matapos hilingin ng DPWH na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas ng Senado dahil sa pagkakamali sa computation sa costing ng mga materyales sa mga proyekto.
01:32Base po doon sa submission ng DPWH, sa bagong submission nila, na dito po sa bagong adjustment factor, ang resulta ng savings na nakuha po natin ay 20.7 billion pesos.
01:50So, confident po ako sabihin na wala nang overpriced na materyales sa loob po nitong budget na ito.
01:57Nagkamali. In fact, they sent us a letter the other day acknowledging that there was an error in the computation.
02:05Indeed, malaki ang dapat tapyasin.
02:11At nung kinumpyut nila, sinama na rin yung hauling, ibig sabihin yung tracking, logistics,
02:20at nang materyales na kasama dapat sa costing, ayun, lumalabas, hindi 45, kung hindi 20.7 ang overpriced.
02:33Ang 20.7 billion pesos na savings, mapupunta sa PhilHealth at National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
02:41Ang national government ay hindi nagri-remit ng tama sa PhilHealth.
02:46May 16.5 billion pesos na kulang.
02:50Yung natipid ho nating 20.7 billion, dahil po maraming mga lugar ang nasalanta,
02:58marami ho tayong mga lugar na tinamaan po ng bagyo or earthquake,
03:02ilalagay naman po yung 4.2 additional sa N-Dream Fund.
03:07Ibinalik din ng BICAM ang 889 million peso budget ng Office of the Vice President
03:12na nauna nang kinaltasan ng Kamara dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Vice President Sara Duterte
03:18na depensahan ang pondo ng opisina niya.
03:20Well, first, bumalik naman siya sa NEP level, so ibig sabihin aprobado ito ng DBM at ng executive
03:27at pangalawa, hindi naman ganung kalakihan yung itinasma.
03:31Pag ganito kasi titignan mo yung kabuan eh, para less friction at hindi pa tumagal kung maliit lang ang pinag-uusapan.
03:40Tinaasa naman ang pondo ng Office of the President na ngayon ay nasa 28 billion pesos na.
03:45Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, hindi na mahabol bago magpasko
03:49ang ratifikasyon ng BICAM report tungkol sa pambansang budget.
03:53Pero kampante raw ang House at Senate contingent na walang mavivito rito ang Pangulo.
03:57Baka 28 ang permahan and 29 ang ratification.
04:03Kasi we have to reconcile our numbers with theirs eh.
04:06So yan, process alone will take ilan, 4 or 5 days.
04:10So tapos may Pasko pa, diba, may Noche Buena.
04:15Target daw nilang mapadala ang pinal na panukalang budget sa Pangulo sa December 29.
04:20Dalawang araw bago matapos ang 2025.
04:23Pero kampante silang sapat na oras ito para marepaso ng Pangulo.
04:27Simultaneous na po yung finalization ng enrolled bill ng GAB at yung review ng DBM.
04:34So rest assured po that the executive is given enough time to review the GAB before the President signs it.
04:47Iganitong mga nakarang araw, may ilang senador na nagpahayag na ng kanilang alinlangan
04:52tungkol sa ilang bagay na pinasa o inaprubahan ng BICAM.
04:55Tulad na lang ng P33 billion pesos na pondo para sa farm-to-market roads.
05:00Pero sabi ni Sen. Wynn Gatchalian,
05:02kahit iba-iba yung pananaw ng mga senador sa iba-ibang issue tungkol sa budget,
05:06eh may sapat na safeguards na now na nakapaloob sa budget ngayon para iwas korupsyon.
05:12Yan ang unang balita mula rito sa Pasay City, Bea Penlac,
05:15para sa GMA Integrated News.
05:16Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
05:22para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments