00:00Senior citizen, nasawi sa sunog sa barangay Muntindilaw sa Antipolo.
00:10Iniimbestigahan pa ang sanhinang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
00:14Hindi bababa sa 30 pamilya ang apektado.
00:19Retiradong polis, patay sa nasunog na ospital sa Pulilan, Bulacan.
00:24Nasawi siya dahil sa respiratory failure.
00:26Isa siya sa 18 pasyenteng naka-admit noon.
00:30Inilipat na ang ibang pasyente sa kalapit na ospital.
00:35Gambling advertisements, bawal na sa Pasig.
00:38Sa visa ng isang ordinansa, banned na ang lahat ng ads sa pampublikong lugar sa lungsod na nagpopromote ng pagsusugal.
00:46Ayon kay Pasig City Mayor Vico Soto, malaking hakbang ito sa paglaban sa masamang epekto ng pagsusugal.
00:54Biyahe sa LRT2 extended simula bukas December 9.
00:59Hanggang 10pm na ang last train mula Antipolo Station, habang 10.30pm naman mula rekto.
01:05Iiksian naman ang oras ng operasyon sa bispiras ng Pasko at bagong taon.
01:10Sa December 24, 8pm ang last train sa Antipolo habang 8.30pm sa rekto.
01:15Sa December 31 naman, 7pm mula Antipolo habang 7.30pm sa rekto.
01:20Balik sa regular na operasyon ng LRT2 sa January 1, 2026.
01:26EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.