Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas pinadali na ng Metro Manila Development Authority o MMDA
00:04ang pagchecheck at pagbabayad ng multa sa mga traffic violations
00:08sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:11Ang mga hakbang sa paggamit ng bagong features ng NCAP website,
00:15alamin sa unang balita ni Von Aquino.
00:22Kita sa mga litratong ito na kuha ng mga CCTV camera ng MMDA
00:27ang mga motoristang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
00:31Meron ding hindi nakaseatbelt.
00:33Mga halimbawa ito na mga ebidensya ng traffic violation
00:36sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy o NCAP
00:40na kabilang sa mga bagong makikita sa myhulika.mmda.gov.ph website ng MMDA.
00:47Kung magchecheck lang ng violation,
00:49ang plate number at MV file number lang ang kailangang ilagay.
00:53Pero para maggamit ang lahat ng bagong features,
00:55kailangang mag-register.
00:57Isa sa mga bagong pwedeng magawa sa website
01:00ang pag-contest o pag-question sa itinag na violation.
01:03Pwede yan gawin mismo sa website sa pamamagitan ng e-contest option.
01:07Gumawa ng ticket at ilagay ang lahat ng detalye
01:10at i-upload ang lahat ng required na dokumento.
01:13May tag-officer na magre-review niyan ng inyo pong rason
01:20kung bakit hindi kayo dapat ma-issuehan ng ticket.
01:23Ino-notify po kayo kung kailangang mag-hearing
01:27through ano na rin po yan, zoom meeting.
01:30Kung hindi lang iisa ang sasakyan,
01:32pwedeng i-register ang mga ito sa iisang account
01:35para isahan ang notification sakaling may paglabag.
01:38Ang multa sa inyong paglabag,
01:41pwede na rin bayaran sa pamamagitan ng isang e-wallet app.
01:44Ayon sa MMDA, gumagamit sila ng 186 AI cameras,
01:49348 CCTV cameras at 100 body-worn cameras
01:53sa panguhuli para sa NCAP.
01:55Madaragdagan paan nila ito habang patuloy
01:58ang paglalagay ng mga CCTV.
02:00Sa datos ng MMDA, as of November 30,
02:03umabot na sa mahigit 250,000
02:05ang naitala nilang traffic violations.
02:07Nasa 119,000 lang dito ang validated.
02:12Ito po ay about 47% ang confirmation.
02:17Marami po dyan ay invalidate
02:19dahil hindi dahil sa mali yung panguhuli,
02:22dahil medyo lenient pa rin po tayo.
02:25Particularly doon sa mga areas na medyo
02:27may konti pang conflict or issues
02:30regarding signages or other issues.
02:35Sa tansya ng MMDA sa weekend,
02:38sa susunod na linggo hanggang sa December 20,
02:40ang peak na mga babyahe para sa Pasko
02:42at handa raw sila sa Christmas rush.
02:45Pero sana raw ay huwag ding dumami
02:47ang mauhuling traffic violators.
02:49Itong unang balita,
02:51Von Aquino para sa GMA Integrated News.
02:55Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:58Mag-iuna ka sa malita
02:59at mag-subscribe sa YouTube channel
03:01ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended