Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasubukan na naman ang pasensya na maraming motorista sa tindi ng traffic sa EDSA at iba pang kalsada ngayong gabi.
00:07At ngayong holiday season, nag-utos ng LTFRB na limitahan muna ang surge pricing ng mga TNVS.
00:14Pero ikinababahala po yan ng isang grupo ng mga TNVS driver.
00:18Nagbabalik ang saksing si Jamie Santos.
00:21Pasado alas 8 ng gabi, ganito ang sitwasyon sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
00:31Usad pagong ang mga sasakyan sa iba't ibang bahagi ng EDSA.
00:35Ayon sa MMDA, bumagal sa 11 km per hour ang usad na mga sasakyan sa EDSA ngayong holiday season.
00:42Kumpara yan sa 15 to 20 km per hour sa normal na araw.
00:46Maghapon nga ang traffic. Pasado alas 3.30 ng hapon, mabagal ang usad di lang sa EDSA.
00:52Kundi pati sa mga alternatibong ruta gaya sa Summer Street sa Quezon City.
00:58Pahirapan din lumabas ng EDSA ang mga galing sa mga looban tulad ng Scout Borromeo dahil sa bumper-to-bumper traffic.
01:05Mistulang parking lot ang kamuning flyover dahilan para ilang rider ay sumingit na lang sa pagitan ng mga lane.
01:11May pagsikip din papunta ang Aurora Underpass at EDSA Connecticut.
01:15At mabigat din ang traffic o pa-Ortigas flyover.
01:19Sa tindi ng traffic sa Ortigas flyover, may isang kotse tayong namataan na dumaan sa bus lane.
01:25Sa mga mall zones tulad ng Ortigas area, nagkakaroon ng bottleneck dahil sa pila ng mga sasakyan para makapasok sa mall.
01:32Mistulang palamuti sa Christmas tree ang mga sasakyan sa EDSA Guadalupe.
01:37Pulang-pula ang ilaw ng mga sasakyan sa tindi ng traffic.
01:40Kanina hinatak ng MMDA ang ilang sasakyang iligal na nakaparada sa Katipunan Avenue.
01:47We cannot be selective whether you are private, you are a normal vehicle, a high-end vehicle, public utility vehicle.
01:55As long as you are violating the traffic rules and regulations, we have to implement that.
01:59Bukod sa traffic, binabantayan din ng mga otoridad ang surge pricing sa mga TNVS.
02:04Sa bagong memorandum ng LTFRB, hindi muna papayagan ang times 2 na surge sa pasahe mula December 17 hanggang January 4.
02:13Kaya hindi raw dapat magdoble o mag-triple ang average na pasahe kapag mataas ang demand sa mga TNVS.
02:20Ang buong surge fare dapat ding mapunta lahat sa TNVS driver at hindi sa kumpanya.
02:25The TNC shall not collect any share, commission or impose a service fee derived from the surge price component of the TNVS fare during the implementation of this memorandum.
02:37Ngayong araw na rin ang simula ng pagpataw ng penalty sa mga TNVS driver na biglang nagkakansela ng booking.
02:44May mga pagkakataon namang papayagan silang magkansel.
02:47May vehicle safety or mechanical issue, passenger misconduct or safety concerns, erroneous or malicious booking, passenger no-show, incorrect or unsafe pickup, and system and technical error.
03:03Ang TNVS Community Philippines na babahala sa pagbaba ng surge pricing cap ngayong holiday.
03:09Nadirekta raw tatama sa kita ng mga driver.
03:12Kapag binawasan daw ito sa panahon ng peak demand, mas maraming driver ang mapipilitang mag-offline sa high-demand hours dahil hindi sulit ang oras, pagod at gastos.
03:22Sa huli, mas mahihirapan ding makakuha ng masasakyan ang mga commuter.
03:27Nasa na raw ang compensatory adjustments na anilay sinabi ng LTFRB, gaya ng potensya na dagdag sa pickup fares.
03:34Handa naman daw silang makipagtulungan, pero sana raw ay dumaan sa malinaw na konsultasyon ang anumang pagbabago sa pamasahe.
03:42Ayon naman sa LTFRB, hintayin na lang na matapos ang kaninang pag-aaral sa price surge matrix sa unang linggo ng susunod na taon.
03:51Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Be the first to comment