Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Happy weekend mga mare at pare bibida bilang husband and wife sa newest episode ng Magpakailanman, sino Sparkle Stars, Rocco Nasino at Thea Tolentino.
00:14Heto ang latest mula kay Mareng Athena Imperial.
00:17Kung si Thea Tolentino galing Japan with her longtime boyfriend Martin Joshua San Miguel at umuwi sila as an engaged couple, galing namang South Korea si Rocco Nasino kasama ang kanyang pamilya.
00:33Para raw ito matupad ang pangarap na fall maternity shoot ng asawang si Melissa Gohing Nasino.
00:39Ito na rin daw ang last trip ng anak as an only child.
00:42We're getting everything ready. Sa March darating si baby so nag-ready na ako sa Puyat and super work ng work na para makaipon pa, para mabili lahat ng kailangan ni baby.
00:56Nakaka-relate daw si Rocco sa role niya sa magpakailanman episode na pagdibidahan nila ni Thea.
01:01Ang kwento tungkol sa mag-asawang may kinakaharap na problemang pinansyal.
01:05Naging breadwinner ang nanay, pero naka-apekto ito sa pagpapahalaga sa sarili ng padre de familia.
01:13Niramdam ko yung pagod ng isang lalaki na alam natin may inaalagaan niyang self-esteem eh.
01:20Bilang isang lalaki, alam naman natin yung stigma.
01:22Kapag sinabi yung lalaki, kailangan ako. Ako bahala sa lahat.
01:25Ako magpapaangat, ako magpapaaral. Ako kapag ang kakayahan ay wala.
01:30Ako doon, doon naglalaro yung self-esteem ng lalaki na minsan naramdaman niya na letdown lang siya.
01:38Minsan walang kwenta.
01:40Matatalakay rin sa istorya ang pressure mula sa pamilya at mga nakatatanda tungkol sa mga pangarap
01:46na gusto nilang tuparin ng kanilang anak.
01:49Si Thea, may reaksyon dito.
01:51Mas nakakatanda sa atin, mayroong mga malalaking pangarap para sa atin.
01:54Pero mas maganda na tanungin niyo din muna yung mga anak niyo kung anong plano nila talaga sa life,
02:02anong gusto nilang tahakin.
02:05Kasi yung generation ngayon, very outspoken na.
02:12So alam na nila yung gusto nila.
02:14So dapat tanungin natin kung ano talagang gusto nila, supportahan natin.
02:18And huwag natin i-impose ang mga bagay na gusto natin na hindi naman nila gusto.
02:22Mapapanood ang magpakilanman episode na Dalawang Muka ng Pasko sa Sabado 8.15 ng gabi.
02:31Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended