Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bodega sa Navotas na naglalaman ng mga masangsang nang frozen meat at fishery products na umano'y smuggled. May report si Vonne Aquino.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Sinalakay ng mga otoridad ang isang bodega sa Navotas na naglalaman ng mga masangsang ng frozen meat at fishery products na umano'y smuggled.
00:09May report si Vona Quino.
00:13Butas-butas at sirang mga karton at mga karneng na kalapag sa sahig.
00:18Ganito ang dinatna ng mga taga Department of Agriculture ng pasukin ng isang cold storage facility sa Navotas.
00:24Sa inisyal na impormasyon mula China, Brazil at Thailand, ang frozen meat at fishery products na wala umano'ng kaukulang dokumento.
00:33Hindi bababa sa 10 milyong piso ang halaga ng mga produkto.
00:36E yun nga po, yun talaga yung pinipigilan natin mangyari na mapunta sa markado at saka sa makonsume ng public.
00:43Napaka-unsafe, diba? Kung kakainin niya ng mga tao, eh hindi nakabuti sa mga tao yun.
00:51Hawak na ng pulis siyang 6 na tauhan ng imbakan.
00:54Tukoy na rin ang may-ari ng cold storage facility.
00:57Ayon sa DA, dadalhin sa government cold storage facility ang mga nasamsam na produkto at sisirain sa oras na may utos na ang korte.
01:07Simula naman ngayong araw, 150 pesos kada kilo na ang maximum suggested retail price ng pulang sibuyas.
01:13Itinaas ang MSRP mula 120 pesos dahil na rin sa mababang supply mula sa China na pangunahing pinagkukuna ng imported na sibuyas at ang mahinang piso kontra dolyar.
01:25Wala namang paggalaw sa MSRP ng puting sibuyas na nasa 120 pesos kada kilo.
01:30Dito sa Mega Q Mart sa Quezon City, ang presyo ng imported na pulang sibuyas ay 140 pesos per kilo habang itong puting sibuyas ay 120 pesos per kilo.
01:41Ayon sa nagtitinda, ang mga ituro kasi ay stock nila 2 days ago pa.
01:45Kaya't hindi pa ito apektado ng pagtaas sa imported cost na sinasabi ng Department of Agriculture.
01:52Yung sa bodega ng pinukunan namin, marami pa.
01:57Kaya siguro, isi yung mga 2 days from now, magbabago na yan.
02:03Sa Balintawak Market, 170 to 180 pesos per kilo ang imported na pulang sibuyas.
02:09Na ayon sa mga nagtitinda, mas mababa sa 200 hanggang 220 pesos per kilo noong nakaraang linggo.
02:17Madami pong nagso-supply kaya po bumababa po ang presyo.
02:21Para makatipid, sa reject na 100 pesos per kilo muna masingsing pumipili ang ilang mamimili.
02:27Mahalaga talaga ang sibuyas kasi pag walang sibuyas, hindi magiging masarap yung luto natin.
02:34Importante talaga ito kahit mahal.
02:36Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment