Skip to playerSkip to main content
Masangsang na mga umano'y smuggled na karne at fishery product na kinumpiska sa isang cold storage facility sa Navotas. Ang halaga, aabot sa P10M.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Masangsang na mga umunoy smuggled na karne at fishery product ang kinumpis ka sa isang cold storage facility sa Nabotas.
00:07Ang halaga, aabot sa 10 milyong piso. Nakatutok si Von Aquino.
00:15Sa visa ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Department of Agriculture, National Meat Inspection Service at PNP Criminal Investigation and Detection Group ang isang cold storage sa Nabotas City.
00:30Sa loob, nakita ng mga operatiba ang mga karne na nakalapag lang sa sahig at hindi rin malinis ang pinagdalagyan sa mga ito.
00:37Ayon sa Department of Agriculture, ititrace ng mga otoridad kung saan dinadala ang mga produktong ito.
00:43Yun talaga yung pinipigilan natin mangyari na mapunta sa markado at saka sa makonsume ng public yung mga produktong nandito.
00:50Kasi obviously, nung chinek natin, pinasok natin sa loob, napaka-unsafe, di ba?
00:55Kung kakainin niya ng mga tao, hindi nakabuti sa mga tao yun.
01:01Hinihinalang smuggled ang frozen meat at fishery products na batay sa inisyal na impormasyon, galing umano sa China, Brazil at Thailand.
01:10Pero wala umanong kaukulang dokumento ang mga produkto at unsanitary ang pinaglagyan, bukod pa sa masangsang na ang amoy.
01:16Unsanitized, unsanitary, yung handling. Pangalwa, ay walang mga kaukulang dokumento na maipresent sa controlling authority.
01:25Tinatayang hindi bababa sa 10 milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang produkto.
01:30Kung ako lang ha, kasama na yung kabila, it's more than.
01:34Talagang unsanitary yung conditions, no? So, based on that alone, we can actually file criminal cases already.
01:41Nasa 6 na mga tauha ng mga imbakan ang nasa kustodya ng PNPCIDG at sasa ilalim sa investigasyon.
01:48Tukoy na rin umano nila ang may-ari ng mga imbakan. Sinusubukan namin siyang hinga ng pahayag.
01:54Ayon sa DA, dadalhin sa Government Cold Storage Facility ang mga nasamsam na produkto.
02:00Sisirain naman ang mga ito sa oras na may utos na ang korte.
02:02Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.
02:11Tukoy na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended