Kaugnay nga ng matinding traffic sa Marcos Highway nitong weekend na inabot ng limang oras o higit pa, pinulong ng MMDA ang mga taga-traffic management ng Marikina, Pasig, Cainta at Antipolo.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00At kaugnay na nga ng matinding traffic sa Marcos Highway nitong weekend na inabot ng limang oras o higit pa.
00:07Pinulong ng MMDA ang mga taga-traffic management ng Marikina, Pasig, Kainta at Antipolo.
00:14Ang mga susunod nilang hakbang sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:20Matagal ng notorious sa traffic itong Marcos Highway, lalo mula Marikina hanggang Antipolo.
00:26Pero yung nangyari noong Sabado, car mag-gheto na umabot sa Katipunan, C5 at Aurora Boulevard sa Cubaw.
00:33Kaya sumagad sa pasensya ng mga motorista.
00:36Sabi ng MMDA, tila sabay-sabay ang mga Christmas party at habol sa shopping ng mga taga-east of Metro Manila.
00:44Yung nangyari last Saturday was really talagang yung volume of vehicles matindi.
00:50Sinabayan pa ng mall-wide sale ng mga malls within that area.
00:57And admittedly, nagkulang din kami yung tao na mag-i-enforce dun sa mga U-turn slots.
01:06Sa post-assessment ng MMDA, dalawang U-turn slots sa highway ang sanhinang gridlock.
01:12Ang U-turn sa may Santa Lucia Mall at ang U-turn sa may Felix Avenue intersection.
01:17Walang taong nagmamando, nag-gridlock.
01:21So ano na nag-gridlock?
01:23Unang lane, pangalwan lane, pang-apat na lane na wala na yung pandiretsyo.
01:27Puro U-turn na lang nag-agawan.
01:29So ang nangyari, walang gumalao kasi gridlock eh.
01:32Nakipag-meeting kanina ang MMDA sa mga taga-traffic management ng Marikina, Pasig, Kainta at Antipolo.
01:39Maliban daw kasi sa pagmamando ng tama sa mga U-turn slots, kailangan din magtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabawas ng volume at obstruction sa Marcos Highway.
01:50We will study some adjustments sa U-turn slots to harmonize yung ibat-ibang oras ng mga track ban hours ng ibat-ibang LGUs doon.
02:02And may recommendation na magkaroon kami ng MOA sa pag-enforce ng anti-illegal terminal and illegal vendors.
02:14Posible rin palitan ng movable orange barriers ang concrete barriers sa intersection ng Marcos Highway at Hill-Fernando Avenue.
02:22Para mas madaling galawin kung kailangan lalo kung mabigat ang traffic, hindi pang long-term solution ang latag ng MMDA.
02:30Dahil ayon din sa kanilang data, mahigit siyam na libo ang volume ng sasakyan sa Marcos Highway tuwing rush hour.
02:37Sobra sa 5,000 to 6,000 na kapasidad nito.
02:39Nung ginawa yan, ilan pa lang naman yung subdivisions doon but we're trying our best to manage it and magkaroon ng mga engineering interventions.
02:52Kagaya ng problema sa maraming bahagi ng Metro Manila, ganun din ang problema sa Marcos Highway.
02:58Dumarami ang sasakyan pero hindi ang kalsada.
03:01As per DPWH kanina, they don't have any plans na mag-expand pa sa area na yun kasi parang wala na rin talagang lugar na para palakihin pa yung kalsada doon.
03:15Mag-o-ocular inspection ulit ang MMDA bukas sa Marcos Highway para maghanap ng kahit maliliit na solusyong makakatulong maibsa ng trapiko.
03:23Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment