Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00One, sumalang ang budget ng Education Sector sa pagsisimula ng Bicameral Conference Committee Meeting para sa 2026 Proposed National Budget.
00:09Si Sen. Amy Marcos, hinanapagad ang budget ng DPWH. Nakatutok. Live!
00:19Pia, nagpapatuloy ang Bicam o Bicameral Conference Committee Meeting para sa 2026 National Budget.
00:26Ito ang unang pagkakataon na binuksan sa publiko ang Bicam at unang tinalakay ang budget para sa sektor ng edukasyon.
00:36Kasisimula pa lang ng deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa panukalang 2026 National Budget,
00:42umalma na si Sen. Amy Marcos sa hindi umano niya makitang kopya ng DPWH budget sa hawak nilang summary at reconciliation of disagreeing provisions na basihan ng mga diskusyon.
00:52Kung talagang transparency ang habol natin, bakit wala rito ang pinagmulan ng pagpupuot at kawalang kampiyansa ng taong bayan sa atin?
01:02Dapat mag-umpisa ang usapin dito sa public works.
01:06Ang schedule po ng DPWH ay bukas po.
01:09Paano natin malalaman at maihahambing ang iba't ibang mga department kung may kulang?
01:15At bakit DPWH lang ang nawawala sa talakayan?
01:20Actually may mga ibang mga items po na bukas po itatalakay, katulad po ng mga special purpose funds, unprogram appropriation.
01:33So tomorrow po ay ano?
01:34Yung unprogram po lang dito?
01:35Tomorrow po ang, tomorrow po yung pag-uusapan.
01:38Unang beses binuksan sa publiko ang Bicam sa gitna ng mga anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects
01:45na nagugat-umano sa mga patagong budget insertions.
01:48Kalauna ay sinabi ni Senate Finance Committee Chair Sherwin Gatchalian na bibigyan niya ng kopya ng DPWH budget si Marcos
01:55at iba pang Bicam conferries.
01:57Layon ng Bicam na pag-usapan at pagkasunduan ang mga pagkakaiba sa bersyo ng Senado at House of Representatives
02:03ng panukalang 6.793 trillion pesos na pambansang budget para sa susunod na taon.
02:10Unang tinalakay ang sektor ng edukasyon na may pinakamalaking budget.
02:131.375 trillion pesos ang panukalang budget ng Senado para sa edukasyon.
02:181.283 trillion pesos naman sa bersyon ng Kamara.
02:21Para po ma-discuss natin ng maayos itong line-by-line amendments,
02:29ang suggestion ko po, umpisaan ho natin sa mga improvements na ginawa po ng House
02:37sa National Expenditure Program.
02:40And I suggest we start off with the education sector kasi yan po yung ating common direction
02:46for the two chambers.
02:50On the proposed amendments under the office of the Secretary,
02:54in total, under the budget of DepEd,
02:58we are increasing the budget from the current 874.5 billion pesos
03:04in the National Expenditure Program to 914.1 billion pesos.
03:10That is a total increase of 39.6 billion pesos to the Department of Education.
03:18Bago magsimula ang BICAM,
03:19nagkilos protesta kaninang umaga ang Bayan o Bagong Aliansang Makabayan.
03:24Hindi daw sila kontento sa panukalang 2026 budget
03:27at naniniwalang may korupsyon pa rin.
03:30Kaya kinukundin na natin itong panukalang 2026 budget
03:34kasi hindi niya sinasalamin yung panawagan ng tao
03:38na alisin ang lahat ng forma ng pork barrel.
03:45Piyasa ngayon, nagpapatuloy pa rin yung talakayan
03:48para sa proposed budget para sa sektor ng edukasyon.
03:52Kabilang doon sa mga napagkakasunduan o na-aprobahan pa lang
03:55ay yung budget para sa Office of the Education Secretary
03:58na nasa mahigit 958 billion pesos.
04:01Hindi pa malinaw, Pia, kung hanggang anong oras
04:03sa abutin yung deliberasyon ngayong araw
04:05pero kung anuman yung hindi matatapos ngayon
04:07na ipagpapatuloy sa day 2 ng BICAM bukas.
04:10Yan ang latest mula rito sa PICC.
04:12Balik sa iyo, Pia.
04:14Maraming salamat, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended