Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado sa Taguig City ang tatlong lalaking sangkot umano sa pagtangay ng motosiklong ginagamit sa Ride Healing App.
00:07Natunto ng mga suspect dahil sa GPS na nakakabayat sa motosiklo.
00:11Ating saksihan!
00:17Edad 18 at 19 lang ang mga suspect na target ng follow-up operation ng Kainta Police sa Baragisan Miguel sa Taguig City.
00:23Ang dalawang suspect na 18 anyos tinutugis dahil sa pagtangay umano ng motosiklo ng rider ng isang ride hailing app sa Kainta Rizal.
00:32Ang 19 anyos na mga suspect na barangay tanod pa sa kanilang lugar, inakosahang nagkanlong sa mga suspect.
00:38Kwento ng biktima, alas 3 sa madaling araw nitong lunes naggatid siya ng pasahero sa Kainta.
00:43Papunta na siya sa susunod na pasahero ng harangin ng mga suspect sa barangay Santo Domingo.
00:47Magmi-minor po kasi ako dun eh. So dun na po nila ako hinarang.
00:51Inawakan po ko nung isa, nalaglag po ako sa motor.
00:55And then po tinutukan po ako ng barel. Sabi, may barel daw po sila, huwag daw po ako susunod.
01:01Tinangay ng mga suspect ang motosiklo ng rider, kanyang cellphone, at maging ang dalawang helmet.
01:06Nagsumbong sa mga pulis ang biktima.
01:08Mabilis na natuntun ng mautoridad ang motosiklo dahil sa nakakabitlitong GPS.
01:13Nasundan po natin yung exact location kung saan yung motor na nawala sa kanya.
01:18At doon din po natin nakita yung mga suspect.
01:24Na-recover po natin yung stolen motor vehicle at the same time, yung firearm na ginamit na pangharang sa kanya.
01:34Nabawi ang lahat ng gamit na nawala sa biktima.
01:37Positivo rin ang kinilala ang mga suspect na tumanggi magbigay ng pahayag.
01:40Nasa kustudya sila ng pulisya at naharap sa patong-patong na reklamo.
01:44Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Tima ang inyo.
01:48Saksi!
01:50Pusibleng ngayong linggo ay may mga maisang papa ang ombudsman na mga kaso sa Sandigan Bayan
01:55kagno'y sa mga maanumalyang flood control project.
01:58Kanina, kusang sumuko sa NBI si Sarah Descaya,
02:01matapos i-anunsyo ni Pangulong Bombo Marcos na ngayong linggo lalabas ang arrest warrant laban sa kontratista.
02:08Saksi si John Consulta.
02:10Inaasahan na rin natin lalabas ang warrant of arrest na ni Sarah Descaya itong linggong ito
02:18at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.
02:21Kasunod ng anunsyong iyan ni Pangulong Bombo Marcos,
02:25voluntaryong sumuko sa headquarters ng NBI sa Pase City
02:28ang kontraktor na si Sarah Descaya, kasama ang kanyang abogado at kaanak.
02:33Naka-face mask si Descaya nang dumating sa NBI.
02:36Bantay sarato siya ng mga ahente nito.
02:38Ayon sa source ng GMA Integrated News,
02:41ngayong araw nagpahihwating ng pagsuko sa Descaya
02:43sa isang regional officer ng NBI na siya nag-facilitate ng kanyang pagsuko
02:47na harap sa kasong malversation of public funds
02:50at paglabag sa Anti-Graphic and Corrupt Practices Act sa Descaya
02:53at siyam na iba pa na sa Manumalyak-Manong Flood Control Project sa Davao Occidental
02:58na nagkakalaga ng halos 100 milyong piso.
03:02Proyekto ito ng St. Timothy Construction Corporation,
03:05isa sa mga kumpanya ng Pamilya Descaya.
03:08Noong una pa lang na lumabas itong issue ng drug control project.
03:13Sa unang mga meetings pa lang namin ng mga lawyers,
03:17na pag-uusapan na itong mga ganyang strategy.
03:20Naniniwala naman siya sa legal processes dito.
03:23Nadamay kasi siya rito kasi nga doon sa medyo nagkalito-lito ng sagot niya
03:30kasi sa sobrang pagod pressure, puyat.
03:34Napuli itong project na ito sa Digos.
03:36Tapos na ito, hindi itong ghost project.
03:39Ayon sa isa pa naming source,
03:41hinihintay na lang ang paglabas ng Waratavares laban kay Descaya.
03:45Manggagaling ito sa Digos City Regional Trial Court kung saan isinampa ang kaso.
03:50Hindi kasama ni Descaya ang asawang si Curly na nakaliting pa rin sa Senado
03:54patapos pakontep dahil sa umano'y pagsisinungaling.
03:57Ang pamangkin ni Descaya at kapwa niya akusado na si Maria Roma Angeline Guimando
04:02na isa rin opisyal ng St. Timothy Construction sumuko sa Pasig City Police.
04:07Base yan sa kumpirmasyon ng kanyang abogado.
04:10Ayon naman kay Pangulong Marcos,
04:12walong opisyal ng DPWH na kinasuhan dahil sa kapwa niyang proyekto
04:16ang nagpasabing na isinapin nilang sumuko sa NBI.
04:19Ang Court of Appeals naglabas na ng freeze order
04:22laban sa mga bank account, ari-arian at mga aeroplano at helicopter
04:26ng mga kumpanya ng mga kapatid na sina,
04:29Congressman Eric at Edvik Yap.
04:31May mahigit 16 billion na ang pumasok sa mga transaksyon
04:35ng Silver Wolves mula 2022 hanggang 2025
04:39na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH.
04:44Sinubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng mga yap
04:51pero wala pa silang pahayag.
04:53Ang pagpapfreeze ng assets, bahagi ng hakbang para mabawi
04:57ang mga pondo ng bayan na hinihinalang napunta sa katiwalian.
05:01Magpapatuloy ang investigasyon, magpapatuloy ang pagpapanagot
05:05at titiyakin ng pamahalaan na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taong bayan.
05:11Ngayong linggo, sabi ni Assistant Ombudsman Migo Clamano,
05:15posibleng may maisang pa sila ulit na kaso sa Sandbigan Bayan.
05:18It's possible, it's possible, but we go with the strength of the cases.
05:22Kung meron tayong makitang ebidensya na ang proponent mismo ang kumuha ng pera,
05:28siya mismo ang tumanggap ng pera, mas madaling i-prove po yun.
05:32Kaysa sa mga kaso na may layering, patago talaga,
05:37merong silang mga bagman na kailangan muna natin matumbok para makuha yung proponent.
05:42December 15 ang itinakna noon ng Ombudsman na deadline nila
05:46para makapapakulong ng malalaking isda o mga senador at kongresista.
05:51Tuloy rin sa pag-iimbisiga ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
05:57Sa pulong ng LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council,
06:01tinukoy ng Pangulo ang apat na priority bills.
06:04Kabilang dyan, ang Independent People's Commission Act na layang mumuo ng mas may pangil na ICI.
06:10Tinukoy din na priority bills ang Anti-Dynast Bill,
06:14Partialist System Reform Act at Cadena Act o Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability.
06:22Para sa GMA Integrated News, ako si John Konsulta, ang inyong sakwi.
06:30Lumabas sa pagdinig ng Senado na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV epidemic sa Asia Pacific.
06:37Ang kaso ng HIV sa bansa nitong 2024, tumaas na may 500% kumpara sa bilang nito noong 2010.
06:45Saksi, si Mab Gonzalez.
06:47Habang pababa ang bilang ng HIV infection at AIDS-related death sa mundo at Asia Pacific,
06:56nakakaalarma naman ang paglala ng HIV epidemic sa Pilipinas.
07:00555% ang itinaas ng HIV infection sa Pilipinas noong 2024 kumpara noong 2010,
07:08malayo sa negative 17% sa Asia Pacific at negative 40% sa buong mundo.
07:13667% naman ang itinaas ng namatay na may kaugnayan sa AIDS,
07:19habang negative na rin ang mga bilang ng namatay sa Asia Pacific at sa buong mundo.
07:23Iniulat niya ng Department of Health sa pagdinig ng Senate Committee on Health kanina.
07:27This means that we have an ongoing local concentrated epidemic that requires sustained and intensified interventions.
07:35Mahigit 250,000 naman ang people living with HIV sa Pilipinas ngayon.
07:40At kung magpatuloy ang bilis ng infection, maaaring umabot ito sa halos kalahating milyon sa 2030.
07:47Halos tatlo sa bawat lima sa kanila ay galing sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
07:53Marami sa kanila ay kabataan.
07:55Half of all confirmed HIV cases were among individuals aged 25 to 34 years old.
08:01While 30% fall within 15 to 24 age group, HIV continues to disproportionately affect younger populations.
08:09Sa Asia Pacific, Pilipinas ang may pinakamabilis na pagkalat ng HIV epidemic.
08:14From July to September 2025 alone, DOH recorded 5,583 new cases, 30% of them under 18.
08:25May isang pitong taong gulang na bata mula sa South Cotabato ang nag-positibo sa HIV.
08:33Di umano, hindi inborn.
08:34Panukala ng Philippine National AIDS Council, bigyan din ng akses ang mga edad 15 hanggang 17 sa anti-retroviral treatment o mga gamot para makontrol ang epekto ng HIV, pati sa ibang HIV services.
08:47Sa ngayon kasi, kailangan pa ng pahintulot ng mga magulang bago sumailalim sa gamutan ang mga nasa ganyang edad.
08:54Kaya maraming kabataan ang hindi nilang nagpapagamot.
08:58Kaugnay sa problema sa gastos, nasa proseso na ang PhilHealth sa pagsama sa kanilang packages ng HIV screening, diagnostics, treatment at preventive care.
09:08Sa Quezon City naman, nakikipag-ugnayan na ang City Hall sa mga paaralan para turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.
09:15Mataas kasi ang mga bagong kaso ng HIV sa mga edad 14 hanggang 24.
09:20Bagaman sexual contact ang karaniwang paraan ng pagkahawa sa HIV,
09:25sabi ng DOH, kailangan din tutukan ang mga sanggol na ipinapanganak ng inang may HIV kaya may HIV rin.
09:32Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
09:37Isasalan na po sa Bicameral Conference Committee sa Webes ang may 6.7 trillion pesos na panukalang budget para sa susunod na taon.
09:45Kasunod po yan ang pag-aprobarito ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa,
09:50sa botong labimpito.
09:52Walang bumotok kontra rito at wala rin nag-abstain.
09:56Ayon kay Sen. Sherwin Cachalian, na Chairperson ng Finance Committee,
09:59mas malinaw, disiplinado, at mas may pananagutan ang 2026 budget.
10:07Deped pa rin ang may pinakamalaking budget na nasa 1.37 trillion pesos.
10:11Ayon kay Sen. President Tito Soto, ilalivestream nila ang Bicam.
10:16At iginit din ang kamera, natutupad sila rito.
10:21Ipinagbigay alam ng Philippine Navy sa mga kaalyado ng Pilipinas
10:24ang tungkol sa ilang Chinese warship na dumaan malapit sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas nitong weekend.
10:31Saksi si Chino Gaston.
10:33Na-detect ng Philippine Navy nitong Sabato at Linggo ang pagdaan ng Chinese aircraft carrier na Liao Ning
10:42at dalawang escort na warship sa Hilaga silangang bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
10:48Bago nito, na-detect din ang pagdaan malapit sa EEZ ng isang Chinese amphibious assault warship at dalawang escort patungong Australia.
10:57Sa monitoring din ang Japan Maritime Self-Defense Force, dumaan ng carrier sa timog na bahagi ng kanilang bansa malapit sa Okinawa
11:04at nakilala ang dalawang escort ships na Ren High Class Guided Missile Destroyers.
11:10Hindi alam ng Philippine Navy ang pakay ng mga Chinese warships pero ipinagbigay alam na raw sa mga kaalyadong bansa ang pagdaan nito malapit sa ating EEZ.
11:20Without going into details, the expanded MDA of the AFP looks into all sources of information.
11:28And I would like to highlight our enhanced defense relations with Japan, with Australia, with New Zealand, with Korea, among others.
11:38Secondly, historically, this has been the path of a carrier battle group from the PLA Navy.
11:44Coming from mainland China, it transgresses the northern part of the zone, passing through Okinawa, Miyako Straits, down our eastern seaboard, Palau, Australia, down to Indonesia, Lombok Straits, heading up to Cebuto Channel, exiting in the South China Sea.
12:03Samantala, constant o hindi naman nagbabago ang dami ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.
12:09Ayon sa Philippine Navy, limang Chinese Coast Guard at dalawang Navy warships ang nagbabantay sa baho ni Masinlok,
12:16anin na China Coast Guard ships naman at isang People's Liberation Army Navy warship ang nasa Ayungin Shul.
12:22At sa Pag-asa Island, isang Chinese Coast Guard at dalawang Chinese Navy warships ang namamalagi.
12:28Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
12:33Mga kapuso, maging una sa saksi.
12:36Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended