00:00Kinoon din na ng Estados Unidos ang panibagong harassment ng China Coast Guard sa West Philippine Sea,
00:06kung saan tatlong miners ng Pinoy ang sugatan sa insidente.
00:09Tiniyak naman ang pamahalaan na hindi ito titigil sa pagprotekta sa karapatan at soberanya ng Pilipinas.
00:15Si Patrick De Jesus sa report.
00:30Kasunod ng muling pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa Sabina o Escoda Show noong biyernes,
00:39kung saan tatlong mayingis ng Pinoy ang sugatan,
00:42pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan ng ating mga kababayan na naghahanap buhay sa West Philippine Sea.
00:51Rumesponde sa insidente ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard at namahagi ng tulong sa mga mayingisda.
00:57Direktiba ng Pangulo ay unahin ang kaligtasan ng ating mga kababayan,
01:02ang mga mayingisda na minsan ay nanganganibang kanilang buhay.
01:09At pinag-utos din po na magkara ng deployment sa mga strategic location para mabantayan at mabigyan proteksyon ang ating mga mayingisda.
01:18At sinusuportahan po ng Pangulo ang pagbili ng mga Coast Guard vessels para mas marami po na makapagbantay din po sa ating interes at interes ng ating mga kababayan.
01:31At ito po ang panahon upang ang bawat Pilipino ay magkaisa, iangat ang interes ng bansa natin, iangat ang interes ng kapwa Pilipino natin.
01:44Nanindigan din ang National Maritime Council na iligal ang anumang aktibidad ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
01:54Ito ang unang beses na direktang tinarget ng water cannon ng China Coast Guard ang bangka ng mga mayingisda ng Pilipino sa West Philippine Sea.
02:03Tama yung sinabi ng Philippine Coast Guard na ngayon lang direkta at malapitang pinatamaan ng ating mga mayingisda.
02:12Alam mo, ngunit noong mga 2015, nang ako pa ay commander ng Western Command, may naireport na rin na meron na rin nagwater cannon sa ating mga mayingisda ng mga China Coast Guard.
02:25Pero yung mga incidenting na yun na hindi malapitan at paulan lang ang pagbuga ng tubig sa ating mga mayingisda.
02:34Yung nangyari sa Escoda ay talagang malapitan at direkta.
02:38Kaya nasugatan ang tatlo nating mayingisda at nakasira ng kanilang mga sasakayang mayingisda.
02:44Kaya nga tayo po ay nababahala at kinukundi na ang pangyayaring ito.
02:48Mula sa mainland Palawan, 70 nautical miles ang distansya hanggang sa Escoda Shoal kumpara sa 648 nautical miles o higit isang libong kilometro mula sa Hainan Province na pinakatimog na bahagi ng China.
03:04Noong nakaraang taon ay nagkaroon din ng tensyon sa Sabina Shoal kung saan limang buwan na natili ang BRP Teresa Magbanuan ng Philippine Coast Guard para bantayan at pigilan ang posibleng reclamation activities ng China.
03:17Ang mga pagkumpulan o presensya ng mga sasakayang pandagat ng China ay sa kanilang ambisyon na talagang sakupin at angkinin nila ang buong lahat ng nasa South China Sea at West Philippine Sea na atin namang tinututulan at ipinaglarapan sa legal at mapayapang pamamaraan.
03:38Sa ating mga kababayan, lalong-lalong na sa ating mga bagong bayaneng mangingisda, sa gabay at pag-uutos ng ating Pangulo ng Bansa, si Pangulong Bongbong Marcos Jr.,
03:51Pagamat meron tayong hinaharap na malaking hamon sa West Philippine Sea, huwag po tayong mangamba at ipagpatuloy natin ang ating pangingisda sa West Philippine Sea.
04:03Nasa panig po tayo ng legal?
04:05Kasabay ng pagkondena sa mapanganib na aksyon ng China, tiniyak ng Kalyadong Estados Unidos ang pagsuporta sa Pilipinas.
04:14Patrick De Sous para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments