Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Lumaba sa pagdinig ng Senado na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV epidemic sa Asia-Pacific.
00:07Ikinalala na mga araw ng Department of Health na pagtaas ng HIV infection sa bansa na karamihan daw ay mga kabataan.
00:15May panukala ang Philippine National AIDS Council para makontrol ang epekto ng sakit.
00:20May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Habang pababa ang bilang ng HIV infection at AIDS-related deaths sa mundo at Asia-Pacific,
00:31nakaka-alarma naman ang paglala ng HIV epidemic sa Pilipinas.
00:35555% ang itinaas ng HIV infection sa Pilipinas noong 2024 kumpara noong 2010,
00:43malayo sa negative 17% sa Asia-Pacific at negative 40% sa buong mundo.
00:48667% naman ang itinaas ng namatay na may kaugnayan sa AIDS,
00:53habang negative na rin ang mga bilang ng namatay sa Asia-Pacific at sa buong mundo.
00:58Iniulat niya ng Department of Health sa pagdinig ng Senate Committee on Health.
01:01This means that we have an ongoing local concentrated epidemic that requires sustained and intensified interventions.
01:09May hit 250,000 naman ang people living with HIV sa Pilipinas ngayon.
01:14At kung magpatuloy ang bilis ng infection, maaaring umabot ito sa halos kalahating milyon sa 2030.
01:21Halos tatlo sa bawat lima sa kanila ay galing sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
01:27Marami sa kanila ay kabataan.
01:29Half of all confirmed HIV cases were among individuals aged 25 to 34 years old.
01:35While 30% fall within 15 to 24 age group, HIV continues to disproportionately affect younger populations.
01:43Sa Asia-Pacific, Pilipinas ang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV epidemic.
01:49From July to September 2025 alone, DOH recorded 5,583 new cases, 30% of them under 18.
01:59May isang pitong taong gulang na bata mula sa South Cotabato ang nag-ositibo sa HIV.
02:07Di umano, hindi inborn.
02:08Panukala ng Philippine National AIDS Council, bigyan din ang akses ang mga edad 15 hanggang 17 sa anti-retroviral treatment o mga gamot para makontrol ang epekto ng HIV pati sa ibang HIV services.
02:22Sa ngayon kasi, kailangan pa ng pahintulot ng mga magulang bago sumailalim sa gamutan ang mga nasa ganyang edad.
02:28Kaya maraming kabataan ang hindi nilang nagpapagamot.
02:32Kaugnay sa problema sa gastos, nasa proseso na ang PhilHealth sa pagsama sa kanilang packages ng HIV screening, diagnostics, treatment at preventive care.
02:42Sa Quezon City naman, nakikipagugnayan na ang City Hall sa mga paaralan para turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.
02:50Mataas kasi ang mga bagong kaso ng HIV sa mga edad 14 hanggang 24.
02:55Bagaman sexual contact ang karaniwang paraan ng pagkahawa sa HIV,
02:59sabi ng DOH, kailangan ding tutukan ang mga sanggol na ipinapanganak ng inang may HIV kaya may HIV rin.
03:06Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment