Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Para maibsaan ang heavy gas na traffic sa Marcos Highway ngayong magpapasko,
00:04magdaragdag ng U-turn slots ang MMDA sa lugar.
00:07Bukod sa mga kalsada, ramdam na rin ang holiday exodus sa Niaia
00:10kung saan inaabot ng ilang oras ang pasahero bago makuha ang kanilang bagahe.
00:15May unang balita si Rafi Tima.
00:21Mahabang pita at halos di na umusad ang mga sasakyan pakiat sa departure area ng Niaia Terminal 3,
00:25kaya ang ilang biyahero, bumaba na ng sasakyan at naglakad na lang papunta sa gate.
00:30Mayarap malit, mamaya eh. Naribok na kayo yung ticket namin noong nakaraan, kaya balik na naman ngayon.
00:36Ang iba, inagahan na ang pagpunta sa airport.
00:38Mas okay na yung maghihintay ka na lang sa airport kaysa malit ka pa.
00:42Pero hindi lang traffic o mahabang pila ang problema.
00:46Sa Terminal 1, mabilis man ang pila sa immigration, inabot naman ang dalawang oras ang pagkuhan ng mga bagahe.
00:52I waited about 2 hours waiting for my bags.
00:55They have only 3 containers going and coming back and forth.
01:01Ang paliwanag daw sa kanila, kulang ang cart na pagkakargahan ng mga bagahe sa aeroplano para dalhin sa terminal.
01:07Kaya ang ilang nakausap namin, di na lintana kung mapamahal ng kaunti sa mga sasakyang TNVS.
01:13Around 3,000 to 5,000 papunta sa Clark City. Pag sa shuttle, ay di na sa 500 lang.
01:18I think okay naman. It's not too bad. Pero syempre, mas okay yung may sundo.
01:26Matindi na ang nararanasan ng mga commuter at motorista sa kaliwat-kanang traffic.
01:30Gaya ng heavy-cut traffic sa Marcos Highway noong Sabado.
01:33Nagpatupad na ang MMDA ng mga pagbabago.
01:36Gaya ng pagpapahaba sa barrier malapit sa Nicanor Rojas Street para hindi na pumagit na ang mga sasakyan papasok ng Marcos Highway.
01:43Magdadagdag din ang mga U-turn slot malapit sa kanto ng Sumulong at Marcos Highway.
01:48Pumayag na rin daw ang DPWH na huwag munang i-operate ang kanilang way bridge sa Marcos Highway para hindi makaabala sa daloy ng trapiko.
01:56Pinalitan na rin ang MMDA ng mga plastic barrier, ang dating concrete barriers, sa tapat na isang mall para madali itong mabuksan kung sakaling muling bumigat ang traffic.
02:05Papapayagang makatawi dito ang mga sasakyan mula sa Felix Avenue papuntang Mayor Gil Fernando.
02:09Ayon sa MMDA, hindi uubra ang mungkahing lagyan nito ng traffic light.
02:14Nung araw po, nilagyan na namin yan ng traffic signal, binuksan namin, grabe po ang naging traffic.
02:21So ibig sabihin, mas okay na may U-turn.
02:24Babalikan ng MMDA ang panukalang magtayo rito ng underpass na posibleng permanenteng solusyon sa mabigat na trapiko.
02:31We'll discuss it with Secretary Vince Disson para at least yung mga ibang true and true lang pwedeng dire-diretso na lalo yung pa-Kogyo or yung from Kogyo papunta sa West.
02:44Pumayag na rin daw ang mga LGU sa lugar na pakiusapan ng mga may-arin ng mall sa Marcos Highway na huwag munang mag-mall wide sale tulad ng ginagawa sa EDSA.
02:54Yan ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
02:57Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended