Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Itinanggipo ng NBI na may test o special treatment silang ibinibigay kay Sara Diskaya.
00:06Kanina, humarap si Diskaya sa Malabon City Prosecutor dahil sa reklamong inihain ng lokal na pamahalaan.
00:12Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:18Bantay sarado ang kontratistang si Sara Diskaya nang ilabas siya sa NBI Headquarters sa Pasay,
00:25patunggo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
00:28Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig.
00:35Kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagpapatayo ng barangay multipurpose building sa lupang pag-aari ng city government.
00:42Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
00:47itinuloy umuno ni Diskaya ang proyekto ng di kinokonsulta sa Malabon LGU.
00:53Nahaharap si Diskaya sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines,
00:58at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
01:01Alauna ng hapo na pagdinig na tumagal lang ng limang minuto,
01:05agad din siyang umalis kasama ang mga taga-NBI.
01:09Tumanggi magkomento ang kampo ni Diskaya.
01:12Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Diskaya sa NBI
01:16dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
01:19Noong December 9, kusang nagpunta si Diskaya sa NBI matapos i-enunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
01:25na magkakaroon ng warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap ng mga kaso
01:30kaugnay sa ghost flood control projects sa Davao Occidental.
01:34Ang DOJ, sinagot ang isyo sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya.
01:41The fact that her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest
01:46means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure that
01:52she or any person involved in these cases are held accountable.
01:55Wala pong preferential treatment.
01:56Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko ni dating DPWH NCR
02:04District Engineer Gerard Opulensia.
02:07Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno
02:12bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa Witness Protection Program.
02:16Makatutulong daw si Opulensia para patibayin ang mga kaso
02:20kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
02:23Lumabas po sa mga pag-usisa ng ating prosecutors
02:26na isang elemento or isang bahagi sa mga may kinalaman at may nalalaman sa mga
02:34transaksyon na ito ay si Engineer Opulensia.
02:37Kaya sa pag-usisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya para
02:41mapatibay ang kaso ng ating Estado.
02:45Kasama si Opulensia sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
02:51Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:56si Opulensia ang naganda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
03:02Tagakolekta rin umano siya ng kickback.
03:04Pero paglilinaw ng DOJ,
03:06ang perang ibinalik ni Opulensia ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
03:11Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
03:20Pero yung pagsasauli ng pera ay base doon sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya
03:26nung siya ay nasa NCR pa.
03:28At yun ang pinagpasihan ng pagsasauli.
03:31May provisional admission din si Opulensia sa WPP gaya ni Bernardo
03:35at di dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
03:40na nauna nang nagsauli ng P110M sa gobyerno.
03:45Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
Comments

Recommended