Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nahuli cams sa Talisay City, ang bigla ang pagguho ng bahagi ng bundok.
00:11Mabilis na dumausdos papunta sa kalsada ang lupa at puno, kaninang umaga sa barangay Manipis.
00:18Ayon sa City of Talisay Traffic Operation Development Authority, walang naiulat na nasaktan sa insidente.
00:24Mabilis ding nagkasanang clearing operations, posibleng dahil sa pagulan ito mga nakaraang araw kaya lumambot ang lupa.
00:33Posible ang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, ayon po yan sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy.
00:42Humigit kumulang 60 centimo ang posibleng tapyas sa presyo kada litro ng diesel.
00:49Humigit kumulang 30 centimo naman ang posibleng rollback sa kada litro ng gasolina,
00:55habang humigit kumulang 65 centimo kada litro ang bawasingil sa kerosene.
01:01Ang pagalaw sa presyo ay dahil po sa pagbabalik tuon ng mga investor sa Russia-Ukraine peace stocks
01:07at pagbaba sa presyo ng petrolyo dahil sa ibinalik na produksyon ng Iraq sa isa nitong oil field.
01:15Pag mumultahin na ng LTFRB ang mga TNVS driver na basta-basta lamang na nagka-cancel ang booking para makatulong sa mga commuter,
01:25may direktiba rin ang LTFRB tungkol sa surge pricing o yung biglaan at labis na pagtaas ng pamasahe sa TNVS.
01:32Nakatutok si Rafi Tima!
01:34Tugon daw ito ng LTFRB sa napakarami ng reklamo laban sa mga nagka-cancel ang TNVS driver
01:42at napakataas na pasahe dahil sa surge fare system.
01:45Simula ngayong araw, papatawan ng penalty ang mga TNVS drivers na bigla-bigla na lang magka-cancel ng booking.
01:52May tuturing daw itong pagtanggi sa pasahero na may kaakibat na penalty
01:55base sa 2014 Joint Administrative Order ng LTFRB.
01:59Ito naman po ay ina-apply po natin sa ibang public utility, ang taxi, ang jeep, ang UV, ang bus.
02:07Ina-apply po yan, general po yan sa ating mga pampublikong sasakyan.
02:12Ang parusa, multang P5,000 sa first offense.
02:15P10,000 naman na may kasamang 30 araw na pag-impound sa sasakyan para sa second offense.
02:21Sa third offense, P15,000 na penalty at cancellation ng Certificate of Public Convenience o CPC.
02:27Pero may pagkakataon namang papayagang mag-cancel ang TNVS driver.
02:31May vehicle safety or mechanical issue, passenger misconduct or safety concerns,
02:37erroneous or malicious booking, passenger no-show, incorrect or unsafe pickup, and system and technical error.
02:47Sa loob naman ng apat na linggo, pag-aaralan ng LTFRB ang surge fare matrix para sa mga TNVS.
02:52Habang ginagawa ito, simula sa December 17 hanggang January 4, hindi mo napapayagan ng times 2 na surge sa pasahe.
03:00Kaya hindi daw dapat mag-doble o mag-triple ang average na pasahe kapag mataas ang demand sa mga TNVS.
03:05Ang buong surge fare, dapat ding mapunta lahat sa TNVS driver at hindi sa kumpanya.
03:10The TNC shall not collect any share, commission or impose a service fee derived from the surge price component of the TNVS fare during the implementation of this memorandum, sir.
03:22Ang mga issue ito ang pinag-uusapan ng mga TNVS drivers sa kanilang tambayan sa Quezon City habang nagpapahinga sa biyahe.
03:28Pinaparusahan na raw sila ng kanilang kumpanya kapag nagka-cancel, ngayon tila madu-doble pa.
03:33May pwedeng bumiyahe kung sunod-sunod yung cancel namin. Kaya parang doble na eh. Magiging doble pag meron pa sa LTE public tapos meron pa sa TNC, di wala na kaming kikitahin talaga.
03:44Sa huli, wala naman daw silang magagawa kundi sumunod. Alak-alang sa pamilyang umaasa sa kanila.
03:49Kung sa amin lang walang problema eh. Problema yung mga bata. Nagihintay simpre. Nasaan na si papa yung baon, wala.
03:58Yung stress na nakakuha sa kalsada, matindi yun. Yung ganun lang halaga dahil ganun lang halaga. Sana balinsihin ng gobyerno. Sana balinsihin talaga nila ng tama. Para naman fair sa lahat.
04:11Sa isang pahayag, sinabi naman ng TNVS Community Philippines na nakababahala ang cap sa surge pricing lalo ngayong holiday season.
04:18Nasaan na raw ang napag-usapang compensatory adjustment kabilang ang dagdag na pick-up fairs.
04:23Handa naman daw silang makipag-usap pero sana raw, mas maging malinaw ang konsultasyon tungkol sa mga isyong ito.
04:29Gate naman ng LTFRB. Hintayin na lang na matapos ang kanilang pag-aaral sa price search matrix sa unang linggo ng susunod na taon.
04:36Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
04:45Magandang gabi mga kapuso. Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
04:51Abot langit ang takot ng isang skydiver sa Australia.
04:55Ilang segundo lang kasi bago siya tumalon, ang kanyang reserve parachute sumabit sa pack-pack ng aeroplano.
05:01Ligtas kaya siyang makalandig?
05:07Ang extreme sport na ito, hindi para sa mahina ang loob.
05:10Ang kailangan kasing gawin, tumalon mula sa isang nalilipad ng aeroplano at mag-free fall ng ilang segundo.
05:17Bago muksan ang parachute para ligtas na makaland sa lupa.
05:20Nakasaka ba sa skydiving?
05:23Pero ang sinapit ng taong ito, bangungot marahil ng sino mang skydiver.
05:27Sa video kasing pilos ng Australian Transport Safety Bureau, makikita ang isang skydiver na tatano na sana mula sa isang aeroplano.
05:34Pero bago pa man niya nagawa ito, ang kanyang reserve parachute,
05:38bigla nag-deploy o bumukas at sumabit sa wing flap ng aeroplano.
05:42Ang skydiver, lumampitin sa ere sa taas na 15,000 feet.
05:47Habang ang kanyang mga kasamang parasutist, tuloy sa pagtalon mula sa aircraft.
05:51Para makawala sa sumabit na parachute, agad nitong kinuha ang kanyang dalang hook knife para putulin ang lubid.
05:58Hanggang sa tuluyan siya makawala.
06:00Sa awa ng Diyos, ligtas na una nakaland ang naturang skydiver.
06:04Ngayon man, nagtamuro ito ng sugat sa binti.
06:06Mukhang nakakatakot man ang skydiving, lalo na sa mga gaya kung may acrophobia o fear of heights.
06:13Pero alam niyo ba na ayon sa statistics, mas marami pang naitalang aksidentes pag mamaneho o driving kesa sa skydiving.
06:20Sa skydiving kasi kontrolado ang environment at magstrikto ang mga safety protocol.
06:25Ang isa naman sa mga naunang naglakas ng loob na sumukan ang skydiving ay si Grant Morton.
06:30Ang kanyang skydiving attempt, ginawa niya noong 1911 nang tumalun siya mula sa Wright Model B aircraft.
06:38Tiyak malulula naman kayo sa tapang ng isang American skydiver na nagtala ng isang world record.
06:43Gaano kaya kataas ng kanyang record breaking high altitude parachute jump?
06:47Breaking! Ano na?
06:54Ang may hawaktang Guinness World Record para sa highest free fall parachute jump
06:59ay ang American computer scientist na si Alan Eustace.
07:02Noong October 2014, sakay ng isang helium-filled balloon.
07:06Tumalun siya sa taas na 41,422 meters o halos 136,000 feet.
07:13Ang kanyang bagong exit altitude record,
07:15binerify ng FAI o Federacion Aeronautique Internacional.
07:20Sabantala para malaban ng trivia sa likod ng viral na balita,
07:23i-post o i-comment lang,
07:24Hashtag Kuya Kim, ano na?
07:26Laging tandaan, kimportante ang may alam.
07:29Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 waras.
07:33Dumipensa ang 2 sa 14 opisyal ng barangay sa Iloilo City na inereklamo ng DSWD sa ombudsman.
07:40Kawag na ito, nang pagkaltas umano ng bahagi ng payout sa ayuda sa ilalim ng
07:44Assistance to Individuals in Crisis Situation o IKES.
07:48Ako nangyayalugar, hindi kay Acon pumuluyo ang nag-payout.
07:53Limpio kong sinsya ko, galing kay Teguro Mawian ko sa mga tao na nakakilala sa Acon.
07:58Dapat investigaran ni Lanay ako, antes ko ni Laos Garan.
08:02Anong ako na, kung na-person disability na nililis ang kwarta, ang reseptin ang nagpatong kwarta.
08:10Anong ako na, isin ko na, why na?
08:13Involvement sa ilalim na nangaligyan ng amun.
08:15Kabilang ang mga kapitan ng barangay Simon at barangay Quezon Arevalo sa mga inereklamo ng DSWD
08:23ng graft, grave misconduct at abuse of authority sa ombudsman.
08:28Isinailalim din sila at labing dalawang iba pa sa preventive suspension.
08:33Sumasabay sa kinang ng kapaskuhan ang ayoy sikat ng Pasig River Esplanade.
08:39Buhay na buhay ito kahit gabi dahil naiilawan ang magandang view at sari-sari pa ang mabibiling pagkain.
08:45Sumabay rin tayo sa pagpasyal sa Live the Pagtutok ni Von.
08:50Von!
08:53Vicky, kung pasyalan at food trip this Christmas ang hanap, pwede ang gawin dito sa Pasig River Esplanade sa Maynila.
09:05Perfect para sa mga gustong mag-food trip ang food bazar.
09:08Sa dami ng food selection sa buong kahabaan ng Esplanade, kakailanganin mo ang tiyaga sa paglalakad.
09:14Patok ang Pinoy street food tulad ng ihaw-ihaw, kwek-kwek at sa malamig.
09:20Mapapakamsam ni Das sa sarap ng Korean street food.
09:23May Indian food din at syempre hindi mawawala ang bibingka at puto-bombong na bida tuwing kapaskuhan.
09:29At kung busog na sa pagkain, busogin ang iyong mata sa ganda ng tanawin by the river.
09:34Para sa mga kids at kids at heart, pwede magrenta ng go-kart at tumaluntalon sa trampoline.
09:40Kinaliwan din ng mga namamasyal ang mga mascots.
09:43May mga tindahan din ng panregalo.
09:46May mga namasyal dito na galing pang Mindanao.
09:48At yung solemn po, tsaka yung access ng food po, tsaka the view also po.
09:55And yung amoy po, hindi po siya masangsang.
09:57Hindi po, maganda po yung lugar po talaga.
10:01Out of 10, 10 out of 10.
10:04Dito rin ginanap ang formal na pag-turnover ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industries Incorporated
10:12ng Jones Bridge Light Show Project sa Manila, LGU.
10:16Matapos ng turnover, nagkaroon ng makulay na light show sa Jones Bridge.
10:20As we turn over this project to the steward of the city government,
10:26we do so with the confidence that it will continue to shine brightly for years to come,
10:35uplifting the spirit of our fellow Manila.
10:43Vicky, bukas itong Pasig River Esplanade, araw-araw mula 3pm hanggang 12 midnight. Vicky?
10:50Maraming salamat sa iyo, Von Aquino.
10:53Sa mga nag-iisip ng Christmas bonding ngayong weekend, kasama ang pamilya o barkada,
10:59sulitin na ang manamig na Simoy Pasko sa Tanay, sa Rizal.
11:04With a view ba ang hanap? Check.
11:07Pati food trip? Ah, check.
11:09Not check. Nakatutok doon live si Oscar Oida.
11:16Yes, Mel. Kung ang trip nyo naman, medyo takasan maski saglit.
11:20Ang Metro Manila Stress Levels, e baka ang sagot sa Holiday Heart mo,
11:26dito mong makikita sa Tanay.
11:33Malamig na Simoy Pasko ba?
11:36At malinis na pasyalang may Christmas vibes?
11:38Dito sa Tanay, marami niyan.
11:42Una sa listahan ang sikat na Tanay Parola kung saan pwedeng mag-IG moment with the cool breeze at majestic view ng lawa at kabundukan.
11:54Ito na siguro ang closest to winter malapit sa Metro Manila.
12:00Kung pilgrimage walking naman ang trip nyo, dito tayo sa Regina Rica na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Tanay.
12:11Walk to Sawa tayo dito sa presence yan ng 71 foot statue ni Mama Mary.
12:18Perfect sa mga nagaanot ng sandali ng pagninilay at pagdarasal.
12:24Meron ding wishing well for your heart's desire.
12:28Ang kanilang mga Christmas tree na papalamutian pa ng tinatawag nalang 1,000 Dolls of Hope na pwedeng i-adapt para makatulong.
12:38Tinutulongan po natin yung mga matig sa log drive and then yung gumagawa din nito ay isang patient po na nag-undergo ng dialysis, itong si Rwena.
12:50That's the one way na makatulong din po kami.
12:54Kung kasama naman ang mga tsikiting, huwag kakaligtaan ang Tanay Park Playground.
12:59Dito, feel na feel ng mga kids ang Pasko sa dami ng palaruan.
13:05Family friendly na vibes kung saan makakapag-chill din ang iba pang miyembro ng pamilya.
13:12At pag nagutom naman, nariyan ang mga food stalls, tampok ang samot sa aring pagkain at syempre may puto bumbong.
13:22Pero mga kapuso, hindi lang puso ang mapupuno sa Tanay, kundi pati tiyan ninyo rin.
13:30Una na riyan ang legendary sinigang bundok.
13:34Soup pa lang, aakit na ang spirits mo.
13:38Lalo na kung ang hanap mo e maasin pero comforting na pagkain.
13:44Tinawag po siya na sinigang bundok kasi yung main ingredient niya po is fish.
13:49So smoked fish po siya.
13:51And then yung mga sahog nun ay kinukuha po nila kung ano yung available sa backyard nila sa bundok.
13:56Must try din ang kanilang sinanglay.
13:59Malaking tilapia na niluto sa gata.
14:02Malasa, malaman at parang ginawang holiday gift wrapped in flavor.
14:09Sa Laguna, Debay po natin or Manila Bay.
14:11So yung pong ating mga niluluto na isda ay nagmumula din po doon.
14:16Pag gagat naman ang dilim, dinadayo na ang harapan ng munisipyo na napapalamutian ng mga naggagandahang dekorasyon at Christmas lights.
14:27O diba mga kapuso, kung ang hanap niyong destinasyon ay may lamig, may sarap at may all natural Christmas feels,
14:40Tanay is the place to be.
14:42Mel?
14:43Check na check.
14:45Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
14:49Kahit sa mga biyake, may mga nanloloko ngayong magpapasko.
14:53Tulad ng mga naningil ng 25,000 pesos sa Japanese na iniatid mula na ia papuntang hotel.
15:00Yan at iba pang problema sa Naiya ngayong holiday season.
15:05Live na tinutukan ni Darlene Kai.
15:07Darlene!
15:11Emil, marami-rami na yung mga pasaherong dumarating at umaalis dito sa Naiya Terminal 3, dalawang linggo bago ang Pasko.
15:18Kaya yung ilang pasaherong nakausap namin ay pinagahandaan na yan sa pamamagitan ng pagpunta sa airport ng maaga.
15:24Tap list sa holiday season ang lipad ni Gerald papuntang Croatia.
15:32Dahil sa hirap ng buhay, kailangan niyang bumalik sa pagiging ORFW pagkatapos ng limang taon.
15:38Kaya hindi na niya makakasama ang pamilya ngayong darating na Pasko at bagong taon.
15:43That's what we call fatherhood.
15:46Sacrifice.
15:47Kaya napakahalaga sa kanya ang hindi magkaaberyas sa biyahe ngayong araw.
15:51Nandito na siya sa Naiya Terminal 3, pitong oras bago ang kanyang flight.
15:56Alano ko sa TV na medyo matrapping po talaga.
16:00Kaya mas minabuti po namin bumiyahe ng mas maaga.
16:03Baka maliit po ako sa check-in.
16:06Isa pa yun, yun yung pinakano ko doon.
16:08Kaya hanggat mahali kung may oras, biyahe na.
16:12Marami ng tao sa Naiya Terminal 3.
16:15Walang humpay ang dating ng mga pasahero.
16:17Kaya hindi rin nawawala ng pila sa check-in counters.
16:20Ayon sa Kaapo Civil Aviation Authority of the Philippines,
16:23inaasahan nilang aabot sa mahigit 980,000 na mga babiyahe sa mga paliparan ngayong holiday season.
16:29Mas mataas yan ng 7-10% kumpara noong nakaraang taon.
16:33Inasahan na yan ng mga pasahero kaya maaga silang pumunta sa airport.
16:37Tulad ng seafarer na si Rafaelito na limang oras hihintayin ang flight pa Germany.
16:41Ayun lang po, usually mas earlier than usual po.
16:45And mas agahan po yung pagkila, sarang gano'n lang po.
16:48Kasi madami ng iba ka na.
16:49Yes, plus traffic po, gano'n.
16:52At ni Kathy, nakagagaling lang sa bakasyon sa Boracay kasama ang pamilya.
16:56Inagahan namin kasi we're traveling with kids.
16:59So, kumbaga, as much as possible, we don't want to rush ka sa mga lines.
17:03So, inaagahan namin kasi ang dami na rin passengers right now.
17:06Pero hindi lang sa mismong airport na susubok ang pasensya ng mga pasahero.
17:11Apektado rin sila ng mabigat na traffic sa labas ng paliparan.
17:15Oras ang hinihintay ng ilang pasahero dito sa sakayan ng point-to-point bus.
17:20Naiipit daw kasi sa mabigat na traffic ang mga shuttle ayon sa mga dispatcher dito.
17:25Mga isang oras na.
17:27Pero advertise nila every half hour.
17:29Okay lang, wala naman kami, fully retired na kami dalawa.
17:34May oras na kayong maghintay.
17:37Kaya lang yung nahirapan siya sa temperature.
17:41Saday naman ako sa ganun.
17:42Dahil siyempre sa daming pasahero ngayon, sa daming mayroon talaga.
17:48Samantala, arestado ang dalawang lalaki sa reklamo ng biktima nilang isang Japanese National kagabi.
17:53Ayon sa impormasyong galing sa NIA Airport Police,
17:56nagpatid ang Japanese National mula Terminal 3 hanggang sa isang hotel sa Pase City.
18:00Pero kolorong pala ang nasakyan niya.
18:03Hiningan siya ng mga suspect ng P25,000.
18:06Pero dahil 6,000 piso lang ang dalan ng biktima, ay pinaikot-ikot muna siya ng mga suspect.
18:11Binaba rin siya pagkatapos makuna ng pera at agad siyang nag-report sa mga polis.
18:15Hinihingan pa namin ang pahayag ang mga suspect.
18:18Hindi ako tatawa siya.
18:19Hindi ako tatawa.
18:23Emil, sa mga oras na ito, marami-rami na yung mga paseherong naghihintay ng masasakyan dito sa arrival area ng NIA Terminal 3.
18:29Samantala, paalala po ng ka-app, bukod sa pagpunta sa mga pali para ng maaga,
18:34maigiri na huwag nang magdala noong mga ipinagbabawal na gamit sa inyong bagahe para hindi kayo maabala at makaabala.
18:41Yan ang latest mula rito sa NIA Terminal 3. Balik sa'yo, Emil.
18:44Maraming salamat, Darlene Kai.
18:46Tatlo pang gintong medalya ang nakuha po ng ating mga pambato sa 2025 SEA Games sa Thailand.
18:54At dahil dyan, walo na ang gold ng Pilipinas.
18:58At mula po sa Thailand, nakatutok live si Jonathan.
19:02Jonathan!
19:04Yes, Vicky. Tatlo na nga yung gintong medalya na nakukuha ng Pilipinas ngayong araw dito sa 2025 SEA Games.
19:11Isa sa gymnastics, isa sa taekwondo at isa sa men's baseball.
19:16Galinga, Pilipinas!
19:22Galinga, ilapas!
19:24Muling pinatunayan ng Pinoy batters na ang Pilipinas ang hari ng baseball field matapos magwagi sa men's baseball finals sa 33rd SEA Games.
19:34Ang final score, 5-3.
19:36Ito na ang 3rd straight at 4th overall SEA Games gold ng Philippines men's baseball team.
19:42Hiyawan ang mga Pinoy na nasa bleachers.
19:48Celebratory ang atmosphere dito sa may stadium.
19:51Matapos pumakagintong Pilipinas sa men's baseball laban sa oponan ng Thailand.
19:58Isa sa audience, si Ja, girlfriend ng catcher ng team Pilipinas na si Mark Steven Manaig.
20:03Sobra pong extra motivation sa akin kasi po may trabaho po siya, pumunta po siya para dito para supportahan po ako.
20:09Alos 10 toon talaga pinagandaan namin kasi gusto na nga namin talagang mabawi yung pagkatalo namin sa kanilang 2007 SEA Games din dito.
20:17Halaban natin host pero tinakita natin yung galing at saka yun yung usayin natin sa baseball.
20:23Nakaginto rin si Taekwondo Jean Tatchana Mangin sa women's 49 kg division ng Kyorugi.
20:31Isa pang ginto ang ambag ni Pinoy gymnast John Ivan Cruz na nakuha niya sa men's vault finals.
20:38Silver medal naman ang nakuha ni Pinoy Karatika John Christian Lechica sa men's 60 kg division.
20:44Kahapon, muntik maagawan ng ginto sa gymnastics ang olimpia na si Alia Finnegan.
20:49Unang lumabas sa screen na pangalawa siya sa Vietnam sa women's vault finals.
20:54Nagprotesta at humingi ng recomputation si Cynthia Carrion,
20:58ang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines.
21:01Ang resulta, si Finnegan talaga ang kampiyon.
21:04I know there's something wrong.
21:05This Alia is perfect.
21:07And I know, I am a judge.
21:09I know that she's, even she's higher in her skill than anybody else.
21:21Vicky, katatanggap lang natin ang impornomasyon na ito.
21:23Ngayong gabi lang may nadagdag po na dalawang ginto sa Pilipinas.
21:27Ang isa galing sa swimming sa olimpia natin na si Kayla Sanchez.
21:30At ang pangalawa, galing sa athletics.
21:32First gold natin sa athletics, galing po yan sa olimpia din na si John Cabang Tolentino.
21:37Sa kabuan, sampuna ang gold medals na nahahakot ng Pilipinas dito sa 2025 SEA Games.
21:44Yung munang latest mula rito sa Bangkok, Thailand.
21:47Ako po si Jonathan Andal, ng GMA Integrated News at ng Philippine Olympic Committee Media.
21:51Nakatutok, 24 oras.
21:53Ay, buhang gasampuna ang gold natin.
21:56Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
21:58Isiniwalat ng dati umanong civilian intelligence agent na magamang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
22:08Na inutusan siya ng mga tauhan ng OVP na maghatid ng milyong-milyong pisong pera sa iba't-ibang personalidad.
22:17Ang detalye ng sinumpaan niyang salaysay sa pagtutok ni Maris Umali.
22:25Sa limang pahin ng affidavit na pirmado nitong November 29, 2025,
22:30sinabi ni Ramil Madriaga kung gaano sila kalapit kay dating Pangulong Duterte at sa anak nitong si Vice President Sara Duterte.
22:38Nagtrabaho raw siya sa mag-ama bilang civilian intelligence agent.
22:42At naging tagahatid daw ni Vice President Sara ng milyong-milyong pisong cash para sa iba't-ibang tao sa iba't-ibang lugar.
22:49Nakakausap raw niya noon ang direkta ang mag-ama sa telepono at ang utos daw, diretsyo rin sa kanya.
22:55Sa salaysay ng notaryado, sinabi ni Madriaga na inutusan daw siya ni na Colonel Dennis Nolasco at Colonel Raymond Lachica
23:03na mga tauhan o ano ng OVP na maghatid ng mga duffel bag na may 33-35 million pesos cash bawat isa.
23:11May hinatid din daw itong cash sa isang mayor ng Laguna sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City, sa Office of the Ombudsman.
23:18Sa isang comedy bar sa Quezon City kung saan nakita niya ang spokesman noon ni Vice President Sara na si Atty. Reynaldo Monsayac
23:25na sumenyas daw sa kanyang dalihin ang pera sa taas.
23:29Nakausap namin ang abugado ni Madriaga na si Atty. Raymond Palad.
23:32Sabi niya bago raw nabuo ang affidavit, ibinigay ni Madriaga kay Palad ang sulat kamay na salaysay
23:38ng tanungin kung paano nalaman ni Madriaga ang halaga ng pera na inahatid niya.
23:42Hindi niya madescribe yung itsura pero sabi niya isang duffel bag na pwede ka magpasok ng tao sa laki.
23:49Na sabi niya pag punong-puno daw yun, kaya maglaba ng mga 35 million yun.
23:53Sabi ko bakit gumalam yung laman, eh Atty. Sanay na ako mag-deliver ng pera.
23:56Binubuksan ko minsan yan. Kaya tansyado ko na yung laman yan kung 30, kung 35, at tansy ako na yan.
24:03Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Reynaldo Monsayac na ang gawagawang kwento ni Madriaga
24:07katawa-tawa at hindi raw kapani-paniwala.
24:10Polluted source daw si Madriaga.
24:13Hindi raw niya ito kilala at walang ugnayan sa isa't isa.
24:16Itinanggi rin ni Philippine Army Colonel La Chica na kilala niya, personal o professional si Madriaga.
24:22Hindi raw totoo ang sinasabi nito at handa siyang magbigay linaw sa anumang investigasyon.
24:27Sa litratong ito, pinakita ni Madriaga ang regalo raw sa kanya ni dating Pangulong Duterte.
24:32Kung ganito siya ka-close sa mag-amang Duterte, bakit siya bumabaliktad ngayon?
24:36Sabi ng abogado ni Madriaga, minsan humingi ng tulong si Madriaga kay Sara Duterte sa kaso niya,
24:42pero di raw natulungan.
24:43Binisita pa nga raw si Madriaga ni Vice President Sara sa Camp Bagong Diwa,
24:47kung saan ito nakakulong, dahil sa kasong kidnapping for ransom.
24:51Sakali man daw na sampahang muli ng impeachment complaint si Vice President Sara sa February 2026,
24:57pwede rin daw gamitin ang affidavit ng kliyente.
25:00Sa February, matatapos na ang one-year ban para sa pagsampa ng impeachment complaint laban sa Vice Presidente.
25:06Ayon sa abogado ni Madriaga, ay pinanotaryo nito ang salaysay para ma-i-sumite sa ombudsman
25:12at na masimulan na raw ang fact-finding investigation.
25:14Inihayag din ni Madriaga na maghahain pa siya ng panibagong affidavit kaugnay umano sa OVP
25:20sa asawa ni Vice President Sara at ilang pang mga opisyal na sangkot umano
25:25sa pamamahagi at paghatid ng pera at mga kaugnay na usapin.
25:29Sinusubukan pa namin makuha ang mga pahayag kaugnay nito
25:32ni nadating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte
25:36at iba pang mga nabanggit sa affidavit ni Madriaga.
25:40Para sa GM Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
25:44Feeling guilty si Dustin Yu matapos ang mensahe ng kanyang bestie na si David Licago
25:55na namimiss na niya ang kaibiga dahil sa hectic schedule.
25:59Kaya may assurance si Dustin kay David.
26:03Sabi ko nakita ko yung interview niya.
26:05Sabi ko if there's something na parang may nasi-feel siya,
26:10you can talk to me anytime.
26:12I mean, sabi ko, sorry.
26:14Part of me would also want to apologize.
26:20Kasi parang na-realize ko na nung time na yun,
26:25busy rin naman siya.
26:27Pero ako kasi nun, hindi ako busy.
26:30So ako yung laging, eh ngayon, busy kami both.
26:33So yun yung gusto ko yung explain sa kanya.
26:35Na yung schedule talaga namin is talagang tuloy-tuloy talaga.
26:39As in, wala na na kaming time para lumabas pa.
26:43Pero, I get him.
26:46Super.
26:47Like valid naman.
26:48And that's my chica this Friday night.
26:56Sa ngala ni Ia Arellano, ako po si Jandina Chan.
26:59Happy weekend mga kapuso.
27:00Miss Mel, Miss Vicky, Emile.
27:02Thanks, Janina.
27:04Thanks, Janina.
27:05Salamat, Janina.
27:05At yan ang mga balita ngayong Biyernes,
27:08lamintatlo.
27:09Ah, nalabang.
27:10Pasko na.
27:11Mel, tiangko po.
27:12Ako naman po, Vicky Morales,
27:14para sa mas malaking misyon.
27:15Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
27:17Emile Sumangil po.
27:18Mula sa GMA Integrated News,
27:20ang News Authority ng Pilipino.
27:22Nakatuto kami 24 oras.
27:24Tawang sa Pino.
27:25Pap, pap, pap, pap, pap, pap.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended