00:00Sunod-sunod na po ang mga Christmas party ngayong ikalawang linggo ng Disyembre
00:04dahil may mga hamong hinarap ngayong taon at may kontrobersya pa sa gobyerno.
00:11Paalala ng Pangulo sa mga kawaniin ito, simple lang ang pagdiriwan.
00:17Ang iba nating kababayan ay simple pati exchange gift.
00:21Nakatutok si Oscar Oida.
00:23Ito ang 123th Christmas tree sa Fuente Osmeña Circle sa Cebu City.
00:32Simbolo ito ng pag-asa para sa mga Cebuano na tinamaan ng sunod-sunod na unos tulad ng bagyo at lindol.
00:41Bilang pang-iisa at konsiderasyon sa mga nasalanta,
00:45wala mo ng malaking Christmas party para sa kanilang mga empleyado ang Cebu City LGU.
00:51Maging naman daw ay City Hall.
00:53Pero pwede pa rin naman daw ang simpleng salo-salo ng mga departamento
00:59para manatiling buhay ang diwa ng Pasko.
01:03Nauna na rin ipinanawaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno
01:08na gawin din sanang simple at makabuluhan ng kanilang Christmas at year-end celebration.
01:13Nitong weekend, binuksan sa publiko ang kalayaan ground sa Malacanang
01:18at namahagi si Pangulong Bongbong Marcos ng regalo sa mga bata.
01:24Pag-alala raw ito sa tunay na diwa ng Pasko.
01:28Kahit na mabigat ang hinaharap natin, kahit papano, meron tayong isang kaunting panahon,
01:39lalo na pag Pasko, na kailangan naman natin maalala.
01:43Ang mga binayaya natin, the biggest treasure that we have here in the Philippines are these,
01:52our children, the future of our country.
01:55Sa tingin ng mga nakausap namin, mahalaga pa rin ang pagtitipon at pagdiriwang tulad ng Christmas parties,
02:02lalo na sa gitna ng mga hamon sa buhay.
02:06Yes po, kasi syempre di ba once a year lang po natin na raranasan yung Christmas party,
02:12tsaka yun lang po yung araw na parang magsasama-sama po yung mga magkakatrabaho po.
02:17So parang yun din yung way para magbigayan, magsaya.
02:20Parang yun na po kasi di ba yung nakasanayan ng Pilipino, yung parang meron siya na Christmas party every year.
02:28Kung tatanggalin po, parang hindi naman din po maganda.
02:32Yung one day na yun na celebration nyo, feel na feel nyo yung Christmas kahit malayo po kayo sa mga pamilya nyo,
02:39yung spirit ng Christmas, ma-enjoy nyo kahit papano.
02:42Hindi naman daw kailangang maging mag-arbo ang party.
02:46Hindi rin kailangang mahal ang regalo ngayong season of giving.
02:52Isa nga sa mga nauuso ngayon, ang small gift exchange.
02:57Ang siste, bawat tao sa grupo magdadala ng small items para sa lahat ng kasama.
03:04Kwento ng grupo ni Yus Cooper CJ Yap.
03:07Mas na-excite daw sila dito kesa sa traditional exchange gift.
03:11Maganda rin daw na nakakuha sila ng hindi lang isang regalo na magagamit daw nila sa pang-araw-araw.
03:19Maliit man daw ang mga regalo o ang pagdiriwang, malaki naman ang ngiti sa kanilang mga muka.
03:25Dahil ang Pasko, kahit simple, masaya pa rin basta't sama-sama.
03:32Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
03:41Adios.
03:42Adios.
Comments