Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging, Karakli!
00:15Shab na po araw, suspendido ang lisensya ng driver na isang pick-up sa Antipolo City sa Rizal.
00:20Sinaktan, minura at pinagbantaan ng driver, isang lalaking nagtutulak ng kariton kasama ang kanyang batang anak.
00:28Saksi si Oscar Oida.
00:30Tinig ang palahaw ng bata sa viral video na ito na kuha sa Barangay San Roque sa Antipolo City, Rizal.
00:46Viral ang palalakit at pagmumura ng lalaking ito sa isa pang lalaking nagtutulak ng kariton.
00:53Nangyari ang viral na insidente alas 10 ng gabi nitong Sabado.
00:56Natuntun namin ang lalaking nagtutulak ng kariton, ang kargador na si Crispin Villamor.
01:05Kwento niya, dire-diretsyo umano ang takbo ng pick-up at muntik mabanga ang kanyang kasamang anak.
01:12Buti nilang daw at naiiwas niya ito hanggang sa tamaan na raw ng sasakyan ang kanyang kariton.
01:17Talabong po kasi kami sa lubong eh. Parang hindi niya ako nakikita. Parang yung nagkabanggaan na lang, bumanggaan na lang po sa kanyang saka po siya bumaba.
01:27Parang doon siya nabuhayan.
01:30Binantaan pa raw siya ng driver.
01:32Sabi po niya, papatay niyo po, mas babarilin.
01:36Nagantay po kami ng mag-asawa mula umaga, hanggang tanghali baka mag-sorry.
01:40Pero hindi po kasi nag-sorry, kaya naisipan ko po na ipost na lang.
01:44Eh kung wala kami doon, baka hindi lang po batok inabot niyan.
01:46Nakita lang niya na nakakamera ko eh, kaya po yun pumasok.
01:50Pero nagbanta po po yun pagpasok niya.
01:51Ang LTO, sinuspindi ng siyamnapung araw ang lisensya ng driver habang nagsasagawa ng imbisigasyon.
02:00Pinagpapaliwanag ang driver kung bakit hindi dapat bawiin ang kanyang lisensya dahil sa paglabag-umano bilang improper person to operate a motor vehicle.
02:11Ayon sa Antipolo City Police, nagpunta kanina sa kanilang tanggapan ang driver para makipag-ayos kay Villamor.
02:18Nagsadya rito para humingi ng paumanin din. Sabi niya ay nagkamali siya.
02:25Kinakala nung pick-up na nasagi yung kanyang sakyan pero nung bumaba siya nakita naman niya walang tama. So yun, uminit ang ulo.
02:34Ayon pa sa mga polis, nagkaharap na ang dalawa sa police station.
02:38Nagpa siya si Villamor na di na magsampa ng reklamo.
02:42Nagkausap naman sila kanyang narito eh kasi nagkaharap sila.
02:47Ngayon, yung biktima ay ni-encourage namin na mag-file ng reklamo kung anong kanyang desisyon.
02:54Kaya lang ang sabi niya ay hindi na para pahabain kundi tapusin na lang nila yung usapin.
03:01Para sa GMA Indicated News, ako si Oscar Oydang inyong saksi.
03:06Patay matapos magtamo ng labing tatlong saksak ang isang lalaking labing limang taong gulang sa Iloilo.
03:13Suspect sa krimen ang tatlong menor deidad din.
03:16Saksi, si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
03:19Ganito kasakit ang nararamdaman ng 77-anyos na lola sa sinapit ng kanyang 15-anyos na po sa Dwenias, Iloilo.
03:39Nasa way ito matapos pagsasaksakin ng labing tatlong beses nitong biyarnes ng gabi, December 12.
03:46Ang mga sospek, tatlong menor deidad din.
03:49Sa investigasyon ng Dwenias Police, papunta ang biktima kasama ang ilang kaibigan papunta sa bahay ng isa pang kaibigan.
03:55Sakay sila ng dalawang motorsiklo at ng sandaling huminto.
03:59Bigla silang binato at hinabol ng mga sospek.
04:01Sa kanilang pagtakas, nadulas ang biktima kaya siya inabutan at doon na siya pinagsasaksak.
04:21Namatay ang biktima sa tinamon niyang saksaks at siya, balakang at iba pa ang bahagi ng katawan.
04:27Natuntun kalaunan sa barangay San Isidro, Dwenias, ang isa sa mga sumaksak na edad 17-anyos.
04:33Sumuko naman ang isa pang minor deidad na sospek na nagbaneho round ng motorsiklo.
04:38Patuloy pang pinagahanap ang isa pang sospek.
04:41Paghihiganti raw ang motibong tinututukan ng pulisya sa ngayon.
04:44Ang September 13 na siya sa mga fiesta sa Dwenias, may natabu nga nilagsana sa bahay ng sanduwa kagrupo.
04:53Siya nakachansa sila nga makabalos kaya kapangambang muna ako ng mga biktima.
04:58Ang motong naging naguro nila siya, yung buno naguro nila dyan, yung nahana nila.
05:04Ayon sa pulisya, hinihintay pa ang discernment mula sa Municipal Social Welfare and Development Office upang may sampah ang kasong murder.
05:11Di sinidong magsampan ng reklamo ang kaanak ng biktima.
05:18Para sa GMA Integrated News, ako si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
05:23Ang inyong saksi.
05:26Binili na ni DPWH Secretary Vince Dizon ang mga bagong talagang opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office.
05:33Huwag daw nilang gagayahin ang mga pinalitan nilang opisyal na sinadating DPWH Engineers Henry Alcantara at Bryce Hernandez.
05:41Na nakaharap po sa patong-patong na kaso.
05:45Saksi si Bernadette Reyes.
05:50Mahikpit ang mili ni DPWH Secretary Vince Dizon sa mga engineer na bagong talaga sa DPWH Bulacan First District.
05:58Huwag kayong gagaya doon sa mga papagitan ninyo.
06:01Kasi kung gumaya kayo, kung ano ang mangyayari sa kanila, yun din ang mangyayari sa'yo.
06:04Si Engineer Kenneth Fernando na magsisilbing OIC District Engineer, nagmasters ng Civil Engineering sa Japan at sampung taon na nagtatrabaho sa DPWH.
06:15Si Engineer Paul Lumabas naman na OIC Assistant Engineer, naging OIC ng Planning Division at galing sa Private Public Partnership Service ng DPWH sa Central Office.
06:25Papalitan nila sinadating District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez na nakaharap sa patong-patong na mga reklamo kaugnay sa anomalya sa Flood Control Project sa Bulacan.
06:38Pinulong ni Dizon ang mga bagong talagang engineer sa lamesang ginamit-umanon ni na Alcantara at Hernandez para sa paghahati-hati ng milyon-milyong pisong kickback.
06:48Kasama nila ang OIC Regional Director na si Assistant Secretary Romel Tellio, retiradong two-star general ng Philippine Army.
06:57Ayon sa DPWH, matinding vetting ang ginawa para matiyak na wala silang kaugnayan kina Alcantara at Hernandez.
07:03Isinama sila kanina sa inspeksyon sa Flood Control Project sa Barangay Bulusan sa Kalumpit na dati ng ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa substandard imano na proyekto.
07:14Ayon sa DPWH, humigit kumulang 770 meters sa istruktura ang kailangan itayo dito para maiwasan ang pag-agos ng tubig papunta sa mga kabahayan.
07:24Isa pa sa kailangan nilang solusyon ngayon ay ang right-of-way issue dahil may mga nakatayong bahay sa daraanan na istruktura.
07:307 months in 1 year, bumabaha dito. Lahat ng mga involved dito, kasama na si Sims, Wawaw, may mga St. Timothy din ata dito, lahat yan may kaso na.
07:45At most likely, ma-file na sa korte ng ombudsman yung mga kaso nito. Isa ka natin yung gap. So, sisimula na nila yung proseso.
07:56Immediately, kailangan pong ma-parcillary survey habang inaayos po yung design ng flood control and at the same time, magkaroon ng coordination meeting dito po sa lugar.
08:07So, while minintay po yung pondo, na pagkahanapan ng pondo, pwede pong gamitin yung time na yun para gawin lahat ng studies.
08:13Kasalukuyang nakaditine sa Senado sina Alcantara at Hernandez.
08:18Gayun din ang kasamahan nila dati sa DPWH Bulacan na si JP Mendoza at ang kontratistang si Curly Diskaya.
08:25Mula sa kanilang kulungan sa Senado, ibinayay sina Hernandez at Mendoza para sa preliminary investigation ng DOJ.
08:32Hindi sila nagpa-unlock ng panayam.
08:34Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadulion, respondent ang dalawa sa bagong reklamo kaugnay sa flood control project na ipinasan ang ombudsman sa DOJ.
08:45Dumating din sa DOJ si NBI Acting Director Angelito Magno.
08:49Sa isang panayam, sinabi niyang pwedeng umalis ng NBI si Sara Diskaya.
08:53Kusang nagpunta si Diskaya sa NBI nung nakaraang linggo matapos i-anunsyo ni Pangulong Buongmang Marcos na inaasahang ilalabas ang arrest warrant laban sa kanya.
09:03Since wala pang warrant of arrest, we cannot legally hold her.
09:10Isiserve natin yung warrant sa kanya.
09:12So if ever it will come out, we will serve the warrant.
09:15She will be booked, fingerprinted, photographed and then we will return the warrant.
09:20Sa Independent Commission for Infrastructure, humarap sa pagdinig.
09:24Si Aga Partilist Representative Nicanor Briones na ayon sa mag-asawang Diskaya ay humingi umano ng 10-25% na komisyon.
09:33Pumiling si Briones na executive session.
09:35Kung why would you have a flood control project pag sa Partilist niyo?
09:40Why would you have that?
09:40Okay na, okay.
09:42Sabi naman po niya lahat na siya ay walang kinalaman at wala siyang alam sa lahat ng mga naging aligasyon lahat sa kanya.
09:48Ito ay lahat lahat.
09:49So Partilist siya, kailangan talaga niya?
09:52Wala-wala po siyang flood control.
09:54As in never?
09:56Wala po.
09:56Para sa GMA Integrated News, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
10:07Kahit maulan ngayong araw, may mga hindi nagpapigil mamili ng mga patok at murang panregalo sa Divisoria.
10:12Pero ngayon pong nagsisitaasa ng presyo na mabilihin, eh kaya pa nga bang mamigay ng regalo?
10:19Pinusuhan po yan sa Barangay Saksi ni Mark Salazar.
10:22Bukas na ang simula ng simbang gabi, ang siyam na araw na tradisyong bahagi na ng Paskong Pilipino.
10:33Pero para sa mga hindi uubra sa schedule ang madaling araw na misa, may anticipated mass naman sa mga piling simbahan.
10:40Kaya sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila tuwing 7pm at 8pm.
10:49Kalakip ng malalim na pananamparataya, may baong ding hiling ang mga dumalo.
10:54Sa paniniwalang matutupad daw ito kapag nakumpleto ang siyam na novi na mass.
10:59Ganyan din ang paniniwala na ilang magsisimba sa St. Peter Parish sa Commonwealth Quezon City.
11:06Maging maayos yung pamumuhay namin sa buong pamilya namin and then lalo-lalo na po yung health po ng magulang namin.
11:14Lalo-lalo na po yung ate ko po. May bago po siyang journey sa ibang lugar naman po.
11:21Sa sarili ang maging RMT po, medtech po.
11:26Pag stress po sa mga homework po, seatwork, ganyan po.
11:30Lagi po kong humihingi ng gabay ng tulong kay Lord.
11:33At binibigyan naman po niya sa akin yung mga hinihiniling ko po.
11:38Si Luz Corpus sa halip na humihing, nagpasalamat na tapos na ang kalbaryo ng kanyang asawa.
11:45Maayos ang kanyang paglisan.
11:47Although there are some konting nahirapan siya sa dialysis.
11:54But eventually I know he is now with the Lord.
11:59And I thank the Lord for that.
12:01My husband came back to the Lord kasi hindi siya pala simba.
12:08But eventually nung ano na.
12:11Isa pang tradisyon ng exchange gifts tuwing Pasko.
12:15Pero sa mahal ng bilihin ngayon, kaya pa bang mamigay ng regalo?
12:19Yan ang mga itinanong namin sa mga kapuso online.
12:23Sagot ng isa, hindi na raw kaya mas kiregalo para sa mga anak.
12:27Hanggat maaari ay matugunan na lang ang kanilang pagkain.
12:31Sabi na isa pa, kulang at wala na raw paghanda sa Pasko.
12:36Biro ng isa pa, kapugian lang ang meron sininong.
12:40Pagmamahal lang daw ang kayang ibigay ng isang netizen.
12:43Sabi rin ang isa pa, hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang pagmamahal sa mga anak o asawa.
12:50Kung merong ekstra, why not?
12:52Sabi na isa pang comment.
12:53Pero kung wala, sana raw ay maintindihan si na tito, tita, ninong at ninang.
12:59Sabi ng isa pa, paghihirapan daw na makapagbigay lalo na sa mga deserving.
13:05Pinag-ipunan naman ang isa pang netizen ang mga iregalo niya sa mga inaanak at pamangkin.
13:10Sabi ng isa pa, sana ay ma-appreciate at hindi raw laitin ang mga inihanda niya para sa pamilya.
13:16Kahit medyo mahirap nga, especially now na na-expose din tayo sa mga, like, yung mga corrupt, yung ganong issue.
13:29Pero ayun pa, nagbibigay pa rin naman pa.
13:31Also, to those people that are not fortunate enough to celebrate din this Christmas.
13:40Kahit konting tulong, I mean, this parang kahit konting siya, this could help people din.
13:48Basta pag Pasko po, hindi makakalimot.
13:50Pinaglalaanan naman po, pag-iipunan bago pa man din dumating yung Pasko para masihan yung mga bata.
13:56Once a year po nangyayari, sa mga inaanak, sa mga kasambahay, it's about time naman na bigyan sila ng Pasko po.
14:09Material po, yung magagamit nila sa baby tapos sa relatives po.
14:19Sa Divisorya, hindi napigil ang malakas na ulan at maputik na kalsada ang ilang namili ng pangrigalo.
14:24Ayon sa mga tindera, patok ngayong taon sa Divisorya ang mga pink nails, padlock, notebook, cute bags, mug sa tumblers, espada, mga kotse, at syempre, hindi mawawala ang mga damit.
14:39Mas priority talaga yung kids kasi diba Christmas is for kids talaga.
14:42Gusto namin silang bigyan ng memory na kapag Christmas, special.
14:46May mga namimili na rin ng pang-notse buena sa isang grocery.
14:49Baka magtaas and at the same time yung bulk of bibili, syempre mahaba na yung pila.
14:57Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
Comments

Recommended