00:001000,000 mga bata ang nakatanggap ng maagang pamasko mula sa gobyerno.
00:05Ito ay sa idinaos na Balik Sigla Bigay Saya 2025 Nationwide Gift Giving na pinangunahan
00:12ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng first family nitong weekend.
00:17Silipin natin yan sa sentro na balita ni Floyd Brenz.
00:23Pagbibigay sa panahon ng kapaskuhan,
00:25Yan ang isinabuhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pangunguna sa ikaapat na taon ng Baliksigla, Bigay Saya, isang Christmas gift-giving program sa Malacanang.
00:37Walang pagsidlan ang saya ng mahigit 3,000 mga bata na hindi lamang busog, kundi pinasaya ng iba't-ibang aktibidad.
00:45Dagdag pa ang natanggap nilang mga regalo mula sa Pangulo, First Lady Lisa Areneta Marcos at Vinnie Marcos.
00:52Nabuhay ang kalayaan ground sa makukulay na inflatable, iba't-ibang laro, circus acts, bouncy castles, kiddie entertainment, food stalls at sari-saring activity boots.
01:03Lalo pang naging makulay ang selebrasyon sa isang espesyal na pagtatanghal ng mga bata para sa Pangulo at Unang Ginang na nagsilbing tampok ng masayang pagdiriwang.
01:13Isinagawa ang programa hindi lamang sa palasyo, kundi sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
01:18Bukod sa NCR, nahandugan din ang regalo ang nasa 11,000 mga bata sa Visayas at Mindanao na nakiisa online.
01:27Ngayon lang, pag nandito kayong mga bata, kaya makita mo sila lahat nakangiti, lahat mag-aang-andoob at lahat naramdaman ulit ang tunay na Pasko.
01:40Dahil nakita natin yung inyong mga ngiti, yung inyong magagandang mga muka.
01:46Dagdag pa ng Pangulo, hindi hadlang ang mga hamon na kinakaharap ng bansa para ipagdiriwang ang Kapaskuhan.
01:53Kahit na mabigat ang hinaharap natin ng mga hamon, ay kahit papano, meron tayong isang kaunting panahon,
02:08lalo na pagpasko, na kailangan naman natin maalala na ang mga swerte natin sa buhay,
02:17ang mga binayaya natin sa nakaraang taon.
02:21Aniya, hindi kailangang magarbo basta't maisabuhay ang diwa ng Pasko.
02:26Dagdag pa niya na ang mga aktibidad na tulad nito ay dapat lamang maibahagi sa mga batang Pilipino na aniya'y pag-asa ng bayan.
02:35Patunay din ito ng kagustuhan ng administrasyon na lumikha ng makabuluhan at di malilimutang karanasan ng Pasko para sa mga bata.
02:42Kami mga nagtatrabaho sa pamahalaan, kapag kami nakikita namin kayo, naaalala namin.
02:50Kaya kami nagtatrabaho, hindi para sa sarili namin kung hindi para sa inyo.
02:57Kaya tumitibay ang loob namin, lumalakas ang loob namin, nagiging kami mas masipag kapag nakikita kayo namin.
03:05Kayo ang dahilan sa lahat ng aming ginagawa.
03:07Inorganisa ang gift-giving program ng Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng Social Secretary's Office, DSWD, DepEd at mga LGU.
03:19Floyd Brantz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments